Kabanata 35
Nahimatay
"Haha, epic!" Pang aasar ko kay Dylan na hindi man lang ngumingiti o tumatawa.
"Dylan naman!" Pinalo ko siya sa braso dahil ayaw niya akong pansinin. Ano bang masama do'n? Epic naman talaga yung muka niya sa ride.
"Tss. Let's eat ice cream."
Nakaupo kami sa isang bench, kumakain ng ice cream. Nakakahilo, kung ano ano ang sinasakyan namin. Napatingin ako kay Dylan na malalim ang iniisip.
"Dylan?"
"Hmm."
"Dylan!" Nagulat ako ng biglang may yumakap sa kaniya. Wow, kahit ba naman nakaupo kami?
"What the--" bulalas ni Dylan saka inilayo ang isang babae. Araw araw ba talagang may epal tuwing mag kasama kami ni Dylan?
"I miss you--"
"Move." Utos ni Dylan. Itinirik ko na lamang ang aking mga mata ng utusan niya ang babae. Padabog akong tumayo doon.
"Ada, wait!"
Binilisan ko ang lakad ko ng hablutin nito ang braso ko at ihinarap ako sa kaniya.
"You are so rude." He said in annoyance. Bakit siya pa ang naiinis?!
I glared at him, "Amanda was born to be rude. How about you? Playing us!"
He shook his head. I rolled my eyes.
"I'm not playing you, Amanda."
"You are!" Giit ko
"I already said I'm not." Seryoso niyang saad.
"You can't fool me, you jerk!" Pinaghahampas ko siya pero hinuli niya lang ang kamay ko, tinignan niya ako. Galit na galit siya.
"Then why are you with me, huh!?" Galit na tanong nito.
Napatigil ako sandali. Tangina, ayoko na nito.
"Sino ba ako sayo?" Takot kong tanong, takot na nalaman na isa ako sa mga babae niya.
"A girl," unti unti akong nanlumo sa narinig kong sagot niya. Tama nga naman siya, isa lang akong babae. "The girl I love the most."
'The girl I love the most.'
'The girl I love the most.'
'The girl I love the most.'
Binawi ko ang braso sa kaniya at tinalikuran siya. Nag b-blush ba ako?! Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko ng marinig ko ang tawa nito sa likuran ko. Is he serious?!
"Baby, It's okay to blush." Pang aasar nito sa likuran ko kaya inirapan ko siya.
"Hindi ako nag blush!"
"Really?"
"Yes!"
Inis akong umuwi habang kasama ko si Dylan. Nag lunch na kami kanina. Pag dating namin sa condo niya ay ayos na ang aking pintuan kaya nag paalam na ako dito na uuwi na.
"Totoo ba ang lahat ng 'yon?" Sambit ko habang nakatingin sa kamay ko na para bang sasagot ito sa akin. Napa iling na lamang ako sa aking iniisip kaya nag pahinga muna ako hanggang gabi.
Matapos kong kumain ay tinignan ko ang sarili ko. Natatakot ako na baka isang araw ay hulog na hulog na ako ay bigla niya akong iwan. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang sakit.
Kinabukasan ay nagising ako ng mag ring ang aking cellphone. Kinakapa kapa ko pa ang cellphone ko dahil nakapikit pa ako.
[Ada, pupunta na kami!]
"Okay, istorbo!"
[Tanghali na, Ada!"
"What?!" Dali dali akong bumangon at tinignan ang orasan. 11:00 A.M na pala, shit. "Bye." Sambit ko at pinatay ang tawag. Dali dali akong naligo, suot suot ang white off shoulder at high waist short. Tss, ganito naman palagi ang suot ko.
Ginawa kong messy bun ang aking buhok at nag lagay ng hikaw. Sinuot ko na ang relo ko at hinablot ang cellphone ko. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko ng maabutan ko si Dylan sa labas na nakaupo sa sofa.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Pupunta raw tayo sa bahay niyo." Sabi nito at bahagyang sinilip ang relo niya. "Kumain ka muna, meron na d'yan sa lamesa."
"Okay?"
Matapos kong kumain ay nag tooth brush na naman ako. Pag tingin ko sa salas ay nakatayo na ito at mukang hinihintay ako. Pag labas namin ay nakita ko si Eloise na tulala lamang.
"Eloise!" Agaw ko ng atensyon niya pero hindi ako nito pinansin.
"Don't mind her." Hindi ko alam pero may iba sa mga mata niya dahil hinila na niya ako papalayo.
Tahimik akong nakasakay sa kotse niya. Kahit siya ay gano'n din. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay nagsalita agad ako.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.
"Yes." Inakbayan ako nito saka inaya ako papasok. Naabutan ko ang mga kaibigan ko na puro tawa.
"Andyan na kayo!" Sigaw ni Madi.
"Iw, iwas topic." Inirapan siya ni Syd.
"Spill the tea!"
Kagabi ko pa pinag isipan ang sasabihin ko ngayon.
Huminga ako ng malalim at inaya silang umupo pero si Dylan ay nanatiling nakatayo sa aking tabi. Ang mata ng mga kaibigan ko ay seryosong nakatingin sa amin habang nag sisikuhan ang mga ito.
Agad napatingin sa akin si Dylan ng hawakan ko ang kamay niya.
"Kasal na kayo?!" Singit ni Fay.
Inirapan ko siya at hinarap si Dylan.
"Sinasagot na kita." Ngumiti ako sa kaniya.
"What the fuck--"
"Yuhoo!"
"Hindi na siya single!"
"Woah!"
"Pakiulit nga." Kinakabahang tanong ni Dylan. Hindi ito mapakali, ano na naman 'to?
"Sinasagot na nga kita-- Dylan!" Nagmamadaling sigaw ko ng mahimatay ito bigla. Napasapo na lamang ako sa aking noo. Aish!
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...