Chapter 25

274 9 1
                                        

Nevaeh Pov*

Nasa kalagitnaan na ako ng beauty rest ko ng magsimulang mag ingay ang pinto ko. Syempre may kumakatok baka mamaya nasa isip nyo dumadaldal na ang pinto ko hahaha.

"Anak ng! Sino bang matinong tao ang kakatok ng ganitong oras" naiinis kong sabi habang binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Wifey *hik*" nagulat pa ako ng makita ko si Zion na lasing. Wifey daw uy? ano yun bati na kami??

"Anong ginagawa mo dito? Doon ang kwarto mo! Halika aalalayan kita" hahawakan ko na sana sya ngunit tinulak nya ako papasok at nahiga sya sa kama ko.

Tekk ang amoy alak sya mga ghorl tas hihiga sya sa kama ko. Buset naman kung hindi lang talaga sya gwapo.

"Buset kang lalaki ka! Sinira mo ang tulog ko dahil dyan gagahasain kita!!! Bwahahaha" sabi ko at sinimulang hubadan sya pero joke lang yun bibihisan ko lang sya para presko, ganon ang gawain ng mabuting asawa kahit nag away kami.

Napatitig ako sa mukha nya, napaka gwapong lalaki pero napakasungit naman. Napaka yamang tao pero napakalungkot naman. Wala talagang perpekto sa mundo.  Buti na lang ako kahit hindi kagandahan mag gubat naman akong matatayog! hahaha im unique!

"Ano bang meron sayo? bakit ba ang lungkot-lungkot ng mga mata mo?" sabi ko habang hinahawakan ng hintuturo ang kilay at pilikmata nya. Ang mga singkit nyang mata ay ang mapagpapahulog sayo araw-araw kaya hindi ko na napigilan din itong puso ko eh.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong kabigin papalapit sa kanya at hinalikan ako. Nagpupumiglas ako ngunit ayaw nya akong bitawan, hanggang sa maging malumanay ang kanyang halik at hindi ko napansin na napatugon na ako sa kanya. Ang halik ay lumalim ng lumalim hanggang sa pumaibabaw sya sa akin, gumapang ang halik nya sa pisngi, sa tenga hanggang sa leeg. Nang nasa leeg ko na sya ay biglang yumugyog ang kanyang balikat.

"Heaven, ano bang nagawa ko? Bakit mo ako ginaganito?" umiiyak nyang sabi sa balikat ko. At duon ako natauhan sa mga nangyari. Mali! Mali lahat ng ito.

"Minahal kita ng buo! Binigay ko sayo lahat pero bakit parang kulang pa sayo? Bakit mo ako--" Pahina ng pahina ang sinabi nya hanggang sa makatulog sya sa balikat ko. Ano ba talagang nangyari?

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Kailangan kong malaman kung anong gulo itong napasok ko.

"Hello Ate?" sagot ng tinawagan ko.

"Heaven ano ba talagang nangyayari?!!" agad na sabi ko sa kanya.

"Im sorry Ate Neveah" then pinatayan nya ako. Peymus ka ghorl? paimportante! Putek binabaan ba naman ako.

Heaven!!! pinapasakit mo ang ulo kooo!. Naiistress ako sayo.

*ting*  wag kayo!! tunog ng cellphone ko yan ibig sabihin may nag text.

From: Veni
To: Nevi

Ate! babalik na ako  Next week. Im sorry again

Sinubukan ko sya ulit tawagan ngunit patay na ang phone nya. I guess kailangan ko ng sulitin ang natitirang araw kasama ka Zion!.

"Bakit ayoko pa?" sabi ko sa sarili ko dahil naiisip ko na iiwanan ko na sya.

"Anong ayaw mo pa?" sabi ng nasa likod ko.

Zion

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon