Kabanata 29
Un-hate
"I love the way I hold your hand, Ada. I wanted them to see that you're mine, Ada. Just mine."
"I love the way I hold your hand, Ada. I wanted them to see that you're mine, Ada. Just mine."
"I love the way I hold your hand, Ada. I wanted them to see that you're mine, Ada. Just mine."
Kanina pa ako tulalang nakatingin sa kamay ko. Sobrang bilis ng puso ko kanina habang naglalakad kami na hawak kamay pababa. Parang nawala lahat ng hate ko sa puso at napalitan ng hindi ko malamang dahilan.
Bakit ang init?
"Wala bang aircon 'to?" Salita ko sa kaniya, narinig ko na tumawa ito kaya napatingin ako sa kaniya.
Pinagsaklop ko ang dalawa kong kamay saka 'yon inangat.
"I can hold you hand if you want to." Sa sinabi niya ay bigla ko 'yong naibaba at ipinag hiwalay. Hinawakan ko ang mag kabilang pisngi ko sa sobrang init nito. Binuksan ko ang bintana nito dahil naiinitan talaga ako.
"Are you blushing, Ada?" Tanong nito kaya sunod sunod akong umiling.
Inihinto nito ang sasakyan dahil narito na kami sa tapat ng entrance ng mall. Inalis nito ang kamay ko sa pisngi ko, ngumiti ito sa akin.
"I see." Napaatras ako sa sobrang lapit nito nang makarinig ako ng click. "Let's go."
Walang emosyong pumasok kami sa mall. Naka akbay ito sa akin, kanina ko pa ito inaalis pero paulit ulit niya itong binabalik. Nakakailang buntong hininga na ako habang naglalakad kami.
"May problema ka ba, Ada?"
"Seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo?"
"Ada, seryoso ako sayo."
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o magsimula na ulit akong iwasan siya. Hindi ako nararapat sa mga babaeng iniiyakan siya dahil lamang pinaglaruan at iniwan sila ng lalaking nagngangalang Dylan Montemayor.
Bunch of stupid girls of Dylan Montemayor.
"Here." Pumasok kami sa isang restaurant.
"Welcome Maam and Sir." I smiled back kaya siniko ko si Dylan dahil wala ang atensyon niya dito. Bastos naman talaga 'to.
"Why?" Tanong nito ng makalampas na kami sa babae.
"Wala."
Matapos naming umorder ay naka tingin lang ako kay Dylan na busy sa cellphone nakangiti pa ito. Wow.
"Enjoy eating maam and sir."
"Dylan." Tawag ko sa atensyon niya.
"Yes?"
"Kakain na."
"Okay, wait a minute."
Nakatingin lang ako sa plato ko, paunti unti lang ang kain ko. Ano ba ang ginagawa ni Dylan at ganyan siya makangiti? Feeling ko ay iiyak na ako sa sobrang inis.
Matapos kong kumain ay hindi maalis ang taas ng aking kilay habang pinapanood siyang kumain. Nakakairita na ang lalaking ito, sa totoo lang.
"I'm done. Wait, bakit ganyan ka tumingin?"
"Whatever!" Iniwan ko siya doon sa loob ng resto. Naka crossed arms akong naghihintay ng may umakbay sa akin. Itinirik ko ang aking mga mata nang hilahin na ako nito palabas.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko dahil pa exit na kami.
"Lilipat tayo."
Nag salubong ang aking kilay na pumasok sa sasakyan niya. Walang nagsasalita sa amin sa loob. Nung tinignan ko ito ay nakatingin lang ito sa manibela.
"Do you still hate me, Ada?"
Hindi agad ako nakasagot.
"I see."
Napapikit ako ng mariin ng paandarin na nito ang makina. Kagat kagat ko ang labi ko dahil sa sobrang katahimikan. Masama bang hindi mag tiwala? Ayaw kong masaktan at lalo namang ayaw kong magmahal.
"I want your trust again."
Gusto kong sabihin na kahit kailan ay hindi ko pa nagawang ibigay ang tiwala ko sa kaniya. I keep my mouth shut. Ayaw kong masabi sa kaniya ang mga masasakit na salita dahil hindi niya pa ako nasasaktan.
Hindi ko rin pala masasabi.
"We're here."
Namangha ako pag kalabas ko.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko.
"Solo kita, eh." Hinawakan ako nito sa kamay kaya nag pahila na lamang ako. Parehas lang kaming nakatayo habang nakatingin sa tabing dagat. Kulay asul ito.
"Hindi ko naisip na makakasama kita dito." Napatingin ako sa sinabi niya, nakangiti ito pero hindi ito nakatingin sa akin. Parang hindi siya ang Dylan na Playboy.
"Bakit?"
"All of them knows how much you hate me, Ada."
"What's the connection?"
"Magagalit ka lang sa'kin."
"Dylan?"
"Hmm?"
"I'm starting to un-hate you."
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...