Kabanata 14
Magbabago
Nakataas pa din ang kilay ko kahit nakasakay na ako sa sasakyan niya. Nasa unahan namin ang Van na si Syd ang nagmamaneho. Pa kanta kanta ang katabi ko na si Dylan.
"Ang pangit ng boses mo." Sambit ko kaya napatigil siya sa pag kanta.
"Ayaw mo lang umamin, eh."
"Na ano?"
"Na gwapo ako."
"Sus. Okay lang, libre naman mangarap, eh." Inirapan ko siya. Nang makarating kami sa school ay agad ko nang kinalas ang seat belt ko. Wala na din ang Van kaya panigurado ako na nauna na si Marize sa loob.
"Hintayin mo naman ako, Ada!" Habol nito sa akin kaya agad akong huminto.
"Bakit naman hihintayin pa kita?" Naka taas ang kilay ko sa tanong ko sa kaniya.
"Dahil mahal mo ako--"
"Ang kapal kapal talaga ng muka mo!"
Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa class room namin. Nakangisi si Marize sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Dumating na din si Sir kaya hindi na ako natanong ni Marize.
"Libre kita, Ada." Anyaya nito pag ka labas namin.
"Sige ba--"
"Kwento ka muna."
"Ano namang ikwekwento ko, Marize?" Napa face palm na lamang ako ng ngumuso ito.
Pag ka dating namin sa canteen ay napa ismid na lamang ako ng maabutan ko si Dylan na nasa gano'ng pwesto na naman. Inirapan ko siya ng kawayan ako nito. Kanina pa ako hugot ng hugot ng malalim na hininga habang nakapila.
"Parang ang laki laki ng problema mo, Ada." Siniko ako ni Marize.
"Wala naman akong problema."
"Bakit ganyan?"
"Wala lang."
Kanina ko pa kasi iniisip yung sa kontrata. Ewan, hindi ko pala kaya lol. Nag dadalawang isip ako kung paano ko sisimulan, eh, wala naman akong balak makipag laro kay Dylan.
Matapos naming umorder ay hindi na ako nagulat na umupo si Dylan sa aking tabi. Inirapan ko siya nang kalabitin ako nito. Nakaka isang subo pa lamang ako ng mag salita si Dylan. Tinignan ko si Marize pero kinikilig ito.
"Subuan mo naman ako."
"Aba, Dylan."
"Please!"
"Kumain ka mag isa mo." Inirapan ko siya. Nung makatapos akong kumain ay nag tatakang tumingin ako kay Dylan. "Ano na namang dina-drama mo?"
"Subuan mo nga daw, haha." Tumaw si Marize sa akin.
"Tss."
"Dali na, Ada!"
"Alam mo, para kang bata."
"Susubuan lang naman, eh." Ngumuso ito.
"Subuan mo na kasi!" Nagulat ako ng may sumigaw doon sa dulo na hindi ko kilala hanggang sa mag sunod sunod ito. What the hell.
"Aish! Isa lang, ha!" Inis na sumuko ako habang si Dylan ay ngiting aso.
"Thank you!" Sumigaw ito na parang ipinararating niya iyon sa mga sumigaw din kanina. "Ah." Pag ka subo ko ng pag kain sa kaniya ay tumayo na ako.
"Bahala ka na dyan."
"Ady for the win!"
"Gross!" Nag mamadali na akong lumabas ng canteen habang ang kasunod ko na si Marize ay tawa lang ng tawa sa akin.
"Shut up." Inis kong sabi pero imbis na tumigil ito mas lalo akong tawanan.
Ady? It's so ew!
"Class dismiss."
Kinuha ko na ang bag ko. Nauna si Marize lumabas sa akin dahil nag pa huli ako. Saktong paglabas ko ay sumulpot sa kung saan si Dylan kaya napa atras ako. Ano na namang ginagawa dito? I took a deep breath.
"Yo."
"Oh?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hays. Ang sungit mo talaga!"
"Maldita." I corrected him.
"Sa'kin lang?"
"Hindi." Inirapan ko siya. Ano siya special?
"Tara na, ihahatid na kita." Kinuha nito ang bag ko sa likod at siya ang nag sakbit noon. Kulay black naman ang bag ko kaya siguro hindi na maiissue. Hanggang sa makalabas kami ay pinag buksan pa ako ng sasakyan nito.
"Weird." Sabi ko pag ka sakay. Umikot pa ito para sumakay. Nakatingin lang ako sa kalsada nang mag salita ito.
"They said, you hate me."
"Yes." Pag amin ko, totoo naman.
"Then why are you with me?"
"I don't know." Nag kibit balikat ako. Hanggang sa makababa ako ay tahimik lang kami. Pag ka pasok ko sa loob ay nagulat na lamang ako nang mag pasabog ng confetti sa loob.
"What the fuck, kalat na naman." Angal ko.
"Ady for the win!" Nagulat ako nang mag sayaw ang siyam sa harapan ko habang may nakasulat sa tshirt nila na #Ady
"Nababaliw ba kayo?" Usal ko.
"Si dylan lang!" Singit ni Chantal. "Pero sayo."
"Tutututututu--" napatigil sila sa pagsasayaw ng sumigaw ako.
"Cut it!"
"Haha, ang ganda mo talaga magalit, Ada!" Hinampas ako sa balikat ni Zoe.
"Ady!"
"Ady!"
"Ady!"
Sabi nila na nakapila habang pumupunta sa kusina. Nag palit na din ako nang pambahay saka sumunod sa kanila. Matapos naming kumain ay nababanas talaga ako. Ang init sa loob kahit may aircon.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Fay nang makita na sinusuot ko ang hood ko.
"Sa labas lang." Tumango lamang ang mga ito.
Pagkalabas ko ay ramdam ko ang lamig kahit naka jacket na ako. Binuksan ko ang gate saka lumabas. Sinisipa sipa ko lamang ang mga bato nang maramdaman ko na dahan dahang pumapatak ang ulan.
"Dylan!" Sambit ko nang mapadaan ako sa bahay nila. Gume-gewang gewang ito habang naglalakad kaya inalalayan ko siya.
"Sino ka *hik* ba? Bitawan mo nga ako! Magagalit sa *hik* akin si Ada." Amoy ko ang alak mula sa bibig niya. Pero magagalit ako, bakit?
"Dylan, pumasok ka na nga!" Itinutulak ko siya pero bumuhos na ang ulan kaya pareho kaming nababasa ngayon. Fuck.
"Kilala mo si Ada?" Tanong nito.
"Malamang." Inirapan ko siya. "Dylan!" Nagulat ako ng alisin niya ang t-shirt niya. Shit, walo.
"Naiinitan ako!"
"Tita!" Sigaw ko sa loob dahil hinila ko na siya. Hindi pa ako nakakatlong katok nang mag bukas na ito.
"Nako, pasensya ka na hija. Si dylan kase, kanina pa niya binabanggit na mag babago siya. Hindi ko nga alam kung bakit."
Napatitig ako sa nakangiting si Dylan habang hawak hawak ang kamay ko. Anak ng pucha. Magbabago?
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Fiksi RemajaStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...