Kabanata 37

143 11 2
                                    

Kabanata 37

Pain in her eyes

"I love you." Ani Dylan pag kalabas namin sa bahay nina Mama at Papa. Naka akbay ito sa akin, hindi ako sumagot. Iniisip ko pa din kung sino ang babae na nakita nila sa bahay nila Dylan pag alis namin.

Bakit naman kami mag di-dinner kasama sila Eloise? Tss. Iba talaga ang pakiramdam ko, hindi ko masabi dahil wala akong idea.

Pag sakay namin sa kotse ay nakatingin lang ako sa labas kahit wala naman akong makita dahil madilim. Nakasandal lang ang aking ulo habang ang dalawa kong kamay ay ipinag saklop ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Why so quiet, baby?" Tanong nito. Umiling lamang ako kahit hindi niya ako nakikita dahil ang tingin nito ay nasa kalsada lamang.

"Nothing."

Nang makarating kami sa condo ay nakita ko sa mata ni Eloise ang pangungulila at saya. Ang panlalamig ng kamay ni Dylan ang ipinagtaka ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ko habang papalapit na kami kay Eloise.

"Y-yes."

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya saka siya niyakap.

"May tiwala ako sayo." Bulong ko saka kumalas. "At sana wag mong sisirain ang tiwalang 'yon." Saad ko pag kasarado ng pinto.

Napadausdos na lamang ako saka hinayaan na tumulo ang mga luha doon. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko, kitang kita ko sa mata ni Eloise.. at ang reaksyon ni Dylan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Namamaga ang mga mata ko na tumingin ako sa salamin. Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog iyon.

From: Playboy

Goodmorning, Baby. I love you.

From: Playboy

Don't forget to eat breakfast, Huh?

Agad akong napangiti doon saka ako nag reply.

; yes boss.

Ginawa ko na ang morning routine ko at kumain ng almusal. Suot suot ang white shirt at black short ay itinali ko ang aking buhok saka lumabas sa condo. Naabutan ko din si Eloise na kalalabas lamang.

"Hi!" Bati nito.

"Hello, Eloise."

"Gusto mo sumama sa akin sa baba?" Tanong nito.

Siguro this is the way para hindi na sumama ang loob ko sa kaniya.

"Sure."

Hindi na ako pumunta sa condo ni Dylan dahil baka may ginagawa pa ang isang 'yon. Kasabay ko si Eloise na naglalakad ng sandali akong mapatingin dito.

"May kalat lipstick mo." Puna ko dito.

"H-ha?" Kita ko ang taranta sa muka nito.

"May lipstick ka pa." Ulit ko dito.

Hindi na rin siya umimik pag ka tapos noon. Naandito kami sa isang ice cream parlor. Tahimik kaming kumakain ng basagin nito ang katahimikan.

"So.. kayo na ni Dylan?" She smiled.

"Yup." Tumango tango ako.

"Stay strong."

"Thanks. Wala bang nanliligaw sa'yo?"

"Hmm. Wala, eh."

"Sayang ka." Walang emosyong sabi ko. Inayos ko ang upo ko nang matapos akong kumain.

"Ha?" Tanong nito.

"Ang sabi ko.. sayang ka." Ngumiti ako. Totoo naman, sayang siya. Sana mag boyfriend na rin siya. Hindi niya siguro alam na may family dinner mamaya. Kung family dinner nga 'yon ay bakit hindi ko kilala si Eloise?

"Haha. Hindi naman!" Humampas ito sa hangin, kita ko ang pag ka ilang nito. "Actually.. may nagugustuhan ako.." panimula nito.

'Ada. You should know how to slap a girl.'

Huminga ako ng malalim. "Sino naman?" Itinaas ko ang aking kilay sa kaniya, hinihintay ang sagot.

"Hindi ko kase alam ang pangalan niya."

"Really?" Tanong ko, hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"Yup." Tumango ito.

Matapos naming kumain sa ice cream parlor, ramdam ko ang tingin ng ibang tao sa amin.

"Malandi kasi."

"Kasama pa ang girlfriend."

"Iba talaga mga tao ngayon."

Nag salubong ang kilay ko doon kaya agad akong lumapit sa mga babae na nag uusap usap.

"Sinong pinag uusapan niyo?" I arched a brow.

"W-wala po." Napangiwi ako ng biglang nag si alisan ang tatlong babae. Magtatanong lang naman ako kung sino ba ang pinag uusapan nila.

"Hayaan mo na sila, Ada." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Eloise.

Anong sinasabi nilang malandi?

Pag dating namin sa 5th floor ay mag ka sabay na naglalakad kami. Magkakasunod din naman pala kami, eh.

"Haha, baliw!" Pinalo ako nito sa braso kaya napa labi na lamang ako.

"Totoo naman, eh. Ako yung nagkakalat, wag ka maingay."

"Haha, okay okay! Pero true yon?" Sinabi ko sa kaniya na ako dati ang nagkakalat ng news ni Dylan pero may tiwala ako sa kaniya.

Hindi niya sasabihin kay Dylan 'yon.

Natatandaan ko dati, Dylan got a private investigator but they failed because I'm smart.

"bye na." Paalam nito.

"Bye." Paalam ko pabalik saka kumatok sa pintuan ni Dylan.

"Baby." Bungad nito. Niyakap ako nito at nung sandaling mapatingin ako kay Eloise na hindi pa pala pumapasok sa condo niya ay kita ko ang sakit sa mga mata nito.

Hindi ako nagkamali, umiwas ito ng tingin at pumasok sa condo. Ano ba talagang meron?

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon