Kabanata 28
Hold my hand
Dylan's Point of View.
(AN: wawang Dylan, dalawa lang magiging pov mo hahaha.)
Tinignan ko ang orasan, huminga ako ng malalim saka tumayo. Hindi pa din umuuwi si Ada, gabing gabi na. Hindi ako mapakali, pa balik balik ako sa paglalakad nang bigla kong marinig na para bang may nagbubukas ng pintuan ko.
Pinakinggan ko 'yon, pilit 'yong binubuksan. Maya maya ay kinakalamag na ito kaya agad kong binuksan iyon. Si Ada! Bumagsak ito sa akin kaya hinapit ko ang bewang nito para hindi siya matumba sa sahig.
Napapikit na lamang ako ng mariin nang sumigaw ito.
"Anong ginagawa mo sa condo ko?!" Sigaw nito.
"Ada, this is my condo." Lasing na lasing ito.
"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas nito sa buhat ko kaya dinala ko ito sa kwarto. Mag lalasing lasing hindi naman pala kaya. Umiling ako nang ilapag ko ito sa kama.
Kailan pa siya nagsuot ng mga ganito? Pilit ko 'yong binababa, yung damit niya dahil nakikita ko ang hita niya. Tinignan ko ang muka nito ng may pumatak na luha doon. Agad ko iyong pinunasan at napatingin sa mga mata nito. Ako na naman ba ang dahilan?
"Alam mo Dylan?" Ngumiti ito sa akin pero nakapikit siya. "M-malandi ka.."
tatawagin ko na sana si Eloise para palitan niya ito nang muling magsalita ito at hinila ako.
"Sinasaktan mo ako.." sabay ng pag suka niya sa damit ko dahil nakayakap ito sa akin.
"Fuck!"
Ada's Point of View.
"What the fuck?!" Paulit ulit kong sigaw nang tignan ko ang sarili ko. Naka pajama at over size shirt na halatang panlalaki. Iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Hindi ko ito kwarto dahil amoy panlalaki.
Napatigil ako sa pag galaw nang kumirot ang ulo kasabay nang pagbukas ng pintuan. Laglag panga akong napatingin sa lalaking walang saplot pang itaas.
"Breakfast is ready." Ayan lang ang sinabi niya. Agad akong tumayo saka lumabas ng kwarto niya. Paano ako napadpad dito, nasa bar ako kagabi, ah?
"Anong ginagawa ko dito?" I asked.
"Kinalampag mo ang pintuan ko." Hindi tumitinging sabi niya sa akin bago inilagay ang mga pagkain sa lamesa niya.
"May iba pa ba akong ginawa kagabi?" Baka mamaya ay hinalikan ko na naman ang lalaki na ito, yuck! Sasabihing chansing ako, ano siya hilo?!
"Wala na."
Matapos naming kumain ay hinablot ko na ang damit ko na nakatupi sa kama. Tangina, sino namang nagpalit sa akin?
"Sino nag palit sa akin?!" Sigaw ko kay Dylan na busy na nanonood.
"It's not--"
"Nakita mo ba?!"
"It's not me, Ada. Si Eloise ang nag palit sa'yo." Pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan dahil nagmamadali na akong lumabas.
Padabog akong umupo sa sofa habang hinihilot ang sentido ko. Ano na namang katangahan ang pinag gagawa mo, Ada? Tinignan ko ang orasan. Alas otso na.
"Istorbo." Bulong ko.
Maya maya ay ginawa ko na ang morning routine ko bago nag palit ng pambahay na suot. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad ang tatlong rosas sa harap ng pintuan. Wala na itong kahon pero may sticky notes na. Akmang pupulutin ko 'yon ng may dalawang pares ng sapatos ang nakita ko.
Kinuha ko na ang tatlong rosas bago umayos ng tayo. Napa atras pa ako sa gulat ng makita ko kung sino ito.
"I will court you."
"I-ikaw?!" Gulat kong tanong. What the, no!!!
"Yes." Nakangiti niyang sabi. "Nag pa alam na ako sa mga kaibigan mo, at magulang mo." Hindi pa din ako makapaniwala nung biglang lumabas sa likod niya ang mga kaibigan ko.
"Dalaga ka na, Ada!"
"Comeback comeback!" Napangiwi ako ng biglang batukan ni Chantal si Tina.
"Hindi naman naging sila!"
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang maiwan kami ni Dylan dito sa sala ng condo ko. Kung totoo nga na liligawan niya ako ay hindi ako naniniwala.
"Kung nag jo-joke time ka lamang ay--"
"I Am fucking serious, Ada. Let's have a date." Tumayo na ito.
"What?"
"You heard me right, Ada. Change your clothes."
Nakatulala ako nung iwan ako nito. Tama ba ang narinig ko, date?
"Ada!" Bigla akong napatayo nang may sumigaw sa labas.
Hindii ko alam kung ano ang aking isusuot habang nakatingin sa damit na nakalagay sa kama. Dress ba or shorts? Dang! Napa upo ako sa kama habang nakasapo sa aking noo.
At bakit naman ako sasama sa date?!
Napairap ako saka isinuot ang off shoulder na white at high waist ko na kulay gray. Isinuot ko ang aking watch saka nag suklay. Kakaligo ko lamang. Inilugay ko na lamang ang aking buhok na hanggang bewang saka kinuha na ang sling bag ko.
"Beautiful." Sambit ni Dylan pag ka labas ko na naka white polo shirt at black pants. Bagong ligo din ito, at oo na. Gwapo na nga si Dylan Montemayor.
"Let's go." Kinuha nito ang kamay ko na agad ko na sanang aalisin ng higpitan nito ang hawak doon. "I love the way I hold your hand, Ada. I wanted them to see that you're mine, Ada. Just mine."
BINABASA MO ANG
Playing with the playboy (Girl series #1)
Teen FictionStatus: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda always smirk when the fake news she made always spread in and out of the school. All the fake news she m...