Kabanata 42
Love and trust
'Si Dylan ang ama..'
'Si Dylan ang ama..'
'Si Dylan ang ama..'
Humawak ako sa lababo para kumuha ng suporta. Tumawa ako ng pagak saka tumingin kay Eloise.
"You were just joking right?" Tumawa ako ng tumawa na nauwi sa hagulgol. Wake me up.. please..
"Amanda.."
"Tell me!" Sigaw ko sa kaniya, nakita ko ang bahagyang pag layo nito.
"I'm telling the truth--"
"Get out." I said with hand gestures. Calm down, Ada..
"I'm sorry--"
"Your sorry won't change anything, Eloise!"
"Hindi ko sinasadya--"
"Pero ginusto mo? Oh, come on!" Hinampas ko ang lababo saka tumawa na naman. Mababaliw na yata ako kapag hindi pa umalis si Eloise.
"Amanda--"
"I said get out!" Pumikit ako ng mariin ng makarinig ako ng bukas sara ng pinto. Napabitaw ako sa lababo bago ako sumalampak sa sahig. Iyak lang ako ng iyak habang tinignan ko ang kamay ko.
I trust Dylan.. I trust you..
I'm just dreaming right?
Dylan won't hurt me..
Tulala lang akong nakatingin sa pagkain na hinanda ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pilit kong inaalis sa isip ko lahat ng naririnig ko pero paulit ulit akong sinasampal ng salitang si Dylan ang ama.
Hindi ako naniniwala kay Eloise. Wag niya na sanang gamitin ang anak niya kung gusto niya lamang kaming masira ni Dylan. Hindi 'yon makakabuti dahil hindi ko iiwan si Dylan. Mahal ko si Dylan..
Nagsimula akong kumain pero tila lutang pa din ako. Sinabunutan ko ang aking buhok nang magsimula na naman akong umiyak. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kaya tumayo na ako at baka maitapon ko lahat ng nakalagay sa lamesa.
Ni-lock ko ang pintuan. Ayaw ko siyang makita. Maya maya lamang ay nakarinig ako ng sunod sunod na katok sa aking pintuan pero tamad ko lamang tinignan 'yon.
Please don't lie to me..
Sinagot ko ang tawag ko nang iyon na ang tumunog.
[Why don't you open this fucking door?!]
"It's none of your business."
[What the hell is your problem?!]
"Why don't you fucking ask yourself first?"
[Damn!]
"I'm tired.." I ended the call.
Hindi ko alam kung kaya ko siyang paniwalaan ngayon. Siguro, bukas. Ayos na ang lahat, malalaman ko na hindi totoo ang sinasabi ni Eloise at walang tinatago sa akin si Dylan.
I love him so much.. I know to myself that I will break into pieces if I will hear him saying the truth to me..
Kinabukasan ay agad akong nag ayos. Nag make up ako, ayos na ang mga gamit ko dahil hindi ako titira dito. Kinuha ko na din ang frame na magkasama kami ni Dylan at inilagay 'yon sa bag ko. Inayos ko ang aking buhok.
Back to normal. Be brave.
Saktong pag labas ko ay sumalubong ang muka sa akin ni Dylan na galit na galit.
"Where do you think you are going, huh?"
"It's none of your business--"
"Ofcourse it is OUR business."
"Dylan, I'm tired.." Agad akong sumulyap na nakatungo.
"Let's Talk--"
"Shut up." I said with hand gestures. I took a deep breath. "Okay." Tanging sagot ko dahil nag tagis ang bagang nito at dumilim ang itsura nito.
Naandito ako ngayon sa condo niya. Nakatingin lang ako sa kaniya, tinitignan siyang mag pa balik balik ang lakad. Nahihilo na ako sa kaniya.
"Akala ko mag uusap tayo?" Tanong ko.
Bigla itong natigil. "Damn!" Umupo ito sa aking tabi. Akmang hahawakan nito ang kamay ko ng bigla akong lumayo. "Shit.." ginulo nito ang aking buhok.
"Totoo ba?" Panimula ko. Halatang nakikinig ito kaya nag patuloy na ako. "Buntis si Eloise at ikaw daw ang ama--" hindi pa man ako nakakapag salita ng nagmamadali itong lumakad papalabas.
I smiled weakly.
Bakit nga ba siya sa akin pupunta? Napatawa ako sa sarili kong iniisip. Pinunanasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata. He chose not to stay with me..
"I love you." Saad ko bago isinarado ang pintuan niya.
Tulala akong nagmamaneho hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng bahay namin. Pagak akong napatawa saka tinawag si manang Ely.
"Hija, ayos ka lang ba?!" Nagmamadaling tanong ni Manang ng makaramdam ako ng hilo.
"Ayos lang po." Tumawa ako.
Huminga ako ng malalim bago nag tuloy tuloy sa pag pasok sa bahay namin. Naabutan ko si papa na nag babasa ng dyaryo.
"Ada?" Naguguluhang tanong nito.
"It's me, dad.."
"Ada!" Biglang tumakbo papalapit sa akin si mama kaya agad ko itong niyakap bago ako napahagulgol. "Bakit ka umiiyak?" Nasasaktan ako, mama..
"Masaya lang po ako." Itinago ko ang sakit saka pinunasan ang luha sa aking mga mata bago tumingin kay papa. "Magtra-trabaho na ako bukas."
Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay. Yung malayo sa sakit at mas lalong malayo sa kanilang dalawa. I still love Dylan.. and I still trust him despite of everything.
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...