Kabanata 49
Pregnant
Pag ka uwi ko ay ramdam ko pa din ang hilo sa aking ulo. Paulit ulit kong naririnig ang boses ni Tita Dana tungkol sa death threats na natatanggap nila. Navarre, huh? Hm.
Pag pasok ko sa condo ay tahimik ito. Hindi ko na nagawang pumunta pa kay Dylan dahil paniguradong nasa trabaho ito-- nasa trabaho nga ba?
I still trust and love Dylan.
Chineck ko ang cellphone ko.
The halo halo girls.
Kumunot ang aking noo dahil iba na naman ang pangalan ng gc. Ilang buwan ba akong nawala at ka-abnormalan na naman ang nakikita ko sa gc.
Syd: Bahay!
Tina: oo nga, miss ko na kayo.
Madi: ew! Miss ka ba?
Felicity: duh.
Marize: luto tayo caldereta! @Ada gora ka ba?
Zoe: arat na!
Amanda: Sure.
Ini-off ko na ang cellphone ko at hindi na hinintay na mag chat ang iba. Napahiga ako sa kama ng parang may humalukay sa tyan ko. Dali dali akong tumakbo sa cr para magsuka.
Para akong nawalan ng lakas saka ini-flash 'yon. Nanghihina na hinablot ko ang towel at ipinunas 'yon sa labi ko. Agad akong nagmumog at napatingin sa salamin.
What the hell?
Kinabukasan ay alas kwatro pa lamang yata ay agad na akong bumangon para magsuka muli. Nakaramdam na agad ako ng gutom, katulad ng ginawa ko kagabi ay ginawa ko na din ang morning routine ko.
Wala na ang hickeys sa leeg ko.
Agad akong nag luto para sa almusal dahil naubusan na yata ako ng pagkain sa tyan. Wala naman akong nakakain na panis kaya bakit ako magsusuka?
"Damn." Mahinang bulong ko saka ipinusod ang aking buhok.
Nang tignan ko ang orasan ay alas singko na. Ngayong araw din ang off ko kaya hindi na ako nag abalang nag ayos. Jacket na itim at black jogger lang ang aking suot na pinaresan ko ng black rubber shoes.
Bukas na ang ibang shop kaya dumiretso ako doon. Pumunta ako sa 7 eleven at bumilo ng chocolates. Hm, ang sarap.
Matapos kong bayaran sa counter 'yon ay napatitig ako sa chocolate na hawak hawak ko. Kailan pa ako nag ka interes sa chocolates? I hate chocolates, damn it.
"Miss ayos ka lang ba?" Tanong nung isang crew doon pero ngumiti lamang ako bago tumango at ngumiti. Bitbit ang plastic na may laman na sampung chocolate ay bumalik ako sa condo.
Nakangiti akong lumabas ng elevator na agad nawala ng makita ko ang naabutan ko. Nabitawan ko ang plastic bag na hawak hawak ko at hindi pinansin ang mga chocolates na nag ka durog durog na yata.
Pati yata ang puso ko.
"Ada!" Nagpapanic na sabi ni Dylan ng makita akong nakatingin sa kanila habang ang luha ko ay walang tigil sa pagtulo. Ngumiti ako saka pinunasan ang luha ko pero hindi 'yon nakikisama.
"Ayos lang ako." I smiled weakly bago pinulot ang mga chocolates.
"I-im--"
"Ayos nga lang ako!" Sigaw ko sa kaniya at itinulak sila para maalis sila sa pintuan ko.
Paulit ulit kong pinapalo ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko habang umiiyak. Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano magpalapat ang mga labi nila. Kita ng dalawang mata ko pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay kumakapit pa din ako sa mga pangako niya.
Ganito talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao at pinagkakatiwalaan mo siya. Kahit sinasampal ka na, sige lang. Push lang, laban lang.
Kumakain ako ng chocolate habang nanonood ng mag ring ang cellphone ko. Sumighot singhot pa ako bago 'yon sinagot.
"Hello?" Sabi ko habang ngumunguya. 10:00 A.M na ng umaga.
[Where are you? Ikaw na lang ang kulang!]
"Ha?"
[Punta ka na dito. We miss you!]
Agad akong napangiti doon. "Okay, mag aayos na ako."
Matapos kong mag ayos ay nakangiti akong lumabas. Kung hindi nga lang lumabas si Dylan.
"Saan ka pupunta?"
"I'm dead." Pagbibiro ko sa kaniya pero dumilim ang muka nito sa akin.
"Tell me."
"Paano kung ayaw ko?"
"Tss. Come on."
"Ginagago mo ba ako?" Tinaas ko ang kilay ko. Masaya naman pala siya asarin.
"What the fuck?" Hindi makapaniwalang sabi nito kaya inirapan ko siya at nilampasan. Okay na sa akin na nakita ko siya. Nang makarating ako sa bahay ay napaka ingay nila.
"Ada!" Sigaw ni Madi.
"Iwas topic ka talaga!" Siko sa kaniya ni Madi.
"Andyan na?!" Nakita ko na sumilip si Marize sa kusina. "Kakain na!"
Sumunod naman agad ako sa kanila.
Pag pasok ko sa kusina ay umupo na agad ako. Nung mailagay ang ulam ay parang may humalukay sa tyan ko.
"A-ano yan?" Nahihirapang sabi ko.
"Caldereta?"
Dali dali akong tumakbo sa sink para magsuka. Agad akong nagmumog at pinunasan ang labi ko. Ang baho..
Napaigtad ako ng makita ko ang mga kaibigan ko na iba ang tingin sa akin.
"Are you pregnant?"
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...