Kabanata 43
Cry
"Good morning, Ma'am Ada."
"Good morning po."
"Good morning, Ma'am."
Taas noo akong naglalakad at puro tango lamang ang isinisasagot ko. Nang makarating ako sa office ay umupo agad ako sa swivel chair. Maya maya ay may kumatok doon.
Nahihilo pa din ako, ilang araw na akong ganito. At sa araw na 'yon, ay ang pangungulit ni Dylan pero kahit kailan ay hindi ko siya ginawang tignan dahil hindi ko pinapayagang makapasok siya dito.
I really need to talk to tita and tito later.
"Come in." Seryosong tugon ko saka kinuha ang mga folders ko.
"Ma'am, may nagpupumilit pong pumasok." Tarantang sabi nito. She's Maria, my secretary.
"Don't entertain him." Balewang sabi ko saka tumayo at tinignan ang hinahanap kong folder.
"Okay, Ma'am." Narinig ko na ang pag sarado ng pintuan ng biglang kumalabog 'yon.
"Sir!"
Bigla akong napaharap, nabitawan ko ang folder na hawak hawak ko nang muli ko siyang makita. Inalis ko sa puso ko ang pag hahanap sa kaniya at nawalan 'yon ng emosyon.
"Who gave you the permission to come in?" I arched a brow. Calm down, Ada..
"We need to talk." Saad nito pero tinignan ko lang siya.
"Sit down." I said with hand gestures saka ibinaba ang hawak hawak konh folder saka bumaba. "You look hell. Natutulog ka ba?" Natatawa kong tanong.
"What's funny? Umalis ka sa condo ng walang paalam!"
"Don't raise your voice at me." Pinapakalma ko ang aking boses dahil anytime ay babagsak ang aking luha. "Sino ba sa atin ang umalis at iniwan ako?"
"Kinausap ko siya!"
"Kausap mo din ako no'ng oras na 'yon, Dylan." Ngumiti ako saka huminga ng malalim. "Wala kang appointment dito, you can go."
"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama."
"Edi wag kang umalis." Walang emosyong sabi ko. Umabot ang tanghali ay nandito pa din siya sa office ko. Pilit kong itinutuon ang atensyon ko sa pag titipa pero sumusulyap pa din ako sa kaniya.
"Aish!" Sigaw ko. Nakakainis!
"Why?" Tanong ni Dylan pero inirapan ko lamang siya at tinawag ang secretary ko.
"Yes ma'am?" Nagmamadali nitong tanong.
"Cancel all my appointments." Hinihilot ko ang aking sentido ng marinig ko ang salita ng secretary ko.
"But ma'am you will have a meeting with Monestrio--"
"That can wait." Itinirik ko ang aking mga mata saka kinuha ang bag ko. Nakakainis! Nakailang irap siguro ako bago ako mapunta sa harap ni Dylan na halatang naiinip na.
"Where are you going?" Tanong nito.
Tinaas ko ang kilay ko. "Come with me."
Nakailang ikot yata ang aking mata hanggang sa makababa kami. Nakasalubong ko pa ang secretary ko na kausap si Kaiden Monestrio kasama ang secretary niya.
"Where the hell are you going?" Galit nitong tanong.
"It's none of your business, Kai." Umirap ako.
"Fuck. Re-schedule!"
Hindi ko na lamang pinansin ang paulit ulit nitong pagmumura at hinayaan sumunod si Dylan sa likuran ko. Ayaw ko lang naman siyang makita at makausap dahil natatakot ako na malaman na..
Anak niya nga ang dinadala ni Eloise.
"Where are we going--"
"Can you please shut up?! Naiirita ako sa boses mo!" Napahawak agad ako sa ulo ng biglang kumirot 'yon. Shit, lagi na lamang akong nahihilo.
"Ayos ka lang ba?"
"I'm okay."
Naghiwalay kami ng landas ni Dylan at sinabi ko na lamang kung saan kami magkikita. Nahampas ko ang aking manibela sa inis. Bakit ba isasabay ko pa siya sa pagkain ko?
Damn!
Nang makababa ako sa sasakyan ay naramdaman ko na naman ang hilo. Nakita ko si Dylan sa labas kaya agad na akong umayos ng tayo. Pilit kong inaalis ang hilo pero hindi 'yon mawala.
Sabay kaming pumasok sa restaurant, nag order na din kami pareho. Nakatingin lang ako sa plato ko ng magsalita siya.
"I'll explain everything--" pansin ko ang pag katigil nito at biglaang pag iling nito. "I'm sorry.."
"Bakit napatigil ka yata?" Kita ko 'yon.
"Wala." Umiwas ako ng tingin.
He's keeping a secret from me.
"Mahal mo ba talaga ako?" Tumawa ako ng pagak. Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay bigla bigla na lamang akong sasabog kapag hindi ko ito nailabas.
Nung mga araw na umalis ako sa condo ay siya pa din ang hinahanap hanap ko.
The day I say the three words to him, he put a bomb on me.
"Mahal kita, Ada." Ramdam ko ang sinsero sa boses nito pero hindi ako doon bumaling kundi doon sa bandang dibdib niya.
"Gan'yan ba talaga ang pagmamahal sa inyo?" Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko at tumunghay muli. Kapag kaharap ko siya ay nanghihina ako.
"Ada, magpapaliwanag ako.."
"I love you." Ngumiti ako ng mapait kahit ang mga salitang 'yon ang unti unting sumisira sa akin.
"Ada.."
"I trust you.." pinunasan ko muli ang luhang tumulo at muling ngumiti na para bang hindi ako nasasaktan at wala lang ang mga nangyayari ngayon.
"Mahal din kita.."
"Hindi kita iiwan.." hindi ko na nagawang ngumiti.
"Ada.."
"Tatanggapin pa din kita.." tumawa ako ng pagak saka humigpit ang hawak ko sa bag na nasa kamay ko.
"Hindi ko gusto--"
"Pero bakit ikaw pa ang ama?" Hindi ko na napigilang hindi humagulgol ng biglang may yumakap sa akin dahil para mas lalong lumakas ang iyak ko. Hindi ko kaya..
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Ficção AdolescenteStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...