Kabanata 22

174 10 3
                                    

Kabanata 22

Sasabay

Nagsalubong ang kilay ko. What the fuck. Ayaw ko nga siyang makita tapos reunion pa? The hell, no! Tamad akong nakatingin kina Marize. Mukang meron pa kasi silang hindi sinasabi sa akin kaya sumandal ako at dume-kwatro.

"Section 3 at 5 daw ang mag kasama." Panimula nito kaya mas lalong nag salubong ang kilay ko. Nananadya ba sila? Kainis naman, oh. Parang ayaw ko tuloy umuwi mamaya sa condo dahil ayaw ko nga siyang makita.

Asar naman, oh.

"Oh, tapos?" Nag kunwari akong hindi apektado kahit ang puso ko ay parang tinatambol sa sobrang lakas ng kabog.

"Makikita mo na si Dylan--"

"Nakita ko na siya." Walang emosyong sabi ko. Nagulat na lang ako ng biglang nagpuntahan ang mga kaibigan kong hilo sa harapan ko na mukang handang makinig sa akin. "What?"

"Saan?" Sabay sabay nilang tanong.

"My neighbor." Pumikit ako ng mariin tuwing sumasagi siya sa isipan ko. Nagsisimula na naman siya, Ada.

"Really?"

"Gusto naming pumunta."

"Saan ba?"

"Gwapo pa rin ba?"

"Anong itsura?"

Napangiwi ako sa mga tanong nila kaya inirapan ko na lamang sila. Nagkataon nga lang ba na magkatabi kami sa condo or sinadya? Amanda naman, nagiging assuming ka na tuloy.

"Siya pa din si Dylan." Sagot ko para sana tumahimik sila pero mas lalo silang umingay.

"Bakit naman mag katabi kayo ng condo?"

"Ikaw siguro ang tumabi do'n!"

Napa tanga na lamang ako sa kakapalan ng muka ni Ivy kaya binatukan ko siya.

"Aray naman!" Reklamo nito.

"Ivy, wala na." Saad ko sa seryosong tono. Alam ko na naapektuhan sila nung umiwas ako kay Dylan pero ayoko na.

"Peace."

Gabi na nang maisipan kong umuwi. Nasa sasakyan na kaming lahat nang ako na ang unang nag paandar ng makina.

"Mauuna na ako!" Paalam ko saka sinarado ang bintana ng sasakyan ko. Patay na din ang ilaw ng bahay namin dahil wala namang maiiwan doon. Nakita ko pa ang dating bahay nila Dylan, saka na lamang ako bibisita doon.

Pag karating ko sa condo ay inaantok na talaga ako.  Bubuksan ko na sana ang pintuan nang may lumabas sa isang pintuan. Sinulyapan ko ito, naka sando siya na white at boxer. Hindi ba talaga siya nahihiya?!

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong nito.

Pumasok na agad ako sa loob at dere-deretsong pumasok sa kwarto. Hindi na ako nagbihis at agad na ding natulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas sais ay gising na ako, naka dapa ako. Nakapikit pa akong kinapa ang cellphone nang mag ring ito.

"Hello?" Pilit kong iminumulat ang mata ko.

[Asan ka na?!]

"Who are you?"

[Anak ng pucha, may reunion tayo ngayon!]

"Pwede ba mamaya ka na lang tumawag? Istorbo ka masyado."

[Ada--]

Pinatay ko ang tawag at bumalik sa tulog. Padabog akong bumangon ng hindi na ako muling makatulog. Tinignan ko kung sino ang tumawag, hanggang dito ba naman? Napa iling iling na lamang ako.

Ginagawa ko ang morning routine ko habang hawak hawak ko ang cellphone ko. Dumaan ang post ni Marize.

Marize Arabella Bailon

Reunion! 25 minutes ago.

Naibuga ko ang tubig sa nakita ko. Shit, may reunion pala kami. Dali dali akong nag ayos. Floral off shoulder at high waist short ang suot ko. Nag suot na din ako ng relo at kwintas. Isinakbit ko ang aking sling bag bago lumabas sa condo.

"Anak ng teteng." Gulat na sabi ko. Bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Dylan na naka black polo shirt, at faded pants. Naka relo din ito at naka clean cut.

"Sabay na tayo. Kanina pa sila nando'n." Sambit nito bago ako tinalikuran.

Tumaas ang kilay ko at nagtatakang tumingin sa kaniya.

"At bakit naman ako sasabay sayo?"

"Dahil sasabay ka sa akin." Tumingin ito sa akin na nakataas ang sulok ng labi. "Tara na."

Tumaas yata lahat ang dugo ko sa ulo ko saka padabog na nag martsa pauna sa kaniya. Mag sasarado na sana ang elevator na hinihiling ko kaso nga lang ay iniharang nito ang kamay niya sa gitna kaya nakapasok ito.

Nasa dulo ako nakapwesto nang tumabi ito sa akin. Sumiksik ako sa gilid ng mahina itong tumawa. Napapikit ako ng mariin nang biglang madaming pumasok dito kaya siksikan kami.

Napasinghap na lamang ako ng bigla akong akbayan ni Dylan. Balak kong alisin 'yon kaso nga lang ay sobrang sikip.

"Wag mong alisin, baka masaktan ka." Nag tayuan lahat ng balahibo ko nung bumulong ito sa tenga ko. Na aamoy ko na ang kaniyang pabango, hindi ito sobrang tapang katulad nang sa iba.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil na kami sa 3rd floor. Nasa 5th floor kasi kami naka pwesto. Agad akong lumayo kay Dylan na hindi nawawala ang ngisi sa labi niya.

Ako lang ba? Ako lang ba ang naapektuhan sa sinabi niya. Aish, hindi ko alam. Para kasing may ibang nakaukit sa mga salitang iyon pero hindi ako nasasaktan. Never.

Nang makarating kami sa 1st floor ay dali dali akong lumabas. Napakagat na lamang ako sa labi kung bakit ako nandito. Dapat ay doon ako dumiretso sa parking lot. Papasok na sana ulit ako ng biglang may bumusinang kulay itim na sasakyan sa akin.

Nag bukas ang bintana nito, nakita ko ang malanding lalaki na nakangisi sa akin.

"Hop in, Trinidad."

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon