Kabanata 44

148 11 4
                                    

Kabanata 44

Weak

Mahina.

Mahina na si Amanda Francine Trinidad. Dumating ang mga pagkain namin pero kahit ngayon ay hindi ko pa din magawang salubungin ang mga tingin ni Dylan. Paano ko tatanggapin?

Mahal ko si Dylan.. pero yung anak niya kay Eloise?

"Stop crying.." Rinig ko ang pag mamakaawa sa boses ni Dylan. Hinawakan ko ang mata ko at hindi ko na pala namalayan na umiiyak na naman ako.

"Stop lying then." I smiled. Alam ko na may tinatago siya.. naniniwala ako na hindi siya ang ama..

"Ada.." alam ko na may gusto pa siyang sabihin pero pilit niyang iniba. "Let's eat."

Huminga ako ng malalim bago magsimulang kumain. Malakas ako, kaya ko'to. Hindi pa ito alam ng mga kaibigan ko pero alam ko na malalaman din nila ito mula sa akin. Ang hirap tanggapin.

Tumatakbo ako sa katotohanan at mas gusto kong tumigil sa kasinungalingan kahit sinasampal na ako ng katotohanan. Bakit ako pa?

Everything's happen for a reason.

Matapos kong kumain ay tahimik lang akong nakatingin sa damit ni Dylan. Agad na akong tumayo at hindi na hinintay na sundan niya pa ako. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng sasakyan ko pero natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa tabi ng dagat.

Agad akong lumabas sa sasakyan ko at iniwan ang cellphone doon sa loob. I need peace. Nakatingin lang ako sa kalangitan dahil bigla itong kumulimlim. Hindi ko na napigilang hindi umiyak.

Bakit ang hina ko?

Biglang umulan ng oras na 'yon pero nanatili akong nakatayo, umiiyak. Sumasabay sa buhos ng ulan ang luha ko. Nung bata ako, iisipin ko na may umiiyak sa langit pero ngayon? Alam ko na ako lang.

Walang sasalo sa sakit ko kundi ako lamang. Walang tutulong at wala silang magagawa para maalis ang sakit na idinudulot ng taong mahal ko. Nagmumuka akong tanga dahil sinasabi ng puso ko na hindi siya ang ama.

Bakit siya pa? Bakit kung kailan hulog na hulog na ako saka niya ako bibitawan? Bakit si Eloise? Bakit hindi na lang ako?

Pag uwi ko sa bahay ay nangangatog na ako dahil siguro ay matagal ako sa ulanan.

"Maam Ada!" Sigaw ni Maam Ely na inalalayan agad ako. Ngumiti ako dito.

"Ayos lang po ako." Inalis ko ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Maam, ang init niyo po.."

"Ayos lang po ako manang. Wag niyo akong alalahanin." Dumiretso ako sa taas kahit sumasama na ang pakiramdam ko. Kailangan kong maging malakas, ayaw kong maging mahina.

"Amanda!" Sigaw ni Papa ng bigla akong natumba sa kaniya.

"Papa, ayos lang ako.."

"Ano bang sinasabi mo?!" Naramdaman ko na binuhat na lamang ako ni papa pero hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Alam ko hindi ako nasasaktan.

"Gail, hello?" Paused. "Kailangan ka ng anak natin." Paused. "Nilalagnat siya, fuck bilisan mo na!"

Nakahiga na ako sa kama pero wala na yata akong maramdaman kundi ang kirot ng puso ko.

"Sino ang may gawa sayo nito?" Inilapat ni papa ang kamay niya sa noo ko pero agad din niyang inilayo 'yon.

Maya maya ay nag ring ang cellphone ko pero agad niyang naagaw 'yon sa akin.

"Papa!" Nanghihina kong sigaw pero sinagot niya na ang tawag.

"Hello?! Come here, Dylan!" Paused. "Nilalagnat ang girlfriend mo!" Paused. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Pinababayaan mo si Amanda!" Paused. "Kapag hindi ka dumating, maghiwalay na kayo."

Sa boses ni papa ay alam kong galit na ito.

"H-hindi mo n-naman ka-kailangan p-papuntahin siya d-dito.."

"Amanda, mag usap kayo. Alam ko na may problema."

"S-sana madali l-lang yon.."

Sumarado na ang pintuan at biglang nagbukas.

"Amanda!" Nagmamadaling saad ni mama. Pinupunasan na ako nito. "Hindi ka muna papasok bukas."

"K-kaya ko mama! M-malakas ako!" Impit kong sigaw pero hinaplos ni mama ang pisngi ko.

"Ada, alam ko na malakas ka. Kailangan mo ding ipahinga ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras kaya ka nilang ipaglaban."

Bahagya akong napatulala doon sa sinabi ni mama.

"I-ipaglaban.." I kept chanting those words hanggang sa pumikit na ang mga mata ko.

At sa pagmulat kong 'yon ay wala akong naabutan ni anino ni Dylan. Hindi siya pumunta..

Kahit masakit ang aking katawan ay nagawa ko pa ding gawin ang morning routine ko.

Dahan dahan lang aking paglalakad dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ang aking tuhod. Hindi niya ako sinipot.. hindi na niya ako mahal..

"Manang." Bati ko sa kaniya ng alalayan ako nito.

"Dapat po ay dadalhan ka na lamang ng pagkain--" napangiti ako ng mapait doon.

"H-hindi niya na ako mahal.."

"Ano bang sinasabi mo maam?"

"Kilala niyo si Dylan?"

"Opo."

"Hindi na niya ako mahal.." nanghihina kong sabi at akmang hahakbang na muli ako ng may marinig akong boses na nag pa tindig sa aking balahibo.

"I can hear you clearly. I love you, Ada.."

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon