Kabanata 3
Play
Kinabukasan, tamad akong bumangon nang marinig ko ang kalabog ng sandok sa baba. Agad ko nang ginawa ang morning routine ko bago naligo at nag bihis.
Kinuha ko ang aking bag saka hinablot ang cellphone ko. Hindi ko napigilang hindi mapangisi nang sabay sabay kaming siyam na lumabas ng kwarto. Si Marize ang alarm clock namin. 6:00 A.M pa lamang kaya may isang oras pa kami para kumain.
"Breakfast is ready, turtles!" Sigaw ni Marize nang makita niya kami.
"Don't call me names!" Pahabol ni Chantal.
Matapos naming kumain ay agad na din kaming nag alisan. Nag hiwa-hiwalay na kaming sampu habang kasama ko si Marize ay pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Sir.
'Okay. 1 hour detention tomorrow.'
"Ayoko pala pumasok." Sambit ko.
"Halika na!" Hinila ako na ako ni Marize nang makasalubong ko si Dylan na taga section 5.
"See you sa detention, Francine.."
"Epal." Nilampasan ko siya bago kami pumasok.
Matapos ang aming klase ay nagkagulo sa labas kaya dahil gusto kong malaman ay hinila ako ni Marize papalabas. Hawak hawak ni Dylan si Chelsea na parang pinapakalma ito habang may pasa na sa muka si Marco.
Agad na din kaming pinapasok ng dumating si Sir Enrique. Pinigilan kong hindi umirap nang matapos ang klase namin. Ngiting aso si Marize nang humarap sa akin si Sir Enrique.
"I hour detention, Now."
Sinakbit ko ang aking bag, uwian na din naman. Itinirik ko ang aking mga mata nang mag simula akong asarin ng mga kaklase ko.
"Boom!"
"Detention!"
"De-ten-tion! De-ten-tion!"
"Quiet class!" Sigaw ni Sir Enrique saktong pag ka sara ko ng pintuan. Pumunta ako sa detention room at umub-ob. Boring dito. Maya maya lamang ay may pumasok dito.
"Alam ko bang gusto kang habulin ni Marco kanina?" Ah, yung malandi.
"So?" I heard Chelsea's voice. Tama nga sila, detention.
"Pinatulog ko para kasama kita sa detention."
Nag ear phone na ako at hindi sila pinakinggan. Lol, corny. Agad ko ding inalis 'yon dahil hindi ko gusto ang kanta.
"You're not really good at flirting, Montemayor. " hands up, Silvestre. Nice one!
Agad na din silang pinalabas doon. Tumaas ang aking kilay ng naiwan doon si Chelsea at Damon. Hinintay ko muna umalis ang mga ito bago ako lumabas. Napa-atras ako sa gulat nang sumulpot sa kung saan ang isang malanding kilala ko.
"Hi." Bati nito pero inirapan ko lamang siya.
"Sungit naman, Francine." Habol nito sa akin matapos niya akong sipulan. Para siya lang yung nasa kanto na mukang adik. Disgusting, ew.
"Close ba tayo?"
"Hindi."
"Edi wag mo ako tawaging Francine."
"How about Ada?"
"Close ba tayo?"
"Eh misis ko na lang?"
"Ugh! Don't talk to me!" Asar kong sambit saka siya iniwan do'n. Kasama ko ngayon si Marize na kanina pa talak ng talak sa akin habang papalabas kami ng school.
May van sa labas na alam naming family service. Si Syd na naman ang mag mamaneho noon kaya agad na kaming pumasok.
"Yo!" Bati ni Chantal.
"Chika na." Sambit ni Ivy.
"Nakita namin si Dylan kanina." Zoe. Eh, ano naman ngayon? "With another girl." Tumaas baba ang kilay nito kaya tinaasan ko siya ng kilay. So what? I don't give a damn.
"Hindi ka man lang ba nagseselos?" Tanong ni Fay kaya nag salubong na ang kilay ko.
"Sabi niya misis ka na raw niya." Inosenteng saad ni Madi.
"Tigilan niyo nga ako." Inirapan ko sila habang si Marize naman ay ngumisi lang.
"Why don't you play with the playboy?" Suggestion ni Marize na hindi ko nagustuhan.
"What the fuck?" I arched a brow.
"Agree kami dyan!" Sabay sabay nilang sabi habang nakataas ang kamay maliban kay Syd na hindi na itinaas ang kamay dahil nagmamaneho.
"No." Panimula ko.
Bakit ako makikipaglaro sa gago na yun? Never. No way. Damn it! Hinding hindi ako makikipag laro sa kaniya. Playboy na siya dadagdag pa ba ako sa community nilang mga manloloko? Ew.
"Why not?" Tanong ni Tina.
"Dahil ayoko."
"Just give a try!"
Hindi ko sila pinansin lahat hanggang sa makauwi. What the hell. Hindi ako papayag.
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Fiksi RemajaStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...