Chapter 20

334 10 2
                                        

Nevaeh Pov*

Malapit ng matapos ang bakasyon namin at sa awa naman ng Dyos ay hindi na naulit yung nakaraan, natatakot na ako sa sarili ko na baka magapang ko na sya.

"Zion!!!" gising ko sa kanya dahil gusto kong manuod ng Sunrise. Hindi ko na kasi nagagawa yun simula ng magkatrabaho ako.

"hmmm"

"Gising na manunuod pa tayo ng Sunrise!" pero tumalikod lang sya akin. Amputek kung kagatin ko kaya puwet nito.

"5 minutes more" sabi nya at bumalik na naman sa pagtulog. Pasalamat sya at gwapo sya na may matambok na puwet kung hindi! rawr!.

Naisip ko na gawin ko ulit ang panunuod ng Sunrise, nung huli ko pang panood sa Sunrise ay noong bata pa ako kasama ang crush ko, syempre bata pa lang malantud na ako. Saan na kaya yung crush ko na yun?.

"Sino na naman yang iniisip mo?" gising na pala ang magaling kong asawa na may matambok na puwet.

"Crush ko at First Love ko, iniisip ko yung kasal namin" sabi ko sa kanya ng nang aasar haha mag selos ka boy!.

"Hayaan mo uulitin natin ang kasal natin" Wow kala naman nya sya yung Crush at First Love ko.

"Wew hindi ikaw yung sinasabi ko, assumero toh" kaya kumunot naman ang noo nya, ayan ganyan nga!! Dahil hindi naman talaga sya yun.

"Im your crush and first love simula nung bata pa tayo!" sabi nya sakin duhh baka kayo ni Heaven hindi ako. Kung ako kaya ang na una mong nakilala, ako kaya ang mamahalin mo at hindi si Heaven?.

"Lakas ng ampog ah! Lika na malapit ng mag umpisa oh" turo ko sa labas ng madilim dilim pa, gusto ko talaga ng sunrise dahil bukod sa healty pa ang sinag ng araw ay ang bango-bango pa ng hangin.

Pumunta naman ako sa may Sea side habang umalis si Zion para bumili ng pagkain namin, Umupo ako sa buhangin kahit madumihan na yung short ko. Libre naman kasi ni Zion toh, yaman talaga ng puwet na yun.

"Ate Nevi!" lumingon naman ako at nakita ko si Dale. Wtf?? anong ginagawa nya rito?.

"Dale! Bat ka nandito?" agad kong tanong sa kanya.

"Misyon teh! Protect the CEO nga diba?" kung ganun nga na may misyon, ibig sabihin may panganib. Iba na talaga pag bilyonaryo.

"Hanggang kelan ba yang Misyon na yan?" tanong ko baka makatulong ako tutal lagi ko namang kasama si Zion, mapro-protektahan ko sya.

"Hanggang sa mahuli na sila, sa ngayon wala pang ebidensya kung sino sila" paliwanag nya sa akin.

"Eh pano nyo naman nasabe na may tumatangka na kay Zamora?"

"May nagpapadala ng Death Threat sa kanya, hindi nya ba sinasabi sayo?"

Napaisip naman ako sa sinabi nya, all this time may di sya sinasabi sa akin. Bakit? Dahil ayaw nya akong mag alala?. Tshhh

"Tsk umalis lang ako sandali, may umaaligid na naman sayo" biglang dating ni Zion, nawala naman agad si Dale sa harapan ko.

"Bano! Si Dale lang yun, yung kinuwento kong parang kapatid ko na"

"Ahh ok" Binaba nya sa gilid ko ang pagkain at umupo sya likod ko kaya nasa pagitan na ako ng mga hita nya.

  Apaka romatic ng ganito, nakasandal ako sa kanya habang yakap yakap nya ako. Gusto kong kiligin ngunit naalala ko yung sinabi ni Dale, may panganib. Nakita ko si Dale sa malayo, nagbabantay sa amin. Nakakailang sya mga ghorl ah, dapat singilin ko sya sa susunod dahil may live romance drama syang napapanood.

"Sana ganito na lang tayo lagi" sabi nya sa likudan ko.

Lumingon ako sa kanya ngunit sa ibang direksyon napunta ako paningin ko. Sa isang mataas na building, at ng liitan ko ang mata ko ay nakakita ako ng sniper na nakatutok sa amin.

"Fuck tayo" tumayo ako at hinila sya sa gilid ko. May tumalsik sa pinag upuan namin. Muntik na!

Tiningnan ko naman ang sniper at wala na sya duon.

'Sino sila?'

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon