Kabanata 18

171 10 3
                                    

Kabanata 18

Lasang maldita

"Hindi ko po boyfriend ang anak niyo." Ngumiwi ako nang tumawa lang ang mama niya sa akin saka hinampas ang asawa niya.

"Humble naman pala ang future in law natin." Tumawa ang lahat habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila, nagtataka. Ano namang masamang  binulong ng siyam na kaibigan ko sa mga magulang ni Dylan?

"Kasasagot niya lang sa akin kanina, ma." Nagulat ako ng akbayan ako ni Dylan kaya agad kong inalis 'yon.

"Kadiri!"

"Arte mo, Ada." Bulong nito sa akin kaya itinirik ko ang mga mata ko sa kaniya bago kami nagsimulang kumain.

"Alam niyo ba tita. Nag kiss na daw po ang anak niyo at si Ada." Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin kay Marize na binelatan lamang ako at ang mga kaibigan ko ay nag hagikhikan habang kumakain.

Siniko ko si Dylan nang akmang tatawanan din ako nito.

"Nako kayo ang babata niyo pa tapos--" hindi na natapos ng mama niya ng sumingit ang papa ni Dylan.

"Cool ka sa'kin nak d'yan!" Nag apir ang dalawa sa harapan namin kaya mas lalo akong napangiwi.

"Bakit meron ka na bang kabit?!" Hinampas siya ni Tita, oo tita na lamang.

"Wala asawa ko. Ikaw lang!"

Matapos naming kumain ay inaya ako ni Dylan na lumabas muna habang ang mga kaibigan ko ay nasa loob at nag sasaya.

"Wala ka pa rin ba talagang gusto sa akin? Aray!" Binatukan ko siya.

"Ang kapal mo talaga."

"Psh. Ikaw, nanakit ka na ha."

"Akala mo ikaw hindi."

"Ada! Pasok daw kayo sa loob!" Sa gulat ko ay nabitawan ko ang wallet ko. Napapikit ako ng mariin ng bumuka ito.

"Picture ko yan ah--" agad kong hinablot kay Dylan ang wallet ko at inirapan siya.

"Hindi ikaw 'to." Iniwan ko siya sa labas bago ako pumasok. Nakaupo lahat sila sa sala habang si Marize naman ay nakatayo na para bang may inilelecture ang kaibigan ko na hilo.

"Si Ada po ay masungit, matigas ang ulo--"

"Meron bang malambot, Marize?!" Singit ni Zoe kaya binatukan siya ni Chantal. Napangiwi na lamang ako.

"Ano ka ba naman Zoe, syempre wala!" Bulyaw sa kaniya ni Chantal.

"Ano na namang kalokohan 'to?" Panimula ko sa kanila. Nababaliw na naman ang mga kaibigan ko na hilo.

"Hayaan mo na sila." Inakbayan ako ni Dylan kaya siniko ko siya sa tagiliran. "Aray naman." Daing nito kaya napa bitaw ang hawak niya sa balikat ko. Nakatayo kasi kami dito malapit sa pintuan.

"Epal."

"Sino kaya 'tong naglalagay ng baby picture ko sa wallet niya?" Namula ang pisngi ko doon kaya umiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi nakalimutan ko na alisin 'yon sa wallet ko?! Sabi kasi ng mama niya ilagay ko daw, hehe.

"Hindi naman ako, ah!" I lied.

"Sus. Inlove ka lang naman sa akin- aray!" Hinampas ko siya sa inis at nakisiksik na lamang ako sa sofa.

"Aray naman, Ada! Umalis ka nga dito!" Tinutulak ako ni Syd.

"Kainis ka naman!" Umalis na ako sa pag kakaupo at padabog na lumipat ng upuan. "Holy shit!" Bigla akong napatayo nang may maramdaman ako sa ibaba. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Dylan na nakangisi.

"Pati ba naman yon, walang laman?"

Itinaas ko lamang ang gitnang daliri ko sa kaniya nang humalakhak ito. Ugh, I really hate him!

"Dito na kayo kumain ng pang hapunan mga hija."

"Aye aye captain!" Sagot ng siyam kaya tumingin si tita sa akin.

"Opo." Sagot ko.

Na'ndito ako ngayon sa kwarto ni Dylan dahil ang mga kaibigan ko ay hinila pa ako papunta dito. Nakakairita, talagang pinipilit nila ako kay Dylan! Tamad akong nakatingin kay Dylan na nakahiga sa kama niya na walang saplot habang ako naman ay naka upo sa maliit niyang sofa dito.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong nito sa akin.

Kinagat ko ang chocolate ko bago tumaas ang kilay ko sa kaniya.

"Gusto mo ba na paglinisin ako?"

"Ito naman, tinatanong lang naman." Ngumuso ito bago siya umayos ng higa. Nakasandal na ang ulo niya sa head board kaya hindi ko maiwasang hindi mapa tingin sa bandang t'yan niya.

"Oy, tumutulo laway mo." Binato ko ang unan na sinasandalan ko sa muka niya pero tumawa lang ito sa akin.

"Ang pangit mo!" Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya. Nasa ibabaw niya ako ngayon.

"Susuntukin mo ako?" Tumaas ang sulok ng labi nito. Nasa dalawa kong kamay ay nakatukod sa mag kabilang gilid niya.

"Oo!"

"May bold!"

Sa gulat ko ay napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kama. Napapikit ako ng mariin ng may lumapat sa labi ko. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa bewang ko.

"Chansing ka, Ada."

"Epal!"

"Lasang maldita." Binasa nito ang pang ibabang labi niya bago ngumisi sa akin.

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon