Chapter 7

240 10 0
                                    

Nevaeh Pov*

"Bakit ikaw ang nandito? Bakit nagpapanggap kang si Heaven?" sa boses nya ay malalaman mo ng gusto nyang malaman ang katotohanan. Itong Matandang ito! Ang tanda-tanda na pero chismosa pa rin.

"Huminahon ka muna po. Dito tayo Manang! ipapaliwanag ko sayo ang lahat" inaya ko sa sya upuan at sumunod naman sya akin. Iba talaga pag chismosa noh? hahaha

"Geh Explain" sabi nya habang nakatingin sa akin. Hindi ka makapaghintay?

"Isang araw dumating si Heaven sa office ko,kakambal ko po sya. Nanghihingi sya ng tulong, ang sabi nya sa akin ay kausapin ko daw ang boyfriend nya upang makipag hiwalay. At nung araw ng pagkikita namin ni Zion ay nalaman kong papuntang New York ang kakambal ko kaya No choice akong pumuntang mag isa" huminto muna ako sandali dahil kinakapos na ako ng hininga mga ghorl. Ang hirap pala talagang mag explain, hindi kasi sanay sa ganitong explainan.

"Tapos?" grabe naman si Manang, sobra na yang pagkakachismosa nya ah!.

"Then nung magkita na kami ni Zion ay pinilit nya akong este pakasalan si Heaven. At nung nagkaroon ako ng pagkakataon na kontakin si Heaven ay hindi ko na sya macontact at nag iwan na lang ng message na pumayag ako sa kasal" kwento ko pa. Sana naman maniwala na sya dahil ayaw ko ng ulitin yun.

"Kung ganun bakit mo ito ginagawa? Gusto mo rin ba ito?" dami nya ng tanong ah. Seryoso ang mukha nya at makikita mo duon na gusto nyang malaman ang katotohanan.

"Simula pagkabata ay hindi ko na matanggihan si Heaven, Manang. Mahina ang puso nya kaya lahat ng ninanais nya ay kailangan mapunan namin. At ako na bilang ate ay kailangan ko syang alagaan" kwento ko sa kanya, naawa talaga sa kapatid ko dahil sa mura naming edad nuon ay limitado lang ang pwede nyang gawin.

"Gusto mo rin ba itong nangyayari?" sa tanong nyang iyon ay napaisip ako. Gusto ko rin ba? kasi kung hindi ay may magagawa akong solusyon para makaalis sa sitwasyon na ito. Pero bakit hindi ko magawa? Ginusto ko ba talaga?.

"Hi-hindi ko gusto Manang. Ginagawa ko ito para sa kakambal ko, Manang. Gusto kong magkaroon ng maayos na buhay si Heaven kasama si Zion oras na bumalik na sya rito." bakit may kirot sa puso ko sa sinabi kong iyon. Nagsisimula na ba akong mahulog sa kanya?.

"Iniisip mo ang kapatid mo pero pano naman ang sarili mo?. Madaling mahalin si Zion, Anak. At hindi malabong mahulog ang loob dahil sa plano mong iyan" sabi ni Manang, tinamaan talaga ng matindi dahil kahit ilang araw pa lang ako dito ay parang umabaon na si Zion sa puso ko.

"Hindi naman siguro mangyayari yan Manang. At kung mangyayari man yan, tatanggapin ko na lang siguro yung sakit. Simula ng bata kami, puro si heaven lang ang iniisip ko kaya tuwing nagkakaroon ako ng kaibigan lagi kong sinasabi na ang pangalan ko ay Heaven" kwento ko sa kanya, minsan lang ito kaya sulitin nya na. Ngayon lang ako nag open tungkol samin ni Heaven.

"Sinasabi mong Heaven ang pangalan mo kahit hindi?" tanong nya.

"Opo nang malaman ko sa mga magulang ko na paghihiwalayin kami ni Heaven. Naisip kong walang mag aalaga sa kanya. Kaya nangolekta ako ng mga kaibigan kaya nung oras na aalis na ako, sinabi ko na puntahan ni Heaven yung mga taong yun." kwento ko habang naalala kung pano ko sila pinanuod habang nakikipag laro na sa tunay na Heaven.

"Kaya ngayon Manang gusto kong gawin ulit iyon. Mangolekta ng pagmamahal at ibibigay ulit kay Heaven"ngumiti ako ng peke.

"Napakabait mong kapatid. Gusto kita para kay Zion, Anak!. Kung ano mang desisyon mo ay rerespetuhin ko, pero kung tumibok ito" tinuro nya ang puso ko.

"Sundin mo at ilaban mo. Sige maglilinis pa ako, makipag usap ka na lang kay Ghorl mo hahaha" tumawa sya sa akin at iniwan ako na napapaisip.

Nang malaman kong paghihiwalayin kami at ipapatira ako kali Lola ay nakungkot talaga ako. Tinanong ko sila Mama kung bakit, ang sabi nya lang sa akin ay time ko naman daw na isipin ang sarili ko. Napansin din pala nila na lahat ng desisyon ko ata gagawin ko para kay Heaven kaya siguro naawa sila para ipaglayo kami ni Heaven. Tungkol naman kung pano ako pag nahulog na ako?

Hindi ko ata kayang ilaban.

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon