Kabanata 55

182 7 6
                                    

Kabanata 55

Kunan

Hindi mo talaga alam kung kailan ka susuko. Ang sa akin bigla na lamang dumating hanggang sa nakalimutan ko na kung ano ba talaga ang ipinaglalaban ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Alam ko na sarili ko na sinasaktan ko lang ang sarili ko tuwing malapit, kasama at nakikita ko silang magkasama. Sobrang sakit na wala akong magawa. Bumabalik ako sa simula at hinahanap kung saan ba ako nagkamali o nagkulang.

Dahil kung mayroon man akong makita, alam ko na 'yon na ang sagot kung bakit kailangan niyang maghanap ng iba.. at si Eloise pa.

Saan nga ba? Dahil hindi ko binabalik ang I love you niya? Sana sinabi niya sa akin. Nakangiti ako tuwing naririnig ko ang salitang 'yon sa kaniya dahil alam ko na mahal niya talaga ako. Tatlong buwan na ang lumipas ng marinig ko ang salitang 'yon sa kaniya pero masakit.

Alam ko na may mali sa mga kilos ni Dylan pero hindi ko 'yon maipaliwanag.

Malapit na manganak si Eloise habang ako naman ay heto hinihintay na lang din paglabas ng bata na dinadala ko. Kauuwi lang namin kahapon ng mga kaibigan ko dahil ayaw ko na magbuntis sa ibang bansa.

 Humikab ako at akmang hihiga ng makarinig ako ng sunod sunod na katok.

"Ada.. kailangan nating pumunta sa hospital!"

Nakatulala akong nakaupo habang nandito sa waiting room. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Ang alam ko ay sa isang buwan pa pero nagkamali siguro ako ng biglang.

Napangiti ako ng mapait ng dali dali pumasok si Dylan kung nasaan si Eloise. Natatakot ako na kapag lumabas ang bata ay bumalik lahat ang galit ko sa ina niya.

Hindi ko din alam kung bakit kailangan pa nila akong isama dito. Mas gusto talaga nila akong nakikitang sinasaktan. Ngumiti ako ng lumabas ng doktora. Pare-pareho kaming tumayo pero parang binuhusan ako ng tubig sa sinabi niya.

"Time of death. 7:32 P.M."

Nanigas ako sa aking kinakatayuan at parang hindi pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ng doktor pero ang tanginang narinig ko lang ang unang sinabi ng doktor. Sari saring emosyon ang umikot sa aking puso kaya napahawak ako sa braso ng aking kaibigan.

Nakarinig ako ng singhapan ng lumabas doon si Dylan na walang emosyon ang pagmumuka. His jaw dropped when he saw me standing here, waiting for him.

"Ada.." napatingin ito sa tyan ko. Akmang tatawagin ko ang mga kaibigan ko ng mag si alisan ang dalawa. "B-buntis ka?"

Bahagya akong lumayo dito ng akmang hahawakan niya ang tyan ko.

"Stop right there. Don't come near me.." nahihirapang sabi ko dahil alam ko anytime ay basta basta na lang tutulo ang mga luha ko.

"S-sino ang ama.."

I'm sorry. "I don't know.."

"I can be the father!" Alam ko desperado na siya.

"You have your son so why bother?" Nakangiti kong sabi.

Napaiyak ako ng marinig ko ang iyak ng sanggol na ililipat pa lang. Parang nawalan ako ng lakas ng bigla akong yakapin ni Dylan.

"I told you not to come--"

"Hush, baby. Forgive me.." napapilit ako ng mariin ng lumakas ang iyak ng sanggol.

"Parang ayaw ko na lang imulat ang mga mata ko tuwing naririnig ko ang iyak ng sanggol na kahit kailan ay hinding hindi ko magiging kadugo."

"Ada.."

"Just let me go please. I want to sleep." Nahihilo na ako.

"Ada.."

Kumalas ako sa yakap niya. Kahit nagdodoble na ang paningin ko ay dumiretso ako sa Nurse na kanina pa nakatingin sa amin.

"Ahm.. kayo po ba ang magpapangalan?" Nakasunod na pala sa akin si Dylan.

"Yes." Tugon ng katabi ko.

"Name?"

"Azazel Zadkiel Navarre." Angel of death and righteousness of god is the meaning.

Umalis ako doon at hinayaan na si Dylan ang makipag usap sa nurse na irerehistro ang pangalan ng bata. Nung nahawakan ko ang kamay ni Syd ay napatigil ako ng sandaling napatingin ako sa sahig.

"A-ada.."

"Dugo.." pilit kong tinuturo iyon ng biglang nandilim ang paningin ko.

Palakad lakad lang ako sa dilim ng may marinig akong iyak ng sanggol. Agad akong tumakbo papunta doon. Paano ako makakatakbo? Nung nahawakan ko ang bata ay nawala itong parang bula.

"Mommy.. wake up.."

"Baby?" Pilit kong hinanap ang boses ng bigla akong mahulog.

"She's now awake!"

Yung bata..

"What happened?" Kinusot ko ang mga mata ko. Ang mga kaibigan ko ay galing sa iyak. Thank God na walang nangyari sa akin at sa baby ko dahil nandilim ang paningin ko.

Hinimas ko ang tyan ko ng bigla akong napatigil. Nanlamig ang kamay ko na napatingin ako doon. Flat.

"Where's my baby?" I whispered.

"Ada.."

"Where's my baby?! Can I see?" Huminahon ang boses ko.

"Nakunan ka.."

Playing with the playboy (Girl series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon