Nevaeh Pov*
Sa unang araw ng pag iiwasan namin ni Zion ay hindi nya ako sinunod. Buong araw ay inalagaan nya ako, maaga syang pumupunta sa hospital para asikasuhin ako. At naiinis na ako doon dahil wala iyon sa usapan.
'Mahal mo ba ako Zion?'
'Mahal kita'
Lahat nang yan ay paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko. Masakit sobra kasi minahal ko si Zion, nakalimutan ko nga pa lang pinalitan ko lang pala si Heaven. Mahal nya si Heaven at si Heavan ang matagal nyang nakasama.
"Ma'am hindi nyo na po ba hihintayin ang asawa nyo?" tanong sa akin nitong magandang nurse.
"Hindi ko sya Asawa, kaya kung hanapin nya ako. Sabihin mo umalis na" naguguluhan man sya ay napatango na lang sya sa sinabi ko.
3:30 ng madaling araw ay balak kong umalis na sa hospital dahil sinabi samin ng Doctor kahapon na pwede na nga akong makaalis ngayon. Dahil nga nandito si Zion ay nag presinta syang susunduin ako at sa bahay nya ako titira.
"Baby lalayo muna tayo ah!" kausap sa tiyan ko.
Sa ngayon ay iiwasan ko muna ang mga taong pwedeng makapag pahamak sa anak ko. Iiwasan ko muna ang mga mahal ko sa buhay, ayaw ko man pero sila ang sinisisi ko kung bakit pwede mahina ang kapit ng baby ko.
"Ayaw ko lang naman na pati ang baby ko ay iwan din ako" sabi ko habang nag huling sulyap sa Hospital bago pumasok sa taxi.
Para sa anak ko at akin din naman itong desisyon kong ito. Gusto ko naman na isipin ko din ang sarili ko. Sawang-sawa na akong isipin ang mga taong nakapaligid sa akin.
"Zion?" bigkas ko ng magkasalisihan ang kotse nya at taxi na sinasakyan ko.
Nakabukas ang bintana nya at makikita sa mukha nya na masaya sya. Para sa akin ba yun? Mananatili din ba ang ngiti nya pag nalaman nyang wala na ako doon?.
"Ang aga naman pala talaga nyang pumupunta" sabi ko sa sarili ng makita kong 4 am pa lang.
Sa mga nakalipas na araw ay nakikita ko ang mga effort nya, ang pagiging tatay at asawa. Pero di talaga mabura sa isip ko na hindi ako ang mahal nya. Sana ay alagaan nila ang isa't isa, pinapaubaya ko na Heaven si Zion kahit alam kong hindi sya naging akin.
"Maam Saan po tayo?" tanong ng driver sa akin
"Sa airport po Manong"
'Sana maging masaya na kayo.Ako ng bahala sa anak natin, Zion'
6 months na rin ang nakakalipas at sa tuwing inaalala ko iyon ay masasabi kong okay na ako, na masaya na ako sa buhay ko kasama ang baby na nasa tiyan ko.
"Konti na lang Baby mahu-hug ka na ni Mommy!" excited na sabi ko habang nakatingin sa salamin.
Kita ko sa salamin kung gaano kalaki na ang tiyan ko. Malaki din ang dinagdag kong timbang kaya di na ako magtataka kung tumaba ako ng kaunti.
*Ring* *Ring* (may tumatawag yan wag kayo)
Bago ko sinagot ang tawag ay nagsuot muna ako ng bathrobe dahil nga naka under wear lang ako kanina habang nakatingin sa salamin. Baka lamigin pa kami ni Baby.
"Hello" sabi ko agad sa kausap ko.
"Nasaan ka na ngayon? Kakauwi mo lang daw" tanong nya agad. Di man lang nangamusta
"Nakakatampo ka kapatid! Di mo man lang ako kinamusta"
"Ate naman! Syempre kakamustahin din naman kita" sabi ni Heaven na mukhang naiirita na sa akin. Well buntis nga din diba sya.
"Manganganak ka na pala? ano ayos ka lang" tanong ko sa kanya.
"Delivery Room na ako ate. Hinihintay ko nga si Hanz kaso wala pa rin" ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses dahil kailangan nya ng supporta ng ama ng anak nya.
"Wag lang talaga syang magpapakita sa akin!. Sige bye na pupunta ako dyan mamaya"
"Bawal ka dito ate! baka mauna ka pang manganak sa akin" biro nya dahil posible nga iyon pag natense ako.
"Dadalaw lang ako ok? tsaka strong toh hahaha" sabi ko sabay patay ng tawag.
Sa anim na buwang nakalipas natutunan kong mahalin ang sarili ko. Na kailangan ko ring magtira para sa sarili ko, na hindi sa lahat ng bagay ay may ibibigay ako.
"Pero hindi ko pa ata kayang makita ka Zion" sabi ko habang iniisip sya.
Naisipan kong umuwi dito sa Pilipinas dahil gusto kong suportahan ang panganganak ng kapatid ko. Hindi kami nawalan ng koneksyon sa isa't isa kaya alam ko kung gano ka gago si Hanz.
"Yiehh baby makikita na natin ang pinsan soon" excited na sabi ko sa tiyan ko habang nilo-lock ang room ko.
Habang nasa biyahe ako ay medyo kinakabahan na ako. Masama ito pero siguro kakain na lang ako pampakalma, pagkain lang ang yumayakap sa akin sa tuwing kailangan ko ng kasama kaya siguro tumaba ako.
"Naku anak!! Sinasabi ko sayo pag hindi ka healthy na lumabas, iisa-isahin ni mommy lahat ng canteen na pinagbilhan natin" kausap ko sa tiyan ko, madami namang napapatingin sa akin dahil siguro ang weird ko pero wala akong pakielam.
Nagpla-plano talaga ako ngayon kung paano ko kokonyatan lahat ng manager ng canteen pag di healty ang baby ko. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko papuntang room ni Heaven ay may naramdaman akong nakatitig.
'Baka isa lang din sa nawe-weirduhan sa akin'
"Heaven!!!!!!" masayang bati ko agad pagbukas ng pinto ko ngunit iba ang nadatnan ko.
"H-huh?" sabi ng kausap ko.
"Ay boiseett maling room hehehe" amputek ibang room ang nadatnan ko.
269 ang room number nito tas 296 pala ang room ni Heaven. Another kabobohan Nevi??. Nang nasa tamang room na ako ay naghanda ulit ako ng magandang pang bati.
"Heavennn!!!" malakas na sigaw ko para sana supresahin sya ngunit ako pa ata ang nasupresa.
"H-heaven!" tawag ko ulit sa kanyang wala ng buhay na katawan.
"T-tulong!!! ang kakambal ko! tulong!!" sigaw ko.
"Wife!! Nevaeh!!!" pagbukas ng pinto ay agad nya akong nilapitan.
"Zion ang kakambal ko" umiiyak na sabi ko sa kanya habang nakayakap rito.
Ramdam ko ang pagdating ng mga nurse at doctor ngunit hindi ako makatingin sa wala ng buhay na katawan ni Heaven.
"Fuck! bakit nyo hinayaang mangyari ito!" galit na sabi ni Zion sa mga doctor.
Hindi ko na alam ang nangyari dahil biglang nagdilim ang paningin. Pero bago ako kainin ng dilim ay nakarinig pa ako ng mga tinig.
"My ghad!! ang hirap umacting ah. Ayan bawi na ako KUYA Zion"
"Shit ang bigat na ng wifey ko!"

BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.