Kabanata 38
Right
"Saan naman kayo nag punta?" Tanong ni Dylan pag ka upo ko sa sofa. Huminga ako ng malalim saka sumagot.
"Ice cream parlor." Maikling sagot ko saka siya tinignan."Ka ano ano mo ba si Eloise?" Tanong ko.
"She's nothing." Tumango lamang ako. Hindi ka dapat nagkakaganito kay Dylan, Amanda! May tiwala ka kay Dylan, Amanda
Lumipas ang mga oras ay tinawag na din ako nito para kumain. Bumuntong hininga ako bago tumayo sa pag kakaupo ko. Tinitigan ko si Dylan, aish. Umiling iling ako dahil kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko.
"Ada?" Tawag nito.
Bigla akong nabalik sa huwisyo ng marinig ko ang pangalan ko. Binilisan ko na ang lakad ko saka umupo. Nag sandok na din ako ng kanin at ulam, pati siya ay niglayan ko para mawala ang mga iniisip ko.
"Sweet, huh?" Puna nito.
"Hindi naman."
"I love you."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Binilisan ko na lamang kumain, agad na din akong tumayo. Matapos niyang kumain ay ako na ang nag volunteer na mag hugas.
"Ako na nga." Ulit ko dito dahil ayaw akong pag hugasin ng mga pinggan ni Dylan.
"Ako na, Ada. Ayokong mapagod ka."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kapag ako hindi mo pinag hugas, aalis ako dito." Pananakot ko sa kaniya. Pinigilan ko ang aking tawa ng bitawan nito ang sponge at ibalik 'yon sa lalagyan.
Ngumuso ito bago humarap sa akin. "Sasamahan na lang kita."
Kaya in the end, heto ako nag huhugas ng mga pinggan kahit hindi ako mapakali dahil kanina pa siya tumitingin.
"Babasagin ko 'tong baso sa ulo mo." Bigla kasi itong yumakap sa likuran ko. Naka sandal ang baba nito sa balikat ko.
"I love you." Sambit nito.
Binasa ko ang pang ibabang labi ko at itinuloy ang paghuhugas. Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin ang salitang 'yan. I love him so much. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko dahil natatakot ako na baka gamitin niya ang salitang 'yon para saktan niya ako.
Yes, may tiwala ako sa kaniya.
"Tss." Humiwalay ito sa yakap. Nung matapos kong maghugas ay nakita ko siya na naghihintay sa pintuan.
"Dylan, hindi ako tutulog dito."
"Tanghali pa naman, Ada. I missed you--"
"Pfft. Dylan!" Sigaw ko ng bigla ako nitong buhatin.
"Ang taba mo na, Ada." Puna nito kaya hinampas ko siya sa braso.
"Ang kapal mo!" Sigaw ko ng ibaba ako nito sa kama. Gusto ba ako nitong patangkarin? Matangkad na naman ako, eh.
"Beautiful." Saad nito. Nakahiga ako ngayon sa kama, nakaharap sa kaniya habang ito naman ay gano'n din sa akin. Hinaplos nito ang pisngi ko habang matiim na nakatitig sa akin.
"Bolero."
"I'm not. Ada.."
"Hmm?" I raised my eyebrows.
"I love you." Ngumiti lang ako sa kaniya. I love you too, Dylan.
Dumating ang gabi ay pareho na kaming naghahanda ni Dylan. Siya ay nasa condo at ako ay nasa condo ko. Sinuot ko ang pares ng earrings ko, sinuot ko na din ang necklace at relo ko. Naka suot ako ng white dress na under the knees lamang.
Inilugay ko ang aking buhok, curly ang dulong ibaba nito. Kinuha ko ang white na sling bag ko. All white, amp. Umiling iling na lamang ako saka tinignan ang sarili ko sa salamin. The hell?
Hindi naman ako ganito dati but.. sige na nga.
The hilo girls, proven and tested.
Fay: goodluck, Ada!
Madi: slap the fuckin' bitch--in.
Syd: we know the name na, Ada.
At saan naman nila nalaman kung sino nga 'yon? Wait, what?
Amanda: who?
Marize: She's Eloise Quinzie Navarre.
Napatitig ako sa reply ni Marize. Ano ang ginagawa niya sa bahay nila Dylan nung araw na 'yon? Wala akong natatandaan.. wala naman silang nasasabi.. ano ba talagang meron?
Walang emosyon na muka nung lumabas ako ng condo, 'yon ang saktong paglabas ni Dylan at Eloise sa magkabilang kwarto. Destiny, huh? Pare-pareho kaming white.
"Baby." Bati ni Dylan sa akin, tumingin lang ako dito nang marinig ko ang boses ni Eloise sa gilid ko.
"Hi, Amanda." Ngumiti ako ng pilit dito saka kumapit sa braso ni Dylan.
"Let's go?" Tanong ni Dylan. Tumango lamang ako.
Hindi ko na alam.. parang may iba.
Pag sakay sa kotse ay ako na ang naunang mag bukas ng kotse sa shot gun seat, pag pasok ko ay padabog kong sinarado 'yon. Sarap sirain nito.
Pag pasok ni Eloise ay rinig ko ang pag singhap nito.
"May problema ka ba?" Tanong ni Dylan pag ikot niya. Tinaas ko lamang ang kilay ko bago nag kibit balikat.
"Wala." Maikling sagot ko.
"I thought d'yan ako sa unahan.." sambit ni Eloise sa likuran kaya sandali akong sumulyap sa kaniya bago umayos ng upo.
"I'm the girlfriend.. so I think I have the right sit here? Right, Baby?" Tanong ko kay Dylan.
Nung tignan ko ito ay tumaas ang sulok ng labi nito. "Right, baby."
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...