Kabanata 6
Abnormal
"Matagal pa ba?" Inip na tanong ng malandi at mayabang na kasabay ko sa paglalakad. Ang kapal ng muka na sabihin niyang gamutin ko siya. Kung hindi ba naman siya tanga ay sana hindi na lamang siya nakipag away.
"Aba, kung naiinip ka edi wag kang sumama." Inirapan ko siya.
"Sungit mo naman."
"Wala kang pakialam."
Nung nakarating kami sa bahay, napangisi na lang ako. Padabog kong binuksan ang pintuan namin at ngumiti ng napakatamis. Reunion ba 'to? Nakatulala kase mga kaibigan ko eh.
"Shit!"
"Si Dylan!"
"Woah."
"Omg!"
"Ang gwapo!"
"Kingina!"
"Montemayor!"
"Bakit dala mo yan?"
Napairap na lang ako sa sabay sabay na sabi nila sa akin. Sinulyapan ko si Dylan na nakangisi ngayon. The hell?
"Hi girls."
Laglag panga akong napatingin sa kaniya. Talagang malandi!
"They are my friends so don't you dare flirt one of them, Dylan." Mariin kong sabi.
"Trinidad. Are you jealous?"
"Shut the fuck up, Montemayor!"
Psh, ano bang meron sa malanding ito? Money, cars, cellphones, condos!? Meron din kami!
"Para saan 'to?" Nanlalaki ang mata ko na sinugod ko si Dylan hanggang sa matumba kami sa sahig. "Fuck!" Kinuha ko ang papel na hawak hawak niya. Napapikit na lamang ako sa sobrang awkward ng pwesto namin.
"Captured!" Rinig ko ang boses ni Felicity.
"What the fuck, Amanda. May pasa na ako, dinagdagan mo pa sa likod!" Daing nito matapos kong umalis sa ibabaw niya.
Pumikit ako ng mariin. "Fine. Gagamutin kita!"
"Aray ko naman!" Sambit nito kaya mas diniinan ko pa sa muka niya ang bulak na hawak ko. Alas tres na ng hapon, dito pa siya kumain kanina. Tulad nga ng sabi ko ay gagamutin ko siya.
"Sino ba ang sumuntok sayo?" I asked out of curiosity. Wala namang masamang mag tanong.
"Damon."
"Really?"
"Yup. Pinag selos ko lang naman siya dahil ayaw niyang umamin na may gusto siya kay Chelsea." Tumango na lamang ako. "Amanda, yung likod ko."
Ngumiwi na lamang ako. Naka sando din ito na black kaya kita ko ang biceps nito. "Ano ang gagawin ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Gamutin mo din."
"Wala ka namang sugat do'n!" Pinalo ko siya sa braso at tumayo na habang dala dala ang first aid kit.
"Hahaha! Ang gwapo mo talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Chantal saka kinurot ang kaliwang pisngi ni Dylan.
Hindi naman sa naninira ako dahil talagang kapag nangurot si Chantal ay sobrang sakit. Hindi pala ako naninira, that's a fact.
"Bagay kayo ni Ada." ngisi ngising sabi ni Syd.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"No way!" Inis kong sabi.
Napapikit ako ng mariin ng mag echo sa buong bahay ang napakalakas na halakhak ni Dylan. Nabwibwisit na ako sa kupal na 'to!
"Oo nga." natatawang sagot ni Dylan.
Agad kong kinuha ang tinidor at dinuro duro siya.
"Tutusukin ko mata nito." pananakot ko sa kaibigan ko.
May isa akong salita, pag ako nabwisit tutusukin ko talaga 'to. Agad silang nagtayuan at pareho kaming pinaglayo.
"Relax, darling!" Suko nitong sabi.
What the hell? Darling!? Kanina pa talaga ako naiirita sa boses nitong kupal na 'to eh! Grr
"What!?" They said in chorus.
"You call her darling!?" Chorus again.
"Diba babe ang tawag mo sa mga girls mo?" Tanong ni Ivy.
"She's different, girls. That's what you called abnormal."
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...