Kabanata 56

181 11 3
                                    

Kabanata 56

Kiel

Ayana Stephany Trinidad.

Napatitig ako sa pangalan ng aking anak na nakaukit sa semento. Inayos ko ang aking short pati na ang aking off shoulder. Isang taon na ang lumipas ngunit sariwa pa din lahat ng alaala sa akin.

"No.." hindi naniniwalang sabi ko.

"Babae ang anak mo.."

"Buhay siya! Ibigay niyo sa akin ang anak ko!" Nagpupumiglas ako ng biglang may pumasok sa pintuan. Ang mga magulang ni Eloise.

"You killed my daughter!" Wala akong naramdamang sakit ng sampalin ako nito.

"Bakit niyo siya sinampal?!" Rinig ko ang sigaw ni Marize.

"Wala kang alam." Seryosong saad ni Mrs. Navarre.

"Of course we all know what have you done to Amanda's dad!"

"Don't raise your voice at me kid--"

"Wag na wag mong sasaktan ang kaibigan namin, Mrs. Navarre. Wala kang alam sa mga pinagdadaanan niya."

"See you in court, then." I said in a low voice.

"W-what?!"

Nakuha ko ang hustisya kay papa.

"Baby.." tawag ko sa anak ko na hindi naman ako naririnig. Sinindihan ko ang kandila saka umupo sa damuhan. "Mahal kita.." lumakas ang hangin.

Matagal akong nagtago kahit alam kong hindi tama. Wala akong mukang ihaharap sa mga kaibigan ko matapos nang araw na 'yon. Ako ang puno't dulo nito.

Tumingin ako sa kalangitan dahil bigla itong kumulimlim.

"Hindi ako iiyak, Aya.Natatawang sabi ko. Tuwing narito ako ay palaging umuulan. Agad na din akong tumayo at ngumiti sa harapan ng anak ko. "See you, tomorrow, Aya.

Sa isang taon na 'yon, wala akong ibang ginawa kundi sisihin ang sarili ko. Ako ang may kasalanan kung bakit ngayon ay wala sa tabi ko ang anak ko. Kasalanan ko kung bakit wala din si Dylan.

Tumayo na ako habang nakangiti.

"Babalik ako, Aya."

Tahimik akong umalis doon. Mababagal ang hakbang ko ng sandaling makita ko ang pangalan ni Eloise. She died. Mas pinili niya ang anak niya ang mabuhay kesa sarili niya. She sacrificed.

Tumigil ako sa tapat noon, pumasok ako ng may maabutan akong babae doon.

"Kayo po ba si Amanda?"

Agad akong tumango.

"May nagpapabigay po sa inyo. Isang taon na po akong pabalik balik dito para ibigay sa inyo ito. Maiwan ko na kayo."

"Salamat po." Tinanggap ko ang envelope na kulay pink.

Umupo ako sa silya na nasa tapat lang ni Eloise. Kinuha ko ang litrato nito. Ito yung picture niya na nagkabanggaan kami.

"Ang daya mo.." tumawa ako ng pagak.

"Akala mo hindi ko alam? Kapatid kita, Eloise. Pero bakit ginagago mo ako?" Ibinalik ko ang litrato niya at tinitigan ang envelope na kulay pink.

Dear Amanda,

       I'm sorry, Amanda. It's all our fault. Don't blame Dylan, do blame us. Alam ko wala akong karapatan na ilabas ang hinanakit ko. Sinusulat ko ito ngayon dahil alam ko umiiyak ka na. Ang araw na ito ay kung kailan sinabi ko na si Dylan ang ama ng batang dinadala ko.

       Hi, Amanda! Tatlong buwan na ang lumipas. Siguro nabigyan mo na siya ng pangalan, ano? Sorry. Sorry. Sorry. Sorry for everything that we have done to you. Alam ko din na hindi lang sorry ko ang hihilom sa mga sugat na naibigay naming lahat sayo.

      I want to see your smile again even if it's the last. Amanda.. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kailan ako magpapakatotoo sa'yo. Hindi ko alam kung magagawa mo ba akong mapatawad kung malalaman mo ang katotohanan.

       Mahal kita, Amanda.. sana ako din ay mahal mo. This is cringe, haha. Please forgive me. Walang kasalanan si Dylan sa mga ito. We use him because we wanna saw you crying over him. We want you hurt. We succeeded in that. I know you don't dahil alam ko na may mali at kulang dyan sa puso mo.

       Isa lang ang pwede kong aminin. Ang batang--

                                                                                  Nagpapaalam, Eloise.

"Ang batang?" Bigkas ko dahil mukang nabasa ito at malabo ang sulat. Pinunasan ko ang luha na tumulo at agad itinago ang sulat. "You're forgiven, Eloise." Ngumiti ako ng mapait.

"Tama, nagtagumpay kayo."

"Eloise.. ano ba ang gusto mong iparating?"

Dumiretso ako sa parke at naupo agad doon sa malapit na bench. May narinig akong umiiyak na bata ng may maramdaman akong kirot sa puso ko.

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko ng makita ko ang bata na umiiyak. Sumikip ang dibdib ko pero pinilit kong lumapit sa bata.

"Hey kiddo." Pukaw ko rito.

Napaigtad ako ng humawak ang maliliit nitong kamay sa aking kamay. Napatitig ako doon.

"Ma.."

Agad akong yumuko at hinihintay ang sinasabi ng bata.

"M-mama.." nanlaki ang mata ko ng yumapos ito sa mga binti ko.

"Kiel!" Nagulat ako ng biglang may kumuha sa bata. Dahil nakayuko at agad akong tumunghay. Napa atras ako.

"D-dylan.."

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon