My Ex- Boyfriend is a PopStar
FANFICTION
Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns out to be sacrifices and a disaster, and is also actually their fate of longing happiness for their both family.
Assuming the reason why they have been reunited after two years is just about their job. A famous Pop Star and a Paparazzi Journalist.
Maybe sooner..eventually like fate always wanted, they will be separated again.
[TAGLISH]
Casts;
Jeon Wonwoo as Jon Dale Watson
Kim Sohye as Sophia ContelleSimula
"Partner ready ka na?" Tinanong ako ng partner ko. Kasulukuyan kong kinakabit iyong diamond necklace sa leeg ko, nandito kame sa loob ng sasakyan.
"Teka, buksan mo na yung pinto lalabas na ko." Hinawi ko iyong dress patakip sa hita ko, may slit kase ito kaya exposed iyong mapuputi at makikinis kong legs na ang tagal ko ng tinatago.
"Hindi mo ba kaya?" tanong ni Aaron. Lumabas siya ng sasakyan at binuksan iyong pintuan ko.Bubuksan din pala tatanong pa
Muntik na akong madapa dahil 6-inches ang takong ng heels na suot ko. Mabuti at nakaalalay sakin si Aaron.
"Kaya mo ba?" Nakahawak ako sa dalawang kamay niya na umaalalay sakin.
"Oo ako pa ba, mauuna na ko, yung toka mo ah" Tinapik ko ang balikat niya.
Pinilit ko irampa ang heels na suot ko, kinembot ko ang bewang ko habang naglalakad , may suot akong itim na shades na bumagay sa pulang dress at heels na suot ko.
Pagdating ko sa loob ng lobby ng hotel-restaurant ay pinakita ko ang reservation card ko. Sinamahan ako ng isang waiter papasok sa restaurant. Pagdating ko sa table ko ay dumekwatro akong pambabae, binuksan ko ang menu nila. Ang mamahal ng pagkain.
Napalunok ako sa mga presyo, wala naman akong plano umorder pero hindi kase umaalis iyong waiter sa harapan ko. Ibinababa ko ng unti ang shades ko at tiningnan ko siya mata sa mata. Nginitian lang niya ako. Hindi nakuha sa tingin, sayang.
"Ahh.. i'll order strawberry shake for now, may inaantay pa kase ako... mamaya na kami oorder." Ngumiti ako ng pilit.
"Ah okay maam, coming right away po." Nagpasalamat ako bago siya umalis.
"Ano wala pa ba ? ang tagal naman ng bruhildang yon" bulong ko, may suot akong mic na may earphone kung san kame nagkakapalitan ng mensahe ni Aaron.
"Teka parating na siguro iyon.. ganitong oras naman lagi dumadating iyon."
Tinutukoy namin ay ang target namin ngayon. Isa siyang sikat na artista na may ka love team ngunit na lilink siya na may kinikitang ibang lalaki . Ilang linggo na rin namin siyang sinusundan at nagkikita sila nung boyfriend niya dito sa hotel resto kung nasan ako ngayon. Plinano namin mabuti ang lahat ng gagawin namin.
Ganito ang trabaho ko ang mangstalk at mang issue ng tao. Marangal naman ito. Madudungisan nga lang ang image nila sa publiko dahil sa galing ba naman kase namin ay paniguradong headline sila kinabukasan sa balita.
"Partner andyan na iyong lalaki.. may dalang bulaklak uli"
"Okay sige." Dumating ang shake ko.. nagkunware akong abala sa cellphone habang pasimpleng sumisilip sa pintuan.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
FanfictionMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...