Magulo ang paligid,malakas na kanta,ang
pagpapalit ng ilaw sa puti na napupunta sa pula,maraming sumasayaw at marami ang lasing.Nasa bar kami ngayon di malayo sa UST. Sumasayaw ang mga kaibigan ko at nakakainis lang na may kasa-kasama na silang kaharutan. Samantala ako,di makalandi sa gwapakels dahil sa pesteng lalake na iyon.
Kelangan nya ba talaga makipagbreak saakin? Dahil lang sa isang maliit pagtatalo? Magda-dalawang taon na kami. Tapos dahil lang sa maliit na problema. Iiwan nya ako?Tinanong ko lang naman kung bakit late sya,tapos nasasakal na sya? Aba't,isang linggo din kaming di nagkita! Sa text lang o call kami nagkakaroon ng communication. Tapos ng niyaya ko syang lumabas at nalate sya,tinanong ko... sakal agad?! Eh kung sakalin ko sya!
"Uy,beks! Tara na sayaw na kasi,"hinila ako ni Kierra,isa sa mga kaibigan ko. Agad kong pinunasan ang namumuong luha sa mata ko at umiling.
Hinila ko ang kamay ko sa kanya. "Ayaw ko nga!"
"Aish! Bwiset ka naman! Hoy bakla! Bat ka pa sumama-sama saakin kung mag-aalboroto kalang pala sa shuta mong ex!"sigaw nito,gumegawang-gewang pa sa harap ko.
Napasimangot naman ako at tumagay ng alak.
"Pake mo ba?!magsayaw ka nalang!"inis na sabi ko at tumagay muli. Nakaisang baso na ako at sa totoo lang ay di pa ako nalalasing. Kung kailan mo gustong malasing,dun mo natatanto na mataas pala ang alcohol tolerance mo.
"Bahala ka nga dyan! Maghanap kanalang kasi ng ibang lalake dyan,andami dyan oh--"napatigil ito at saka humagikgik ng may lalakeng yumakap sa kanya patalikod.
Umirap ako,landiaan. Sa mismong harap ko?!
"Babe..."he murmered.
Naalala ko naman sya. Lagi nya akong tinatawag na babe kapag nagtatampuhan kami.
"Shh,oo na...tara,"maharot na sabi ni Kiera,tinapik pa ako sa balikat para tignan ko ng masama. Nagpaalam na ito saakin.
Tinignan ko ang buong kapaligiran at dun ko lang natanto na ang lungkot ko! Ako lang mag-isa dito. Gusto ko din makipagsayawan kaso sya lang din maiisip ko.
Ah,oo nga pala. Dito kami unang nagkita.
Napasapo nalang ako ng noo at humagulgol. Namimiss ko na sya.
Siguro sa kalungkutan at sobrang pagkamiss sa kanya ay kinuha ko ang phone ko,dinial ko ang number nya dahil dinelete ko lang kanina.
Pipindutin ko na sana ang call button ng biglang may tumapik sa balikat ko nanaman!
"Hutang-inabels naman!"sigaw ko at nanlilisik ang matang tumingin sa likod at nakita ang isang babae na walang emosyon na nakatingin saakin,bahagya pa itong nakayuko at para magkalebel kami ng tingin.
Tinarayan ko sya ng tingin at tinignan ulo hanggang paa,medyo napangiwi pa ako sa suot nya. Sobrang hindi akda sa bar, black jacket na nakasuot ng puting t-shirt,tapos nakabaggy pants. Eww,no style at all.
"What?!"inis kong dagdag dahil nakatingin lang ito saakin. Sinundan ko sya ng tingin na umupo sa tabi ko. May lumapit naman na bartender sa kanya at nagorder lang sya ng ice tea.
Dumating naman na ang ice tea at uminom sya duon,inilapag nya sa counter at sinandal ang muka sa kanyang palad.
Tumaas ang kilay ko.
"Ano bang trip mo miss?"maarteng sabi ko.
"Let's sex."
Wala sa oras akong napaubo,napahawak pa ako sa dibdib ko at paulit-ulit na pinalo iyon dahil di ako makahinga! Pakiramdam ko tuloy lahat ng ininom kong alak eh lalabas na sa mga butas ko sa katawan!
BINABASA MO ANG
When I Fall In Love With A Girl(Fernandez Series #1)
General FictionSi Antonio(aka Toni) ay sumama sa kanyang mga kaibigan para medyo makalimot sa kanilang break up ng kaniyang boyfriend. Pero sa di inaasahan na pagkakataon ay may isang babaeng nagyaya na makipagtalik sa kanya. At di nya alam na sa babaeng iyon ay...