Nevaeh Pov*
Nandito na kami sa room namin, asa ka naman ghorl na kukuha ng bukod na room si Zion. Natatakot lang ako ng baka magapang ko sya hahaha.
"Relax wife hangga't hindi ka pa handa ay hindi pa natin iyon gagawin" naramdaman kong pumulupot ang mga braso nya sa bewang ko at bumaon ang mukha nya sa leeg ko habang nasa likod ko sya.
"Wait pano ako mag re-relax nyan eh kung maka pulupot ka!!" sabi ko sa kanya habang umaalis na sa yakap nya. Pahirap ka din Boy eh!!
"Naglalambing lang naman wife" sabi pa nya habang sumusugod na naman sa akin para yakapin ako. Umiwas naman ako sa kanya dahil baka magahasa ko pa iyang gwapo na iyan.
"Hep hep sumosobra ka na! Di mo ba ako papakainin? Nagugutom na ako oh" pigil ko na sa kanya, buset kasi umiiwas na ako tas sya sunod pa rin ng sunod.
"Takaw talaga kaya tumataba ka na eh. Di ba bawal sa trabaho mo yan?" tanong nya sa akin habang lumalabas nasa room namin, abay buset naman iiwan naman nya ako ngayon?.
"Dati yun di na ngayon. Food is life kaya ako" sabi ko sa kanya ng totoo at tsaka humabol sa kanya.
Gusto kong ipakita sa kanya ang totoong ako, ang ipakita sa kanya si Neveah. Sawa na akong gayahin si Heaven, dahil hindi ako ganong klaseng tao.
"Saan tayo??" tanong ko sa kanya.
"Doon sa restaurant" maikling sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Maiingit kayo Ghorl!
Pumasok kami sa pangsosyalin na restaurant, mukhang mahal dito.
"Table for two" kaswal na sabi ni Zion.
"This way Sir" at nginitian ng waitress si Zion. Lande ka ghorl???
Kaya ayoko sa ganitong kainan eh bukod sa ang mahal ng pagkain napaka konti pa! Hanggang lalamunan ko lang ata makakapunta yung pagkain eh. Tapos sa sobrang tahimik ng lugar ay lagi akong inaantok. My ghad hindi ito astig!
"Hoy Zion sure ka bang dito tayo??" tanong ko sa kanya.
"Yes" maikling sabi nya habang nag babasa ng ioorder.
"Ayoko dito"
"Why?" na binaba naman nya yung binabasa nya.
"Di ako nag eenjoy dito! Lipat tayo!" aya ko na sa kanya habang tumayo.
"ok lets go! saan ba gusto mo?"
"Restobar!!" masaya kong pang sabi sa kanya na kinanuot naman nya ng noo.
"Ayaw mo sa ganong lugar!" well si heaven yun not me!.
"Gusto ko duon! Lika na!!!"
Kinaladkad ko na sya sa unang resto bar na nakita ko. Ayos naman ang time ngayon dahil 7 pm na, sobrang layo talaga ng biniyahe namin kanina.
"Gusto ko ng 10 beers, 2 sisig, 5 lumpia at spicy chicken wings!!" sabi ko agad sa waiter ng makaupo kami.
"Yes maam we serve these after 10 minutes" sabi nya at umalis na sa harap namin.
Humarap naman ako kay Zion na nakita kong magkadugtong na ang kilay nya.
"Bawal sayo ang alak dahil sa trabaho mo diba??" agad na tanong nya sa akin.
"Pwede kaya! pwedeng pwede!" sabi ko sa kanya habang kumikindat pa.
Nang maiserve na sa amin ang mga pagkain at ang alak ay agad na naming nilantakan iyon. Habang sa alak naman ay nagpapaligsahan kami sa dami ng naiinom.
"Hey lasing ka na! Uwi na tayo" lasing na sabi ni Zion."No! Im not!" tanggi ko pa kahit nahihilo na ako. Naparami ako mga ghorl at masasabi kong masama ito!.
"Talaga lang huh?" sabi nya ng makita nya akong tumumba-tumba ng tumayo na ako.
"Yes, kaya ko pang ipakita sayo kung pano ako nagtratrabaho" nang aakit kong sabi sa kanya at nakita kong biglang pumungay ang mata.
"Then show me what you got"

BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.