Kabanata 45
Home
"D-dylan.." mahinang sambit ko kahit naka alalay pa din si manang sa akin.
Akala ko.. akala ko..
"Ako na po ang bahala sa kaniya manang." Ito ang umalalay sa akin hanggang pagbaba. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung kaya ko pa din ba siyang kausapin.
Hindi ko lang magawang tanggapin ang lahat.
"Are you trying to kill yourself? Ihahatid na kita pabalik--"
"Sana nga p-pinatay mo na lang ako.." mahinang tugon ko at inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "K-kaya ko!" Sigaw ko ng akmang hahawakan muli ako nito.
"Ada naman.."
"Kung napipilitan ka lang, umalis ka na.."
"Ada.."
Huminga ako ng malalim saka pinilit ang sarili ko na bumaba. Parehong napatayo si mama at papa ng makita ako.
"Bakit ka nandito--"
"Bakit siya nandito?" Agad na tanong ko. Hinila ko ang upuan para umupo na. Pumasok din si Dylan, agad akong napatingin sa kamay niyang nagdudugo. Umiwas ako ng tingin dahil doon.
"I'll just answer the call." Agad umalis si papa doon.
"Ahm.. kailangan niyo mag usap." Naiwan akong nakatunganga doon, nabibingi ako sa katahimikan. Pinilit kong kumain kahit hindi ko gusto ang lasa n'yon.
"Ada.." tawag nito sa akin pero nananatiling wala akong emosyon.
"I'll explain--" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Kung talagang gusto mo, sana ginagawa mo." Tumawa ako ng pagak ng may makita akong first aid kit. Kahit nahihilo pa ako ay kinuha ko iyon saka lumapit kung nasaan si Dylan.
"Hindi mo na kailangan--"
"You need this." Tanda ko dati, ginagamot ko siya dahil sinuntok siya ni Damon. Ngayon ginagamot ko siya dahil sinasaktan niya ang sarili niya.
"A-ada.." nag mamakaawa ang boses nito.
"Bakit?"
"I love--"
"Ayan!" Hindi ko hinayaang marinig ko ang mga sasabihin niya dahil unti unti na naman akong masisira. "Ayos ka na ba?"
"Mahal--"
"Kailangan mo na sigurong umuwi, Dylan.." Please..
"Hindi kita iiwan--"
"Please.. leave." Pumikit na ako ng mariin ng maramdaman ko na lamang ang labi niya sa noo ko.
"Maiintindihan mo din ako."
Unti unting nag bagsakan ang mga luha ko ng marinig ko ang paalam niya mula sa labas. Hinampas hampas ko ang aking dibdib kung nasaan ang puso ko. Para 'yong pinipiga sa sobrang sakit.
Nasa itaas na ako ngayon, dalawang araw na akong ganito. Walang kinakausap, pati ang mga kaibigan ko ay hindi ako makausap. Wala na akong sakit pero yung sa puso ko ay meron pa.
Niyakap ko ang frame kung nasaan ang litrato naming dalawa ni Dylan.
"Mahal kita.." bulong ko saka tinignan ang kisame habang umiiyak.
"Tatanggapin kita.."
"Pinagkakatiwalaan kita.."
"Hindi ako mapapagod.."
"Ilalaban ko 'to.." mahihinang bulong ko na ako lamang ang nakakarinig. Para na akong patay sa pinag gagawa ko. Pumikit lamang ako ng biglang bumukas ang pintuan.
"Ada?" Boses 'yon ni mama pero hindi ako gumalaw.
"Bakit hindi ka na lang umuwi sa condo?" Kahit sila mama ay hindi alam ang nangyayari sa aming dalawa ni Dylan. Nanatili akong tahimik dahil ayaw ko na magalit sila kay Dylan..
Hindi niya 'yon ginusto..
"Ada.. come on, open your eyes.."
"Mama, a-ayoko.."
"Nasa baba si Dylan.."
"I'm tired."
"He is too.."
"No.. he is not. Ako lang.."
"He's waiting for you. Get up, Ada."
Sa sinabi ni mama ay pinunasan ko ang aking luha. Nung buksan ko ang cabinet ay nawala doon ang mga inilagay kong gamit. Nasaan na? May naiwan doong pares na blue off shoulder at denim short.
"Nasaan ang mga 'yon?"
Kahit labag sa loob ko ay inayos ko ang sarili ko. Ngingiti na sana ako ng makitang maayos na ang aking muka ng maalala ko na naman ang lahat. Iiyak na sana ako, ayos na ako, e.
"Matapang ka, Ada.."
Bumaba ako na para bang wala akong iniindang sakit. Huminga ako ng malalim ng magtama ang mga mata namin ni Dylan. Kita ko ang pagod sa mga mata nito kaya agad akong nag iwas ng tingin. Nakita ko ang maleta na dinala ko na nakalagay sa may tabi ng upuan.
"Papalayasin niyo ako?" Gulat kong tanong kina mama at papa na magkatabi.
"Anak.. hindi ka masaya dito."
"We can't no longer see the happiness in your eyes." Dagdag ni papa.
I smiled widely. "I'm happy, see? Hindi ko na kailangan umalis dito."
"Ada.. bumalik ka na.." rinig ko ang tinig ni Dylan kaya humarap ako sa kaniya.
"Bakit, Dylan? Ito ang bahay ko."
"Please.." nagmamaka awa ang boses nito kaya napapikit ako ng mariin bago naikuyom ang mga kamay ko.
"Fine." Pinal na sabi ko.
Kung ito ang paraan para bumalik siya sa akin ay mag papakatanga na lamang ulit ako. Gagawin ko ang lahat para mawala si Eloise sa buhay namin. I have the rights do that.
Kailangan ko lamang ibalik ang malakas at malditang si Ada.
Babalik ako sa dati.
"Thank you.." guminhawa ang boses nito.
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...