Kabanata 17

164 9 2
                                    

Kabanata 17

Boyfriend

"Pwede daw." Sambit ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw ay wala naman masyadong bagong ganap dahil puro asaran lang naman kami ni Dylan kahit ang mga kaibigan ko.

Naka bihis ang mga ito at ayos na ayos. Kahapon pa nila ako ginugulo kung pumayag na si Dylan dahil nga gusto nilang pumunta sa bahay nila Dylan. Simple ang suot ko, short na hindi lalampas ng tuhod at off shoulder. Dala dala ko ang cellphone at wallet ko.

Nakalugay lamang ang aking buhok. Nag polbo lamang ako ng kaunti bago kami lumabas.

"Ang init!" Reklamo ni Zoe.

"Tanga ka pala, eh. Sino ba ang may sabi sayo na mag pajama ka?" Tanong ni Chantal kaya sumama ang tingin nito.

"Epal ka!"

"Ikaw kaya!"

"Matagal pa ba?" Kumapit sa braso ko si Marize kaya inirapan ko siya.

"Saan kayo pupunta Syd?!" Tanong ko. Mga tanga, naandito na kami sa tapat ng bahay nina Dylan lumalayo pa.

"Edi maglalakad?" Walang kwentang sagot ni Syd.

"Naandito na tayo--" napatigil ako sa pagsasalita dahil ang mga kaibigan ko ay parang si Flash dahil iniwan na nila ako sa labas. Napa iling iling na lamang ako bago sumunod papasok.

Pagkapasok ko doon ay nagulat na lamang ako sa aking nadatnan. Kagulo sila na parang mga bata habang ang iba ay naka sabit sa mga magulang ni Dylan.

"What the fuck." Mahinang bulong ko nang may umakbay sa akin.

"Ang ganda mo--

"Anak ng teteng!" Sigaw ko nang may bumulong sa tenga ko.

"Andyan ka na pala, Ada!" Ngumiti ang mama niya sa akin kaya napangiwi ako. Sabay sabay akong binelatan ng mga kaibigan ko. Lumaki ang butas ng aking ilong saka sila inirapan.

Nasa salas ako ngayon kasama si Dylan habang ang mga kaibigan ko ay nasa kusina kasama ang magulang ni Dylan. Nakakahiya sila, parang mga bata.

I mean yes, bata pa kami pero hindi na sa edad. Gross.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Dylan saka binuksan ang T.V.

"Wala naman."

"Nagugutom ka na ba?"

"Kumain kami kanina bago umalis."

"Ada, doon daw muna kayo sa taas sabi ni Tita!" Wow, ang kapal. Tita, woah. Hit the woah. Lol. Napairap na lamang ako sa aking iniisip saka tumayo. Sumilip ako sa kusina nila at napangiwi sa mga ayos nila.

Ang gulo na ng kusina.

"Ada naman! Bakit ka nandito?!" Sigaw ni Marize sa akin.

"Ayaw ko nga!" Nag crossed arms ako nang bigla akong hinila ni Dylan papataas.

Pag ka pasok namin ay tamad akong tumingin ng humiga ito sa kama, ginawa nitong unan ang braso niya bago ito tumingin sa akin.

"Hihiga ka?'

"No, thanks." Umupo ako doon sa study table saka binuksan ang computer niya. "Dylan!" Agad kong pinatay iyon ng sumalubong sa akin ang isang website na punong puno ng.. argh!

"Haha, bakit kasi binuksan mo?" Tumatawa itong bumangon saka ako hinila at pinaupo sa kama. Binuksan nito ang computer niya at kung may anong ginagawa doon.

"Nakakainis ka."

"Bakit naman?" Sumulyap ito sa akin bago siya umupo sa may harap ng computer.

"Basta nakakainis ka." Inirapan ko siya.

"Sus. Gusto mo kiss?"

"Yuck!"

"Kisses, ayaw mo?"

"Pahingi ako." Itinirik ko ang mga mata ko nang ibigay nito sa akin ang kisses. Bubuksan ko pa lang sana ito nang may kumatok na sa pintuan.

"Ada at Dylan, labas na!"

Nakangiwi akong nakaharap ngayon sa hapag kainan. Paano kase ay mga ngiting may ginawang masama ang mga kaibigan ko isama mo na ang mga magulang ni Dylan.

"Anong meron?" Si Dylan na ang nag tanong.

"Ikaw Ada at Dylan, may hindi kayo sinasabi sa akin ha!"

"Eh?" Ako na nagtataka.

Lumapit ang mama ni Dylan sa akin saka nito kinurot ang dalawang pisngi ako bago ako napatulala sa sinabi nito.

"Hindi mo sinasabi na boyfriend mo pala si Dylan!"

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon