Kabanata 46
Still
Tahimik akong nakasakay sa sasakyan niya. Nakatingin lang ako sa kalsada, nabibinga na naman ako sa katahimikan. Hanggang sa makarating kami ay gano'n pa din kaming dalawa sa isa't isa.
Siya ang naghihila sa maleta ko. Wala akong ibang magawa kundi ang pag hawakin ang dalawa kong kamay. Dati.. laging magkahawak ang kamay namin kahit saan kami magpunta.
"Nilalamig ka ba?"
Napaigtad ako ng bitawan nito ang maleta, pinaghiwalay nito ang dalawa kong kamay at siya ang humawak nung isa. Umiinit ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Feel better?"
Tumango lamang ako bilang sagot. Bahagya akong napatigil ng makita ko si Eloise na kalalabas lamang sa condo ni Dylan. Malaki na ang tyan nito.
"A-ahm.."
Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Dypan at ako na ang umagaw sa dala dala niyang maleta.
"Ada--"
"Ayos lang ako." Kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan 'yon. Sinarado ko ang pintuan na hindi man lang lumilingon sa kanila. Napadausdos ako sa sahig habang ang mga luha ko ay walang tigil sa pagbuhos.
Akala ko ba magiging malakas ka, Amanda? Bakit umiiyak na naman ako?
Gustuhin ko man na tumigil sa pag iyak ay hindi ko na nagawa. Gabi na ngayon pero hindi ko pa din magawang mag luto. Natatakot akong kumain dito sa condo dahil naririnig ko lamang ang boses ni Eloise.
Bakit pinabalik pa ako dito ni Dylan? Para ipamuka niya sa akin na masaya si Eloise sa kaniya at ako naman ang kawawa?!
Kinabukasan ay agad na akong nagbihis. Inayos ko ang sarili ko. Namamaga pa din ang mata ko pero hindi ko na lamang pinansin 'yon. Busy ako sa pagkalikot ng aking cellphone ng may kumatok doon.
Dali dali akong tumayo at binuksan 'yon na maling desisyon pala. Ang matapang kong itsura ay bumalik sa dati na walang emosyon.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Pwede ba tayong mag usap sa labas?" Tanong nito. Tumango na lamang ako saka sumunod sa kaniya. Andito lang kami sa labas ng pintuan ko.
"I just want to say sorry.. you can slap me if you want.."
"Hindi ako ganoon katanga, Eloise." Napaigtad ako ng kuhanin nito ang kamay ko. Agad ko 'yong kinuha pabalik.
"Stop." Pigil ko sa kaniya.
"Come on, slap me." Ngumisi ito sa akin. "Gusto ko kayong masira ni Dylan. Mahal niya ako--" bigla akong sumabog at sinampal siya. Hindi siya mahal ni Dylan!
"Ada!" Nagulat ako ng bigla na lamang may tumulak sa akin dahil para mapaupo ako sa sahig. Para akong binuhusan ng tubig ng makita ko si Dylan na sinusuri ang muka ni Eloise.
Biglang nag init ang paligid ng mga mata ko nang humarap sa akin si Dylan.
"I-i-m sorry--"
"Don't touch me!" Pigil ko sa kaniya at tumayo. Sagad na sagad na ako.
"Ayos ka lang ba--"
"Ayos lang ako!" Tinabig ko ang kamay ni Dylan, galit akong tumingin. "Hindi niyo ba nakikita?! Ayos ako! Hindi ako nasasaktan! Mas magiging maayos ako kung lalayuan niyo ako. Hindi niyo ba ako nararamdaman?! Nasasaktan na ako! Manhid ka ba, Dylan? Pinapunta mo ba ako dito para ipamuka sa akin na wala na akong karapatan sayo?! Na hindi mo na ako mahal, ha?! Tangina naman. Nanahimik ako sa bahay tapos papauwiin mo ako dito para ano?! Sasaktan mo na naman ako?!" Unti unting nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Tama na, Dylan.. tao lang din ako, nasasaktan din ako.."
Pagod ang mga mata na tumingin ako kay Dylan at Eloise.
"Bakit hindi kayo magsalita? Saktan niyo na ako!" Itinuro ko pa ang sarili ko. Tumawa ako ng pagak ng makita kong tulala ang mga ito.
"Come on. Kill me with those fucking words!"
"Ada.." sambit ni Eloise.
"What? Dali, nakikinig ako." Inilapit ko pa ang tenga ko sa kaniya pero umatras lang ito.
"Ikaw, Dylan? Ano na?"
"I'm sorry--"
"Ayan.. puro sorry sorry! Tangina. Hindi yan parang band aid na kapag inilagay mo sa akin ay bigla biglang hihilom. Ito ang tandaan mo, ipagpatuloy mo ang pagsisinungaling sa akin. Wala ka nang babalikan."
Binuksan ko ang aking pintuan at isinarado 'yon. Agad akong napasandal sa pintuan ng may maramdaman akong kirot sa aking puso. Agad akong napahawak sa dibdib ko kung nasaan ang aking puso.
Ang hikbi ko ay nauwi sa hagulgol.
Tinakpan ko ang aking bibig para hindi kumawala doon ang malalakas na ingay mula sa aking iyak.
"Tama na.." bulong ko sa aking sarili.
"Nahihirapan na akong huminga.."
Lumipas ang mga oras ay napatigil na din ako sa aking iyak. Wala na ang mga luha ko pero ramdam ko pa din ang sakit sa aking dibdib. Nakatingin lang ako sa kisame habang yakap yakap ko ang picture frame na may larawan namin ni Dylan.
"I still love you.." nanghihina kong sabi.
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Novela JuvenilStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...