Nevaeh Pov*
Matapos ang nakapakatagal na meeting nila ay masasabi kong naging badtrip ang mood ni Zion. Hindi ko alam kung bakit pero baka dahil kay Hanz, hindi ko naman kasi mapigilang maging curious sa kanya at kay Ghorl. Kumain muna sila Hanz at Dale bago naisipang umuwi na, si Ghorl di ko na alam kung nasaan baka tumatae, di ko sure ah.
"Tsk! Ano ba meron sa officer na yun at kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya!" biglang sabi ni Zion sa akin nang kami na lang ang natira sa sala.
Hindi ko alam kung bakit nag gaganyan sya, nakakainis ahh parang maling-mali pa ang ginawa ko!. Gusto ko lang naman ng chismiss kali Hanz at Mia.
"Kaibigan ko nga lang sya"
"Bakit ganon ka na lang makatingin sa kanya Huh?" Buset na lalaki ito pinapalaki pa ang away. Gusto nya ba talaga kaming mag away??.
"Wala!"
"Alam mo naman na nagseselos ako sa kanya ah. Bakit ganun ka pa makatitig sa kanya!" sa mata nya ay makikita mo talaga ang matinding selos.
"Mali yang iniisip mo!" Baka naiisip nya ay may gusto kay Hanz.
Natatakot ako na merong mali na mabuo duon sa isip nya dahil hindi ako ganung tao.
"Sana nga mali! Dahil kinakain na ako ng selos Heaven!. Niisang babae wala akong pinapalapit sa akin para hindi ka magselos pero bakit ganito ang ibabayad mo!" mahaba nya ng sabi at natamaan ako doon, walang babae ang nakita kong umaaligid sa kanya tapos ako hayts.
"Anong sinasabi mo?? Na may namamagitan sa amin ni Hanz??"
"Wow Hanz lang! Ganun na ba talaga kayo kaclose?. Tsaka may namamagitan nga ba talaga!" naghihinalang sabi nya sakin.
"Sinasabi mo bang malandi ako?"
"Bakit hindi ba??" yung mukha nya ay biglang naging cold. Ang mga luha ko ay nagsisimula ng mabuo sa mga mata ko. Sinasabi nya bang malandi ako?
"Anong karapatan mo para pagbintangan na malandi ako!!" nag cra-crack na ang boses ko dahil sa mga sinasabi nya, wala pang nakakapagsabi sa akin ng ganyan dahil hindi ako ganung tao.
"Akala ko nagbago ka na Heaven! Akala ko lang pala" then he left me mag isa dito sa sala na umiiyak.
Napaiyak ako sa mga tuhod ko at napaupo sa lungkot. Ang sakit pala pag sa mismong mahal mo nanggaling yung ganong mga salita. Sa taong akala ko ay hindi ako pag iisipan ng ganong bagay.
"Iha! Tahan na, narinig ko lahat ng pinag usapan nyo Di ko sinasadya" pagpapatahan sa akin ni Manang. Wushoo kunwari pa sya baka nakichismiss lang sya.
"Manang ang sakit nung binibintang nya sa akin" iyak ko kay Manang.
"Iha Nevi intindihin mo na lang si Zion. Dahil natatakot lang syang maiwan na naman mag isa" Pero sobrang sakit naman naman ng pagbintangan nya ang malandi.
Sa buong araw ay umiyak lang ako ng umiyak. Dinibdib ko talaga yun mga ghorl kasi may dibdib ako kayo wala. Nauunawaan ko sya sa gusto nya at ayaw nya pero wag naman sana nya akong pag isipan na malandi.
"Napaka bwiset kang lalalaki ka!! Hindi ako tatabi sayo. Manigas ka mamayang gabi!!" pero may ibang bagay akong naiisip na maninigas talaga. Bahala na!!
Lumipat ako sa kabilang kwarto dahil nga ayaw ko syang katabi at ayaw ko syang makausap. Ayaw ko man lumipat kaso kailangan talaga.
'Lesson Learn: Wag nyong aawayin ang asawa nyo dahil wala kayong makakapang abs sa gabi'
Ako pa ata ang mahihirapan nito - _ -

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Algemene fictieTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.