Kabanata 27

146 11 3
                                    

Kabanata 27

My condo

Hindi maipinta ang aking reaksyon habang nakataas ang kilay ko sa dalawang ito. Para lamang akong hangin dito sa likod ng sasakyan.

"Haha, alam mo pala yun, Dylan?!" Hinampas nito si Dylan. Napa kagat na lamang ako sa aking labi, pinipigilan ang inis sa ginawa ni Eloise. Gusto niya bang mabangga kami? Bakit hindi pa siya mauna, idadamay niya pa kami.

"Stop doing that." Suway ni Dylan sa kaniya.

Bigla akong tumawa pero agad din akong napatigil ng ihinto nito ang sasakyan. Napa kagat na lamang ako sa labi ko nang tignan ako ng dalawa.

"What's funny?" Tanong ni Dylan.

"Nothing." Umiwas ako ng tingin nang umandar na ulit ang sasakyan.

Alas singko na nang maisipan ko na maligo na ulit para maghanda mamayang gabi. Hawak hawak ko ang cellphone ko nang mag pop up ang picture ng gc namin.

The walwal girls

Syd: anong-- anak nang pucha naman, Tina!

Tina: bakit ba?! Mag wawalwal naman tayo, ah?!

Fay: excited masyado.

Marize: wag kayo mabagal ha!

Felicity: walwal amputs.

Madi: ew.

Ivy: hahaha, walwalan na this!

Chantal: magsuka ka sana mamaya, Ivy!

Zoe: may mga sikretong mabubunyag tuwing lasing tayo, girls. Paalala lang hahaha!

Amanda: mga isip bata.

Marize: oh, andyan na ang maldita!

Fay: bongga na naman suot ng gagang yan.

Amanda: ofc

Fay: ikr.

Alas otso na nang maisipan ko nang mag ayos. Inilugay ko ang aking buhok at nag lagay ng kaunting make up sa muka ko. Naka suot ako ng Black spaghetti strap at 2 inch black sandals.

Saktong paglabas ko ay nakita ko si Dylan na parang may hinihintay. Ah, baka si Eloise.

"Where are you going, Ada?" Tumingin ako kay Dylan na mukang ako ang kinakausap.

"It's none of your business."

"Ada." Mas naging seryoso ang boses nito. Ano namang pakialam niya kung saan ako pupunta?

"Ano na naman ba?"

"Tell me where are--"

"Bar." Tinalikuran ko na siya at hindi pinansin. Pagka baba ko ay nakita ko na agad ang Van namin. Binuksan ko na ito saka pumasok sa loob. Napangiwi na lamang ako sa ingay ng mga ito.

"Hey, Ada! The walwal one!" Sigaw ni Marize.

Don't tell me hindi pa kami nakakapunta ay lasing na ang mga ito? Aish. Hindi ko na pinansin ang mga ito nang magsalita si Syd sa unahan. Syempre, siya na naman ang nagmamaneho.

"Walwalan na!" Sigaw ni Madi pag ka labas namin.

Napairap na lamang ako ng magsimulang pumulupot sa akin ang mga kaibigan kong hilo kaya nagtataka akong tumingin sa harap. Sus, malaking bouncer lang, eh.

"VIP kami." Biglang pumasok ang bouncer.

"Shit, kay damn 'to." Bulong ni Madi kaya tumagilid ang ulo ko at tinignan siya.

"Damn?" Tanomg ko.

"D-dam--"

"Pasok." Tawag nung bouncer kaya dali dali na kaming pumasok.

Sumalubong sa amin ang malakas na tugtog, mga nagsasayawan at mga nag aano. Alam niyo na 'yun, it's so yuckie! Dumiretso kami sa VIP room saka ako umupo sa napakahabang sofa.

"Ayaw niyo sa labas?" Tanong ni Madi, sabay sabay kaming umiling.

"Order na kayo!" Sigaw ni Chantal.

Makalipas ang isang oras ay nakahiga na sa sahig at sofa sina Chantal, Zoe at Tina. Napangiwi na lamang ako.

"Sabay sabay pala kayong babagsak!" Hindi ko napigilang hindi matawa nang iduro ito ni Syd na may hawak na alak. Napailing na lamang ako kahit ramdam ko na ang pag kahilo.

"Alam n-niyo *hik* ba?" Napatingin ako kay Madi na kinakausap ang sofa.

Biglang bumukas ang pintuan nang may pumasok doon na lalaki na naka formal suit at itinutupi ang manggas ng damit niya.

"Where's Serenity?" Tanong nito kaya napakunot ang aking noo.

"Who are you?" Tanong ko. Wala pa naman akong tama kaya nagawa ko pa ding tumayo at itinuro si Madi na nakaupo sa sahig.

"I'm Damian." Sambit nito saka binuhat si Madi na tulog na.

"May gera ba?!" Nagitla ako sa sigaw ni Fay na may hawak hawak na bote.

Damn, nakakainis na ang mga ito, ah?! Mag aaya aya tapos iiwan ako dito! Nakasimangot ako na nag iinom mag isa dito at hindi na pinansin ang mga kupal na 'to.

Nakailang bote pa yata bago ko maramdaman ang totoong pag kahilo. Pagewang gewang ako na tumayo at pilit ginigising si Marize.

"Gising mga *hik* pagong!" Inaalog ko si Marize saka ako napatawa. Hays, mga tanga.

Hindi ko alam kung paano kami nakauwing lahat sa kabila ng kalasingan namin. Pagewang gewang akong naglalakad dito kahit umiikot na ang paningin ko. Nung nakita ko ang aking pinto ay pilit kong kinakalkal sa sling bag ko ang susi.

Nagkalaglagan na ata ang ibang gamit doon ay hindi ko pa din mabuksan ang pintuan. Ibinaba ko muli ang damit ko dahil umaangat ito.

Kinalampag ko ang pintuan nang biglang may humapit sa bewang ko dahil bumukas ang pintuan.

"Anong ginagawa mo sa condo ko?!" Sigaw ko.

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon