Chapter 5

215 10 0
                                        

Nevaeh Pov*

Nasa tapat pa lang ako ng pintuan ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Zamora. Gigil sya Mga Ghorl kaya kinakabahan na ako baka bigla nya din akong sapakin.

"Diba sabi ko bantayan nyo?!" rinig kong sabi ni Zamora kahit nasa pintuan pa lang ako.

"Sir sabi nya po kanina pupuntahan nya kayo" paliwanag ng isa.

"Edi sana sinamahan nyo! Binabayadan ko kayo pero di nyo inaayos yung trabaho nyo!" at nakarinig ako ng sapak. Baka masapak din nya ako huhuhu.

Maglalakad na sana ako pabalik sa labas ng humarap sa akin si Ghorl, yung kausap kong yaya kanina. Paktay ka na Nevi!.

"Ma'am nandyan na pala kayo! Pumasok na po kayo para tumino na si Sir" sabi ni Ghorl, tumino? ibig sabihin nababano na si Zamora?.

Hinatak na ako ni Ghorl sa loob. Ayaw ko man pero naawa na ako sa mga tauhan ni Zamora, baka bubogsarado na, pero pano naman ako? Baka ako naman ang bubugin nun. Pero pulis nga pala ako! Bat ako matatakot?.

"Sir nandito na po si Ma'am" nakita kong nag slowmo ang paglingon ni Zamora sa akin. Yung mga singkit nyang mata ay nagbabaga na.

"Hehe wazzup madlang pips!" sabi ko sa kanila. Isa-isa namang nag si alisan ang mga tauhan ni Zamora ng maramdaman nilang kailangan na nilang umexit. Good luck sa akin.

"Yoww wazzup my hubby-honey!  Gwapo natin ngayon ah!" pang uuto ko.

"Where Have you been?" malamig nyang sabi.

"Ano sa ano!" mag isip ka ghorl!.

"Where!!!??" sigaw nya.

"Sa company mo!. Pumunta ako kaso niligaw ako ng taxi driver pinaikot ikot nya ako sa buong Quezon City. Tas binaba nya ako kung saan! Ginabi na nga ako Hubby eh. Ouchh ang sakit ng paa ko" umaarteng sabi ko habang nakahawak sa mga binti ko.

"Tapos nung nasa company nyo na ako sabi nila maaga ka daw umuwi!" dagdag ko pa. Sana umubra, dahil best actress ako duon sa barangay namin nung bata ako.

"Totoo ba yang sinasabi mo?" pinag aaralan nya ang mga kilos ko.

"O-oo naman" nauutal kong sabi.

"No! Your lying!" sabi nya sa akin habang lumalapit.

"How many times mo pa ba akong lolokohin Heaven!!!?" naluluhang sabi nya. Ngayon lang ako nakita ng umiiyak na lalaki dahil sa babae.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Tumulo na ang isa nyang luha sa mata gusto kong punasan iyon dahil alam kong nasasaktan na sya.

"You always want to hurt me. Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako pero lagi mo akong sinasaktan ng ganito!" mahabang sabi nya. Ang drama nyang lalaki ah!

"Im sorry for what i have did" ako na ang nag so-sorry sa kasalanan ng kapatid ko.

"Kahit labag sa loob mo ang kasal ay pinilit pa rin kita kasi akala ko iyon ang magpapatahimik sa akin sa pag aalala. Pero bakit ganun kahit kasal na tayo, nakatali ka na sa akin. Bakit parang hindi pa rin sapat?" tinitigan nya ako ng mga lumuluha nyang mata.

"Natatakot lang naman ako na mawala ka sa akin eh. Nangako tayo dati na aalagaan natin ang isa't isa. At kung ginagawa mo ito upang hiwalayan kita, im sorry pareha tayong magdurusa" then he left me again in his house.

Ramdam kong ang sakit sa lahat ng salita nya. Pasensya na sa ginawa ni Heaven ako na ang humihingi ng pasensya. Pero hindi ako papayag na puro ganito lang mangyayari sa inyo oras na magpalit na kami.

"Ma'am di po ba kayo kakain??" tanong sa akin ni Ghorl ng makita nya ako sa sala.

"Busog pa ako Ghorl, Samahan mo nga dito! Hintayin natin si Zion" sabi ko sa kanya at umupo naman sya sa tabi ko.

"Pero ma'am baka po bukas na yun umuwi" sabi nya sa akin habang humihikab na. Hindi ko na lang sya pinansin at tumitig na naman sa pinto, nagbabakasakali na isusuka nya si Zion.

"Ghorl! hindi ba talaga sya uuwi?" tanong ko sa katabi ko. Kanina pa kami dito pero walang Zion na pumapasok sa pinto, nag aalala na ako ng todo.

Wala akong natanggap na sagot dito sa kasama ko, nakatulog amputek. Kaya pinag isipan ko na lang mabuti ang plano ko,itataya ko na naman ang puso ko.

"Bahala ng masaktan ako!. Para naman sa kapatid ko ito"

Sabi ko sa sarili ko bago ako kainin na ng antok.

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon