Kabanata 16

175 8 2
                                    

Kabanata 16

Hate

Nakatingin lang ako sa lima na nakikipag laro kay Dylan. Huminga ako ng malalim saka sinamaan ng tingin ang mga 'yon, parang mga bata. Ang lalaki na, eh!

"Hoy, baka matunaw si Dylan." Siniko ako ni Syd kaya sinamaan ko ng tingin ito. Inirapan ko siya bago ako lumayo ako sa kaniya.

Bigla silang napatigil sa paglalaro nang tumaas kilay ko. Sabay silang tumayo saka nag peace sign.

"Magaling na siya, hmp." Nakangusong umalis si Zoe doon.

"Galing mag alaga, naks!" Sabi ni Chantal saka kinurot si Dylan sa pisngi. Hindi ko na napigilang hindi tumawa nang ngumiwi ito.

"Aray!"

"Hehe, peace yow!" Tumakbo na ito papalayo.

Napa iling na lamang ako. Naka upo na ako sa sofa habang katabi ko si Dylan. Hindi ako mapakali sa upuan ko kaya binuksan ko na lang ang cellphone ko.

Wala namang bago kaya napag pasyahan ko na lamang na i-off 'yon. Lumipas ang mga oras ay napag pasyahan ni Dylan na uuwi na.

"Bye, Dylan!"

"Balik ka dito."

"Pag luto mo ulit kami ng caldereta!"

"Ka palit palit ba ako?" Umarte si Marize na umiiyak kaya napa ismid na lamang ako ng gatungan iyon ng mga kaibigan kong hilo.

"Oo!"

"Mas masarap luto ni dylan!"

"Kainis kayo!"

Lumabas na lamang ako at hindi na pinansin ang mga kaibigan ko. Sumunod din si Dylan na ngayon ay naka nguso na.

"Wala bang good bye kiss d'yan?"

"Utot mo. Lumayas ka na nga dito!"

"Matapos kitang alagaan?"

"Sinabi ko ba na alagaan mo ako?"

"Aish. Talo na naman ako sayo. Uuwi na nga ako." Nakaka tatlong hakbang pa lamamg ito nang humarap ulit ito sa akin. "Punta ka daw sa sabado, sabi ni mama."

Tumango lamang ako bago pumasok sa loob. Napa labi na lamang ako ng tignan ako ng mga kaibigan ko na para bang may ginawa akong mali. Tinaasan ko lamang sila ng kilay bago umupo sa sofa.

Hawak hawak ko ang cellphone ko nung kinalabit ako ni Zoe.

"Bakit kami hindi?!" Sa boses nito ay para itong nagrereklamo. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"Ano?"

"Ikaw invited, kami hindi!" Nag crossed arms ito sa harapan ko kaya umirap na lamang ako.

"Unfair!"

"Hindi na kami isasama n'yan."

"Edi wow."

"Sana all."

"Iiwan mo na kami sa sabado--"

"Kakausapin ko si Dylan mamaya." Sabi ko para tumigil silang siyam sa ingay.

"Yes!" Sabay sabay nilang sabi.

"Mag luluto na ako." Paalam ni Marize bago tumayo mula sa sahig. Alas singko na din kasi.

He care for me.. really? Napailing na lamang ako sa aking iniisip. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kasalanan 'to nila, kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko maiisip si Dylan.

I hate Dylan Montemayor.

Binuksan ko ngayon ang cellphone ko dahil para mag facebook nang mag chat si Dylan sa akin.

Dylan: Hi.

Amanda: Hello?

Dylan: magaling ka na ba?

Amanda: yup. Thank you nga pala.

Dylan: Ayaw ko ng thank you, gusto ko kiss.

Nag send ito ng emoji kaya napa ngiwi ako. Hanggang chat ba naman, bastos!

Amanda: kiss mo muka mo!

Dylan: okay.

Amanda: edi wow.

Dylan: Ikaw muka ko, eh.

Agad na din akong nang offline nang sumigaw si Marize na kakain na. Matapos naming kumain ay ginawa ko na ang night routine ko bago nag palit ng pang tulog. Dumapa na din ako sa kama saka binuksan ang lappy ko.

Dylan: Let's face time.

Amanda: y?

Dylan: gusto kitang makita.

"Hi." Sambit nito. Wala itong suot na pang itaas kaya naiilang ako na tumingin sa kaniya.

"Pwede bang mag damit ka?" Asar na tanong ko.

"Ayaw ko nga. Gusto mo ba ng pandesal?"

"Ew, no thanks!" Inirapan ko siya kaya tumawa ito. Hinawakan nito ang baba niya saka tumingin sa akin.

"Umayos ka nga. Nakikita ko yung ano mo." Galit na ang itsura nito kaya dali dali akong umupo saka tinakpan ang dibdib ko.

"Akala mo naman meron." Tinawanan ako nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang kapal mo!"

"Pader." Banggit nito. I raised my middle finger to him, he laughed in exchanged.

"Badtrip ka!"

"Calm down, woman." Itinaas nito ang dalawang kamay niya kaya sandali akong napatingin sa abs niya. Hehe.

Walo nga.

"Tutulog na ako." Inirapan ko siya.

"Wait--"

"Oo nga pala. Gustong sumama nina Zoe sa inyo."

"Sure."

"Okay, bye." Ini-off ko na iyon. Nag chat pa si Dylan kaya hindi ko na napigilang hindi mapangiti.

Dylan: goodnight, Ada.

Nawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung mayroong patutunguhan ang pagsasamahan namin pero isa lang ang sigurado ko.

I hate him.

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon