Kabanata 21

184 9 4
                                    

Kabanata 21

May reunion

Nabalik ako sa huwisyo ng makarinig ako ng sunod sunod na katok sa pintuan. Sino naman 'yon? Limang taon na ang nakalipas at hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan ko.

Joke, ang OA ko naman pala masyado.

Si Marize naman kasi, gusto pa akong makipag kaibigan sa mga kapitbahay ko, tapos may malandi pa.

Yuck! Nakakadiri lang tuwing naaalala ko na nakahalik sa akin ang malanding yan. Padabog akong tumayo sa kina uupuan ko bago binuksan ang pintuan.

"What's your-- what the fuck are you doing here?" I raised my eyebrow, not welcoming him.

"Caldereta."

"What?"

"Where's my caldereta?" Fuck.

I took a deep breath before answering this man. "It's mine."

"You cook that for me, right?"

"Yup, but it's now mine. Magpaluto ka sa chikababes mo."

"Are you jea--"

I closed the door. Minamasahe ko ang sentido ko bago ko itinaas ang paa ko sa center table. Binuksan ko ang cellphone ko saka tinawagan si Marize. Damn it, I fucking need to refresh.

[Ada?]

"It's me." Pa lakad lakad ako dito sa salas, hindi ako mapakali. Nakakairita!

[Haha, bakit? Fay naman!]

"Pupunta ako d'yan."

[Okay! Narito kami sa bahay natin--] I ended the call.

Huminga ako ng malalim saka pumasok sa kwarto. Hinablot ko ang sling bag ko at inalagay doon ang aking cellphone at wallet. Nag dadalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi.

Hanggang ngayon ba naman, Ada?

I rolled my eyes to my self. Nakakairita talaga. Paano kung makasalubong ko siya? Wake up, Ada!

Agad kong binuksan ang pintuan at lumabas doon. Ni-lock ko na 'yon, nilagay ko ang susi sa sling bag ko. Saktong pag hakbang ko ay napangiwi na lamang ako ng may lumabas na babae do'n na gulo gulo ang buhok.

"I hate you!" Hindi yata nito napansin na gulo gulo ang buhok niya at sabog ang lipstick niya.

Sa mga lumipas na taon ay ganito lagi ang ayos ng mga babae ni Dylan na umuuwi ng luhaan. Natandaan ko dati na may bashers na si Dylan. Ang alam ko ay madami na din siyang sinirang relasyon dahil sa kalandian niya.

"Hi, Ada!"

"Are we close?" Inirapan ko si Dylan na walang pang itaas na damit. Hindi ba siya nahihiya? Mamaya dumugin siya dito ng girls dahil sa abs niya. Hindi ko siya pinupuri, nagsasabi lang ng totoo.

Aish, bakit ba ni-kwento ko na siya sa inyo? Ewan!

"Nag greet lang naman--"

"I don't care." Nilampasan ko siya saka ako sumakay ng elevator. Tinignan ko ang pambising relo ko, 9:30 na. Ganito ba talaga ako katagal nawala sa huwisyo?

Pagkababa ko ay taas noo akong bumaba. Dumiretso ako sa parking lot at binuksan ang sasakyan ko. Pinaandar ko na din ang makina ng sasakyan ko. 10:11 a.m na ako nakababa ng sasakyan. Puro iba't ibang sasakyan ang nakaparada sa tapat ng dati naming bahay.

Minsan minsan na lang kami magkita simula nang umuwi kami sa sari-sarili naming bahay hanggang sa grumaduate kami.

"Andyan na si Ada!" Isa isa akong sinalubong ng mga kaibigan kong hilo kaya muntik na kaming matumba lahat.

"Ano na namang problema niyo?" Inirapan ko sila saka naunang pumasok sa bahay.

"Maldita ka pa din, Ada!" Sigaw ni Zoe sa labas pero hindi ko na siya pinansin.

Nagbago na ang kulay ng bahay from beige to white. Hindi na kami natutulog dito kaya paniguradong hindi na inayos ang taas.

"Ang laki ng pinagbago mo, Ada." Puna ni Fay kaya tinignan ko lang siya ng 'ano na naman?' Look.

"Mas naging maldita ka." Dito na ako tuluyang umirap kaya lahat siya ay tumawa.

Dumiretso ako sa kusina nang makita ko ang madaming pagkain kaya nagsimula na akong kumain at pinabayaan na sila sa salas dahil ang ingay nila. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa Sling bag ko.

From:Unknown number

Hi.

Ugh, Creepy! Itinago ko na muli iyon. Matapos kong kumain ay pumunta na ako ng sala.

"Kadiri ka, Madi!" Tawa lang ng tawa si Chantal na halatang inaasar si Madi nang bigla siyang hampasin nito.

"Damn!" Inis na sigaw nito saka biglang dumiretso sa kusina.
 
Napairap na lamang ako ng tumigil si Chantal sa pag tawa at sandaling tinignan ako. Bumulong ito kay Syd kaya lumaki ang butas ng aking ilong. Ano na namang kalokohan ang pinag gagawa ng mga 'to?

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon