Kabanata 8

240 11 2
                                    

Kabanata 8

Lipstick

"Goodmorning girls!" Umirap lamang ako habang sakbit sakbit ang bag ko sa kaliwang balikat ko. Nakapamewang sa amin si Marize sa baba ng hagdan. Naka uniform na din ito. Actually lahat naman kami.

"Nakakainis ka talaga, Marize!" Naka simangot na saad ni Zoe.

"Aba girl, kung hindi ka gigisingin. Mag hapon kang tulog!" Umupo na si Marize sa tabi ko habang si Zoe naman ay sa harapan ko. Magsisimula na naman ang dalawang ito.

"Kumain na nga kayong dalawa. Tutunawin niyo lang mga sarili niyo." Suway ni Syd sa kanila habang yung iba ay may sari-sarili nang mundo. Psh.

Agad na akong tumayo nung isa isa na silang umalis. Tamad akong tumingin kay Marize na nagsisimula pa lamang kumain at si Zoe na naka simangot lang.

"Wala ka na ba talagang ibibilis?" Asar kong tanong kay Marize bago ako tumingin kay Zoe. "Kayo na bahala dito."

Sumakay na ako sa Van na si Syd na naman ang nagmamaneho. Binuksan ko ang cellphone ko at muntik ko nang basagin ang cellphone ko nang makita ko ang pagmumuka ni Dylan na may pasa.

"Oh, baka mabasag!" Inagaw sa akin ni Chantal ang cellphone.

"Look, haha. Stalker pala si Ada!" Kantyaw ni Ivy sa akin.

"Naks. Bakit may pasa pa din siya?" Tumatawang tanong ni Felicity.

"Shut the fuck up girls!" Iritadong sabi ko saka binawi ang cellphone ko kay Chantal.

"Remember the contract!" Pahabol ni Syd. Sinakbit ko na ang bag ko before I raised my middle finger to them.

"We love you too!"

Pag pasok ko sa school ay nakita ko si Dylan na parang may hinihintay.

"There you are!" Sigaw nito kaya napangiwi ako. May babae ba siya sa likod ko? Duh.

Lalampasan ko na sana ito ng hawakan niya ang braso ko.

"Snobber."

"Hindi naman ako candy." Binawi ko ang braso ko sa kaniya. Kapal ng muka na hawakan ako.

"Kaya pala hindi ka sweet sa akin."

"Never!"

"Ah, talaga?"

"Talagang talaga."

"Bakit hindi ka madala sa charmings ko?!"

"Talk to my hand." Ihinarap ko ang palad ko sa muka niya na agad kong naitampal sa pisngi niya. Hinalikan ba naman ang kamay ko.

"Can I talk to your lips?"

"Manyak!"

Padabog akong umupo sa katabing upuan ni Marize. Mainit pa din ang ulo ko nang bigla itong pumasok na gulo gulo ang buhok.

"Hi, Ada!" Bati nito pero itinirik ko na lamang ang aking mga mata nang umupo ito sa silya niya. Dumating na din ang teacher namin kaya natahimik na kami. Dumating ang tanghalian ay sabay kaming pumunta sa canteen ni Marize.

Pag ka order namin ay magsasalita pa sana ito nang merong tray na lumapag sa table namin.

"Can I join?" Nakangising tanong nito pero sa akin naman nakatingin. I raised my eye brow and rolled my eyes.

"No--"

"Sure! D'yan ka na lang sa tabi ni Ada." Ngiting aso na tumabi ito sa akin. Biglang tumunog ang cellphone ko. It's from the page.

Breaking news; The Playboy Dylan Montemayor is with The Maldita Amanda Trinidad. Are they dating?

"Fuck." Inis kong sabi saka sinamaan ng tingin si Dylan na abala sa pagkain. Sinenyasan ko si Marize na lumipat ng table bago ako lumipat sa inuupuan ni Marize.

"Bakit ka lumipat?" Tanong nito.

"Ayaw kitang katabi."

"Galit ka ba sa akin?"

"Nah." Umiling ako. Pumikit ako ng mariin bago huminga ng malalim. "See this?" Ipinalita ko sa kaniya ang cellphone ko na may news tungkol sa amin with picture pa.

Tumaas ang sulok ng labi nito bago ako tinignan. "Atleast kasama ka."

"It's issue." Umiling ako sa kaniya, hindi nagugustuhan ang sinasabi niya dahil mukang tuwang tuwa pa ito.

Nag sisisisi ako na pinirmahan ko ang kontrata na yun.

"Hmm? Ikaw naman ang kasama ko sa issue kaya okay lang." Nag kibit balikat ito at sandaling napatingin sa plato ko. "Kanina ka pa daldal ng daldal, kumain ka na."

Muli akong umirap at nung matapos kaming kumain ay sabay kaming tumayo. Unti lang naman ang pagkain ko pero natagalan ako dahil hindi niya na yata inalis ang tingin sa akin.

"Bakit ba tingin ka ng tingin sa akin?"  Inis kong tanong kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ang ganda mo kasi."

Huminga ako ng malalim saka inirapan siya. Malandi na nga, bolero pa. Kahit naman hindi niya sabihin, alam ko na maganda ako.

"Kinikilig ka ba?"

"Ofcourse not!"

"Bakit ka sumisigaw?"

"It's none of your business."

Naghiwalay na din kami dahil nga nasa section 5 siya ay nauna akong pumasok sa class room namin. Nakaupo na doon si Marize na halatang hinihintay ako.

"Nag date kayo?" Tanong nito kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Nababaliw ka na ba?"

"Slight lang. Sungit mo, Ada." Sinimangutan ako nito.

Nung mag uwian kami ay napangisi na lamang ako ng makita ko si Dylan na gulo gulo ang buhok at may lipstick pa sa gilid ng labi kahit malayo ito ay kita ko ito.

"Anong iniisip mo?" Sabat ni Marize na naging dahilan para maalis ang tingin ko kay Dylan na inaayos ang buhok.

"Wala naman." Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko bago ngumisi. Alam ko ang pormahan ni Dylan kapag ganyan ang ayos niya. Yes, I'm a stalker.

What a good news.

Breaking news: Dylan Montemayor saw making out with Senior student.

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon