Prologue

72 9 3
                                    

.

Nagsmirk lang siya sa akin. "So.. what about Jayvee and Grace?"

Mahina akong napaubo, dala na rin ng pagkagulat sa bigla niyang pagbubukas ng topic tungkol dun.

Ano ba Tiffany! Yun naman talaga ang dahilan kung bakit gusto mo siyang kausapin ng personal diba? Nagugulat ka pa?

I gulped, then try to calm myself before finally speaking.

"Tama. Tungkol dun.. kay kuya Jayvee at a-ate Grace. Ahm--" Sinubukan kong magtapang-tapangan ngunit sa huli ay bahagya rin akong napayuko, hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

Kaya ko ba talagang makipagkasundo dito kay Ziggy? At higit sa lahat kaya ko ba siyang pagkatiwalaan?

Nanatiling malikot ang mata ko, akala ay mahahanap ang sagot sa paligid. Nang subukan kong ibalik ang tingin ko kay Ziggy ay nakaabang siya sa sasabihin ko. Nakataas pa ang dalawang kilay at bahagyang nakatagilid ang ulo.

Nakagat ko ang ibabang labi bago muling nag-iwas ng tingin.

Ano ba? Akala ko naman nakuha niya na ang gusto kong mangyari? Ang slow naman yata talaga nito?!

Huminga ako ng malalim, bago kunot-noong sinalubong ang kanyang mga mata. Wala ng atrasan 'to!

"Pumapayag na ako." Pilit kong pinapatatag ang boses ko. "Just like what you said, I will help you win Ate Grace, and you will help me with Kuya Jayvee." buong tapang kong pahayag.

Ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko at halos mabingi na rin ako sa ingay nito. Hindi ko alam kung overeacting lang ba ako, pero sa kaba ko ngayon pakiramdam ko talaga ay malinaw kong naririnig ang tibok ng puso ko.

Dahil sa naging pahayag ko pakiramdam ko anytime ay kakawala ang puso ko sa kaba.

At ang makita ang tahimik at blangkong ekspresyon ni Ziggy sa harap ko, matapos ang sinabi ko ay lalo lamang nagpapakaba sa akin!

Hanggang sa unti-unti ay nakita kong umangat ang gilid ng kanyang labi.  Ngayon ay nakasmirk na naman siya sa akin, hindi pa rin nilulubayan ang mga mata ko.

"We have a deal, then."

*****

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, locals, business, places, events and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental.

-
-
-
-
-

Hello! This is my first story. I admit there will be cliches, grammatical errors and typos, but I hope you take time reading how the story progress. I would also like to hear from you. Your comments, votes and feedbacks will be highly appreciated. ❤

(Also this is still unedited, I'll get back maybe, if I have spare time.)

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon