Kabanata 31

144 10 2
                                    

Kabanata 31

Flower

"Ano bang problema mo?!" Pikit mata kong binuksan ang pintuan ng bumungad sa akin ang bagong ligo na si Dylan. Para siyang si Marize, inaantok pa nga sabi ako.

"Breakfast." Ngumiti ito sa akin.

"Anong breakfast?! Magluto ka mag isa mo!" Akmang sasaraduhan ko ito ng sumigaw ito.

"ADA!"

Nanlaki ang mata ko ng hilahin ako nito papuntang kusina. Padabog akong umalis sa pagkakahawak niya saka ginawa ang morning routine ko kahit alam ko na nanonood siya.

Dumiretso na din ako sa cr ng kwarto ko at dali daling naligo. Pambahay lamang ang suot ko. Sinabit ko ang suklay sa buhok ko saka lumabas.

"Limang buwan ka ng epal sa tulog ko!" Inirapan ko siya. Sa limang buwan na 'yon ay puro kami away dahil sa babae.

"Sleepyhead." Umiling ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Matapos naming kumain ay pareho kaming nakaupo sa sala ng biglang may kumatok. Ako na ang tumayo dahil muka namang walang pakialam si Dylan kaya ako na ang nagbukas noon.

Hindi maipinta ang muka ko habang nakahawak sa door know habang si Eloise naman ay nakangiti sa akin.

"Nandyan ba si Dylan?" Tanong nito.

"Yes."

"Ahm.. may pupuntahan kasi kami--"

"Dylan." Tawag ko dito.

"Hm?"

"Sumama ka na kay Eloise." Tumayo ito.

"What? Eloise, I said cancel it--"

"You can go." I said with hand gestures. Kapag ako nabwisit dito, sasampalin ko ang dalawang ito.

"I'll be back." Humalik ito sa aking noo, kita ko ang gulat sa muka ni Eloise kaya naman ngiting panalo ako na humarap sa kaniya.

Alas siyete na yata nang bumalik si Dylan sa condo ko. Pinaupo ko muna ito at pinaghanda ng pagkain sa lamesa. Ganito naman tuwing lagi siyang pumupunta dito. Sa umaga siya ang naghahanda at ako naman sa gabi.

"Pwede ka na maging misis ko." Nag tayuan ang balahibo ko ng bigla itong yumakap sa likuran ko. Tinampal ko ang kamay nito kaya natatawa itong lumayo sa akin.

"I love you." Ngumuso ito sa akin kaya itinirik ko na lamang ang aking mga mata.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Niyaya ako ni Dylan na sumama sa kasalan. Ang alam ko ay kay Grace at Caltrious daw ang kasal kaya pumayag na ako.

Tinignan ko ang gown na isusuot ko. May nag padala din ng make up artist si Irish. Hindi ko kilala kung sino ang Irish na 'yon.

"Ang ganda mo naman!" Puri sa akin ng baklang make up artist na ito. Masya siyang kakwentuhan at walang halong kaplastikan. Umalis din agad ito kaya tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Parang hindi ako. Hindi ko naman pwedeng isama ang mga kaibigan kong hilo dahil wala naman akong karapatang mag imbita lalo na at hindi naman kami close ni Grace.

"You look so beautiful." Papuri sa akin ni Dylan na hindi ko na namalayang nakapasok na pala sa aking kwarto.

Naka tuxedo ito at naka clean cut. Gwapo na naman.

"Am I look handsome to you?"

"No!"

"Sana ikasal din tayo."

Nang makarating kami ay hindi na maipunta ang muka ko sa sobrang kakapalan ng pagmumuka ni Dylan.

"Tigilan mo nga ako!" Inis na saad ko habang naglalakad kami sa gitna ng aisle.

"Ada naman."

"Fine!" Isinakbit ko ang braso ko sa braso niya. Nakangiti lang ako ng pilit habang si Dylan naman ay halatang ngiting aso na. Nung makarating kami sa dulo ay nag hiwalay na din kami ni Dylan.

At nung pumasok si Grace ay napatingin na lamang ako sa kaniya. Ang ganda niya.

Tamad lang akong nakangitin hanggang sa marinig ko na ang salita na pinakahihintay ng salita.

"You may now kiss the bride."

Agad akong napatingin kay Dylan na ngumuso pa sa akin. Ngumiwi lamang ako saka binelatan siya. Ano siya, chicks?

Nung makalabas ang bagong kasal ay magkasama na din kami ni Dylan. Nang ibato ni Grace ang bulaklak ay napamura na lamang ako.

"What the fuck?" Tumaas ang aking kilay ng masalo ko ang bulaklak. Nakarinig ako ng mga tawanan at pang aasar sa paligid ko.

"Paano ba yan?" Inakbayan ako ni Dylan kaya siniko ko ito.

"Ulol."

Nakakainis, bakit ako pa ang nakasalo ng bulaklak na ito?!

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon