Kabanata 23
Missed
Naka crossed arms at nakasimangot akong naka sakay sa sasakyan ni Dylan. Umiiwas nga ako diba? Nananadya ba talaga ang tadhana. Una, magkatabi kami ng condo. Pangalawa, may reunion. Pangatlo, naandito ako ngayon sa sasakyan niya.
"So.."
"So?" Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
Tumawa ito ng unti. "Hindi ka pa din talaga nag babago." Umiling iling ito kaya hindi ko na lamang siya pinansin. Bakit naman kasi sa section 5 pa kami? Sana kahit sa section 2 or 3 na lamang. Puro lalaki ang naroon, edi kagulo.
Tandang tanda ko pa nung prom na sobrang gulo sa side ng Section 5. Hindi ko yata nakita ang mga section na nag pakalat kalat sa venue.
Nang makarating kami sa sinasabi ni Marize na mag re-reunion kami ay agad ko nang kinalas ang aking seat belt. Lumabas na din ako nung pag buksan pa ako ng pinto ni Dylan.
Itinutupi nito ang polo niya kaya nag volunteer na ako na gumawa no'n.
"Salamat."
"You're welcome." Tumango lamang ako saka inayos ang sling bag ko na nakasabit sa balikat ko.
Pagkapasok namin ay puro sayawan, kantahan, ingay ang nadatnan namin na bigla na lamang natigil nang pumasok kami ni Dylan do'n.
"Ada at Dylan!" Agad tumakbo papalapit sa amin si Marize na may hawak hawak na mic.
"Marize." Bati ni Dylan kay Marize na nginitian lamang siya. Hinila ako ni Marize at hinila ako papuntang harapan. Nagtaka ako ng makita ko na hila hila ng section 5 si Dylan.
"Ady for the win!"
"A-dy! A-dy!"
"Whooooo!"
Ayan ang sigawan sa loob ng mga tao kaya nakangiwi akong nakatingin sa mga tao. Mga lasing na siguro, ang aga aga pa. 10:45 A.M pa lang naman. Don't tell me baliw lang ang mga ito?
"Are you two together?!" Sigaw nung isa.
Agad nag salubong ang kilay ko. "No."
"Why not?! Bagay naman kayo."
"Enough."
Nakaupo ako ngayon sa isang stool, wala na ang sayawan ngayon dahil nag kakainan na ngayon. Sinubo ko ang kanin at ulam saka tumingin sa mga tao. Katabi ko ngayon si Marize.
"Binabaan mo ako ng tawag kanina." Panimula nito. Uminom muna ako ng tubig bago humarap sa kaniya.
"Anong oras pa kayo dito?" Tanong ko, hindi na inabala ang tanong niya.
"Kanina lang 10."
"Akala ko naman mga lasing na kayo."
"Mamaya pa, Ada!" Sambit nito saka umalis sa tabi ko. Tinignan ko naman ang gc namin. Ginawa namin ang group chat na ito 4 years ago.
Ivy: andyan na ba si Ada?
Marize: wala pa nga, eh.
Madi: wala na kasing gumigising do'n.
Chantal: sus, bye na!
Pinatay ko na din ang cellphone ko at ipinag patuloy ang kain ko. 12:00 na nang natapos ang kainan dito. Nirentahan pa daw ito nila Marize. Nakatingin lang ako sa kanila habang naka upo sa sofa nang may umupo sa tabi ko.
"Ada." Tawag nito sa atensyon ko pero hindi ko na siya tinignan.
"Hm?"
"Are you still mad at me?"
"No."
Umalis na din siya sa tabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Tuwing nasa tabi ko siya ay naninikip ang dibdib ko. Tumayo muna ako para lumabas at mag pahangin.
Naka tingin lamang ako sa labas ng biglang may umakbay sa akin. Inalis ko 'yon bago lumayo sa kaniya.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko kay Dylan.
"Bakit umiiwas ka sa akin?"
"Wala ka na do'n." Pumasok ulit ako sa loob dahil hindi ko talaga kayang makasama siya.
5:00 P.M na ngayon pero boring na boring na ako. Paano ba naman ay wala naman si Marize sa tabi ko. Nung makita ko si Marize ay pumunta ako sa table nila.
"Hi, Ada!" Bati sa akin ni Trixie, kaklase namin noong high school.
"Hi, Trix." Ngumiti ako sa kaniya.
"Ada, nasaan si Dylan?" Tanong ni Marize sa akin kaya tumaas ang kilay ko.
"Hanapan ba ako ng nawawalang playboy?"
"Hehe." Nag peace sign lamang ito sa akin ng kuhanin ni Trixie ang atensyon ko.
"Naging kayo ba ni Dylan?"
Agad akong umiling sa tanong niya. "Nope."
"Is that so? Alam ng lahat na nililigawan ka niya." Sandali akong napatigil doon pero hindi ko iyon pinahalata imbis ay tinawanan ko ito.
"I'm sorry? He's a playboy, Trixie."
"Well." Nag kibit balikat lamang ito sa akin bago siya umalis sa table.
"Ada, tara inom tayo!" Hinila ako ni Marize bago ako binigyan ng baso. Hindi ko alam kung anong alak 'to pero gumuhit 'yon sa lalamunan ko.
"Ang sarap *hik* naman. Isa pa nga!" Reklamo ko at inabot ang shot glass ko kay Marize.
Naka upo kami dito sa stool habang katabi ko si Marize na mukang may tama na din. Sabay kaming kumanta at sabay na napatawa. Napa kamot ako sa ulo saka muling ininom ang alak.
Sabi nila, kapag umiinom ka daw nasasabi mo daw ang lahat ng hindi mo namamalayan. Gusto kong itigil ang pag iinom ko pero pinilit ko pa din 'yon. Napangiti ako nang makita ko si Dylan na may kasayawan.
Pa gewang gewang akong tumayo kahit kumakapit ako sa mga taong nadadaanan ko. Pasimple kong tinignan ang relo ko, alas nuebe na. Haha.
"Ang *hik* landi m-mo *hik* talaga ano?" Tanong ko sa kaniya saka siya itinulak sa dibdib. Wala akong pakialam sa iba!
Napasinghap ako ng ilapit nito ang muka niya sa akin at parang inaamoy ako.
"Amoy alak ka na, Ada." Inamoy ko din ang hininga ko, nababaliw na ba siya? Hindi naman ako amoy alak!
"Sinong a-amoy alak ha?"
"Ada, iuuwi na kita." Hinablot ko ang kamay ko sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.
"Bakit mo *hik* n-naman ako iuuwi?" Tumawa ako saka sumandal sa dibdib nito. "Bakit tumitibok yung puso *hik* mo, D-dylan?"
"Ada, lasing ka na."
"Sinabing hindi *hik* nga ako lasing!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib nang hawakan nito ang mga kamay ko. Naramdaman ko na lamang na lumutang ako. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
"Iuuwi ko na si Ada mga pre."
"Bye Ada at Dylan!"
Naramdaman ko na lamang na nakaupo na ako pero nakita ko ang muka ni Dylan kaya hinawakan ko ito sa magkabilang pisngi niya saka inilapit ang muka ko at hinalikan siya.
"Ada!" Sigaw nito matapos nitong kumalas. Hehe, lasing na ba ako?
"I hate you.." sambit ko nang isarado nito ang pintuan ng kotse. Hawak hawak ko ang labi saka ako napahagikhik. Namiss ko yun, ah! Hihi.
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...