Chaptet 1: Work

3K 40 8
                                        

'Life could be hard but its your choice, make it wrong or make it right.' DarkVergent

Gertrude's POV

"Mommy, are you gonna go na? You are going to leave me here?" Malungkot na usal ng anak kong namimiss ako agad kahit 'di pa naman ako umaalis.

"Mommy, needs to go na baby. Mama August will take care of you for now, is that okay for you baby?" Umupo ako sa sofa habang hawak-hawak ko ang mga mapuputi at maliliit niyang kamay. I plan on going back to work since two years had passed, ayoko naman kasing maging pabigat kay August, Bams for short, 'yon kase ang nakasanayan naming tawagan eh. Kahit anong trabaho, basta mapakain ko lang pamilya ko at mapaghandaan ang future, puwede.

"Yes, mommy. I understand you since you said that it's for you and me. But promise me you'll take care of yourself and you'll buy me food when you get home?" Inosente ngunit concern niyang sambit sa akin na ikinangiti ko.

'Di ko alam pero may mga ugali siyang kakaiba, nakuha ata niya sa Daddy niya. Pati ang pagiging Englishero niya, kakaiba rin, kung sabagay 'yon kase ang tinuro ko. Nakakintindi siya ng tagalog, pero 'di siya nagsasalita.

"Yes, I promise to take care of myself for you baby. Kiss mommy, kiss mommy." Nilaro ko yung buhok niya sabay lapit ng aking pisngi para mahalikan niya na ginawa niya naman. Napaka bait at masunurin niya talaga, kahit bata pa pa siya, malalim na ang kaniyang pag-intindi sa mga bagay-bagay sa mundo at masaya ako dahil don.

"Bams, sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Kase baka mahirapan si AK na wala ka," sambit ni August na papalabas sa kaniyang kuwarto. She's really stunning kahit nasa bahay lang, magaling kase siyang mag-ayos kaya wala ng duda.

"Oo, Bams. Alam mo naman, nakakahiya na sa'yo. Ikaw nalang nagtra-trabaho para sa atin dito," sagot ko. Sa nakalipas na tatlong taon na hindi ako nakapagtrabaho dahil sa pag-aalaga ko sa anak ko, siya ang umalalay sa akin bukod sa pamilya ko. Sa totoo lang, I didn't how to pay her sacrifices and unending kindness.

"Haynako ka, Bams. Masaya naman ako, atsaka isa pa, mahal na mahal ko rin si AK so no doubt, pero kung gusto mo talaga, hindi kita mapipigilan basta mag-ingat ka lagi. Alam mo naman ang *****, hindi basta basta," advice niya sa akin. Mahal na mahal ni Bams si AK kaya nga mama na rin ang tawag ni AK dahil tinuturing niya naring tita, ninang at mama si Bams  eh.

Totoo, delikado ang makipagsaplaran sa *****, para itong isang dagat na punong-puno ng malalaking isda na kayang-kayang maliitin ang mga maliliit na isda 'gaya ko. Ngunit hindi ito lingid sa kaalaman ko, I knew I needed to do this no matter what. Life could be hard, but it's your choice how to live it.

"Alam ko naman 'yon, Bams. Sige, ikaw muna ang bahala kay AK sa araw na ito, darating si Hezekiah bukas para siya na ang mag-alaga sa kaniya." Kinuha ko yung bag ko sa gilid ng sofa pati na rin ang aking application files.

"Oo, naman Bams. Mag-ingat ka. Piliin mo yung trabaho na papasukan mo ha, yung matino," ngiti niya sabay suklay sa buhok niyang napakahaba. Minsan, para ko ng nanay itong kaibigan ko dahil napaka-alaga at strikto.

"Baby, I'll get going. Mama will be with you for now," nilapitan ko yung anak ko na nasa table at nagsusulat ng mga bagay na laman ng kaniyang isip. Noong isang linggo, natutunan niyang humawak ballpen at magsulat kahit hindi ito kagandahan.

"Bye, Mommy." Ngiti niya sa akin.

"Bams, alis na ako," huling sambit ko at lumabas na ng bahay namin. Naglakad ako papunta sa main road at doon sunakay ng jeep papunta sa *****, kung saan nandon ang mg kumpaniya na hiring. Sana lang makuha ako kahit anong trabaho basta disente.

"Manong para po," sambit ko dahil malapit na 'yong babaaan ko but he didn't stop, instead, nagtuloy-tuloy lang si manong driver. "Manong para po," sigaw ng mediyo malakas sabay tuktok sa taas ng jeep pero hindi parin siya tumigil at nalampasan na niya ang babaan ko. "Manong driver para po!" Tinuktok ko yung taas ng jeep ng napakalakas saka ako sumigaw kaya't bigla siyang nagpreno.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon