Kabanata 34
Daughter
Nakatingin lang ako sa kisame habang ang kumot ay abot na sa aking leeg. Hindi ako mapakali at mas lalong hindi naman ako makatulog. Dahan dahan akong bumangon para hindi maabala si Dylan na hindi ko alam kung natutulog na.
Isiunot ko ang aking tsinelas at kinuha na ang jacket ko. Saktong pag labas ko ay ang paglabas ni Eloise sa condo niya.
"Hi!" Bati nito.
"Hello."
"Sa c-condo ka ni Dylan natutulog?"
"Yes."
Bigla itong tumalikod sa akin, nagtataka akong tumingin sa likuran niya. May mali ba sa nasabi ko? Bumalik na lang ulit ako sa loob ng maabutan ko ang mga gamit na nag kalat sa loob ng condo.
"Dylan!" Sigaw ko dahil parang wala siya sa sarili niya.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko dito ng tumingin ito sa akin. Sinimulan kong pulutin ang mga papel na nag kalat dito.
"I'm sorry. Let's go back to sleep." Hinawakan nito ang kamay ko saka ako hinila papasok.
Kinabukasan ay nagising ako sa amoy ng.. caldereta?
Dali dali ko nang ginawa ang morning routine ko bago lumabas. Naabutan ko si Dylan na walang suot na pang itaas at naka apron. Hmm.
"Gising ka na pala." Sabi nito ng hindi tumitingin sa akin.
Nung humarap ito sa akin ay ngumiti ito. Nakalagay na ang ulam sa lalagyan ay ipinatong niya na ito sa lamesa. Dahil nagugutom na din ako ay dali dali na akong umupo at nagsandok ng kanin.
Nag sign of the cross muna ako bago ako kumuha ng ulam. Napapikit ako sa sarap ng isubo ko ang ulam. Ang sarap! Pagmulat ko ng mata ay sumalubong ang muka sa akin ni Dylan na nakangiti.
Pansin ko this days ay problemado siya.
"Masarap ba?"
"Mmm." Tanging sagot ko habang tumatango.
"I'm sorry for what happened yesterday, Ada. I promise not to make you cry again."
Napatigil ako sa pagkain sa mga narinig kong salita. Promises are meant to be broken. Nanatili akong tahimik.
Matapos naming kumain ay ako na ang nag volunteer na mag ligpit.
"Ada?" Tawag nito sa akin.
"Hm?"
"Aalis tayo mamaya." Hindi na ako nagulat sa sinabi nita kaya tumango na lamang ako kahit hindi niya 'yon nakikita.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil parating sumasagi sa isip ko kung bakit parang problemado si Dylan. Sabihin ko na lagi ko siyang kasama, nakangiti siya at masaya.
Pero alam kong may iba.
At hindi ko maipaliwag ang bagay na 'yon.
Matapos kong magligpit ay dumiretso na ako sa cr para maligo at gumayak.
Red Off Shoulfer at Blue high waist short na sinamahan ko ng sling bag. Naka sandals lamang ako ng bigla akong napatigil sa pagsusuklay.
"Talagang nag handa ka, ah."
"Syempre." Sambit ko. Mamaya may aaligid na naman sa kaniya. Sampalin ko sila pareho, eh.
Maya-maya ay siya naman ang pumasok sa cr. Kinuha ko naman ang aking cellphone nang makita ko ang aming gc.
The hilo girls, proven and tested.
Marize: sinong hilo?!
Syd: edi lahat tayo!
Fay: sino ba naman kasi ang nagsabi na hilo tayo?
Amanda: wow, hilo. Bagay sa inyo.
Tina: kapal mo, ada!
Ivy: Kayo lang ang hilo, duh.
Felicity: bili kayo hilo hilo, murang mura lang!
Madi: baka halo halo!
Chantal: baka? Moo~
Zoe: yo, mga hilo. Ada, kailan mo ba sasagutin si Dylan?
Bigla akong napatigil sa pagtitipa dahil sa tanong ni Zoe. Matagal ko na 'tong pinag isipan at sigurado na ako kahit walang kasiguraduhan sa kaniya.
Amanda: pumunta kayo bukas sa bahay natin.
Chantal: yes!
Marize: alright, may magaganap bukas!
Bigla kong naitago ang cellphone ko ng biglang may tumikhim. Napanganga ako ng makita ko na nakatwalya lamang si Dylan.
"S-sorry." Dali dali na akong lumabas ng bigla itong tumawa.
Nakakapikon din siya. Sa totoo lang, ang sarap niyang kotongan.
"Sinong kausap mo kanina?" Tanong nito pagkalabas niya. Naka red polo shirt ito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit ganyan ang suot mo?"
"Couple shirt color, baby."
Bahagya akong napaiwas ng tingin dahil tumawa na naman ito. Nakakainis na talaga ha? Inis akong umalis sa upuan.
Pag ka labas namin ni Dylan ay mag ka hawak kamay na naman kami. Nakita ko pa si Eloise na nakatingin lang sa amin ni Dylan.
Sinulyapan ko si Eloise, ano bang nangyayari sa kaniya?
"Ada." Tawag ni Dylan sa akin kaya umayos ako ng tayo saka sumabay na sa lakad ni Dylan.
Pag ka sakay namin sa kotse ay napuno kami ng katahimikan kaya binasag ko 'yon.
"Saan tayo pupunta?"
"We're going to enjoy, baby."
Tahimik lang akong nakamasid ng matagpuan ko ang sarili ko sa Amusement park.
"Baby, let's go." Muling hinila nito ang kamay ko.
Pagkapasok namin ay iba't ibang klaseng rides ang nakita ko. Hawak hawak ni Dylan ng mapatingin ako doon sa isang pamilya.
"I'll bring our daughter here soon." Napatingin ako kay Dylan na nakatingin din sa pamilya na tinitignan ko. Humigpit ang hawak nito sa kamay ko ng bigla itong tumingin sa akin. "I'll marry you."
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Novela JuvenilStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...