Kabanata 4

340 11 8
                                    

Kabanata 4

Epal sa mall

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil walang pasok. Nakatayo ako malapit sa dining table nang kalampagin ni Marize ang sandok sa mga kawali. Para lang may banda si Marize nang mapatawa ako sa itsura ng mga kaibigan kong hilo.

"Ang ingay mo naman!" Gulo gulo na nga ang buhok ni Chantal ay mas ginulo niya pa ito sa inis.

Kung ako sa kanila, maaga akong gigising para hindi masira ang araw ko sa maingay naming alarm clock. Well, pupunta naman kasi ako ng mall kaya maaga akong nagising.

"So.. may lakad ka?" Tanong ni Syd sa akin.

Pinstripe Shirred Back Cami top at Knot overlap Skirt lamang ang suot ko kaya tumango ako bilang sagot.

"Yup."

"Ano, makikipag laro ka na ba kay Montemayor?" Tanong ni Zoe kaya nabulunan ako sa kinakain ko.

Tinapik tapik ni Marize ang likod ko kaya hinampas ko siya sa hita.

"Hindi ako mamamatay sa samid, eh. Mamamatay ako sa hampas mo." Inirapan ko siya.

Tawa lang ng tawa sa akin ang siyam. Napa iling na lamang ako bago muling tumaas. Kinuha ko ang cellphone ko pati ang sling bag at aking wallet.

"Bilhan mo ako ng cellphone!" Pahabol ni Zoe.

Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako kay Dylan Montemayor. Tinignan ko ang cellphone ko bago ako sumakay sa sasakyan namin. Bumungad sa akin ang nakangising si Dylan.

"Ugly as fuck."

Nang makarating ako sa mall ay dumiretso ako sa fast food chain at um-order ng pagkain. Nakatingin lang ako sa labas ng makita ko si Dylan na papunta sa direksyon ko. Sa labas kasi ako nakaupo.

Halos mabuga ko ang iniinom kong pineapple juice ng makita ko ang malanding iyon na nakangisi sa akin. What the hell is the doing here?

Put your brain in your head, Amanda. This is Mall! Where animals goes!

"What an incident." Sabi niya at umupo sa harapan ko

"Who you?" Mataray kong tanong

"Amanda Francine Trinidad, I'm Dylan Montemayor." Sabay lahad ng kamay niya

Tinignan ko lang iyon at inirapan ko siya. Nakakawala siya ng mood, sa totoo lang. Ang sarap sarap ng pineapple juice tapos eepal siya!?

"Rude." Banggit niya kaya inirapan ko uli siya

"Inborn" mayabang kong sagot sa kaniya

Alam kong mayabang ang lalaki na ito.

"You was born rude. Interesting" may pahawak hawak pa siya sa baba kupal siya.

"Sorry, I'm not interested to you. So if you mind, excuse me."

Tumayo na ako doon at hinayaan siyang nag iisa. Nakakailang irap na ako habang namimili ng mga damit dito. Paikot ikot lang ako ng mahagip ako ng mga mabubuti kong mata ang malanding nilalang.

What the hell? Namimili siya ng bra!? So ew!

Lalayo na sana ako doon ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Amanda Darling!" Darling?!

Dere deretso lang ako at nung saktong palabas na ako ng store ay isang sigaw ang mas lalong sumira ng napakandang araw ko.

"I will buy you a bra!"

Napatingin naman sa amin yung sales lady kaya naman inis akong tumalikod doon. Kung pinto lang ang lalabasan ko katulad sa amin ay malamang padabog ko na itong isinara. Agad kong kinalakal ang cellphone ko sa pouch habang naglalakad na palabas

[Hello!"]

Agad akong narindi sa ingay, ano bang ginagawa ng mga babaeng iyon sa oras na 'to!? Nagpaparty!? Pinatay ko na ang cellphone at umirap. Wala akong mapapala, uuwi na lang ako mag isa.

"Amanda!"

Agad akong napatingin sa boses ng malanding iyon na ngayon ay hinihingal na. Sinusundan niya ba ako? Kung sa tingin niya makukuha niya ako, pwes hindi! Pag pumuti na ang uwak, abangan niyo.

"What?"

"You left me there!" Turo niya doon sa store na binibilhan niya ng bra, bakla yata ang kupal na ito eh.

"And?"

"You are hard to get."

"You can't get me, Montemayor. I'm not like the other girls who falls to your dimple in the right cheek and to those shitty lines of yours, flirt!" Iritado kong sabi.

"You really dislikes me that much huh?"

"More much!"

Agad na akong tumalikod doon at nagsimulang maglakad papalayo. Napairap na lang ako ng maramdaman kong may sumusunod sa akin, hindi na ako nag abala na tignan kung sino dahil siya lang naman yung nag iisang epal at malandi sa mall.

Makapag gawa nga ng headline mamaya. Kabog ang kupal na 'to.

Breaking news; The Dylan Montemayor chasing a beautiful smart girl named Amanda Francine Trinidad in the mall.

I don't care about the bashers because they are just insecure. I care about the image of Dylan Montemayor. This is just the start. Montemayor. Soon, You'll hate me to death.

"Amanda!"

Tuluyan na akong lumingon dahil naiirita na ako ng may sunod ng sunod sa akin.

"Ano bang kailangan mo?"

"You."

Napairap lalo ako. Yung line niya, basag na, bulok, luma na, sira na at higit sa lahat Corny!

"Kinilig ka naman" nakangisi niyang sabi, asa ka namang malandi ka

"As if. Whatever!"

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon