Chapter 8:

1.3K 22 0
                                    

Gertrude's POV

Pinark ko yung sasakyan sa mismong harap ng building na designated para sa sasakyan ng boss. Pagka tigil ko ng sasakyan, lumapit yung secrurity guard para pagbuksan ng pinto si boss. Sinuot niya ang kaniyang sunglasses at lumabas kaaagad kaya 'di na ako nagsayang ng oras at lumabas para sundan siya habang hawak-hawak ang bag ko.

Derederetso ang pasok niya sa loob at bawat hakbang ng mga mahahaba niyang binti ay katumbas ng dalawa kong yapak, kaya't napipilitan akong bilisan ang paglalakad para makasunod sakaniya. Habang papasok kami, iniscortan kami ng mga men in black, na kanina pa nagihintay sakaniya. Bawat empleyadong nasa loob ay nagsitigil sa kanilang ginagawa para yumuko sa boss nila.

Pumasok kaming apat sa loob ng left  elevator na nakabukas na bago pa man kami dumating. Si boss nakatayo harapan habang nakapamulsa ang mga kamay at ako, kasama ang dalawang men in black ay naka tayo likod ni boss ng magkakatapat. Dahil sa katangkaran nilang tatlo at nasa gitna pa ako, nagmumukha akong batang prinsesa na pinoprotekrahan ng kaniyang mga kuya. Kung hindi pa ako na heels 'di ko na alam.

Puno ng katahimikan ang elevator habang naglalakbay pataas, tanging paghinga lang ng bawat isa ang maririning. Nang makarating kami sa ninety-nineth floor, lumabas agad si boss papunta sa loob ng opisina niya, yung dalawang lalaki naman nama'y nanalagi sa labas lang ng elevator bilang guard, at ako nama'y pumunta na sa table ko para kunin ang schedule ni boss para sa araw na ito.

Pinulot ko yung blue folder at pumasok sa loob ng opisina kung saan nadatnan ko si boss na nakaupo sa swivel chair niya habang tinatanaw ang view ng siyudad. Napakatahimik ata ng umaga niya, kanina lamang ay ngumungisi-ngisi pa siya sa akin.

"What do you need?" Bigkas niya.

"Nandito po ak~,"

Pinutol niya 'yong sasabihin ko. "English please. Always remember, speak english when you're doing at work," walang pakundangang wika niya.

Napayuko nalang ako konti at napangiti ng alanganin habang pilit na huminga ng malalim. Nagsisimula nanaman kasi akong kabahan ng sobra, basta marinig ko ang dominanteng boses niya. "Your schedule for today sir. Eight o'clock, meeting with Mr. Richards for the collaboration of the upcoming new cars project. At ten o'clock, you'll have a talk with Ms. Nirvana for the cars interior deisgn, and for twelve o'clock noon, you'll see the improvements for the past race cars," basa ko sa papel na prinepare ni Chase.

"I see there's nothing important fo today, you better cancel all of my schedule for today, I want no visitors for day. One more thing, call Gareth Valzenhing for me," utos niya at nanatiling nakatalikod mula sa akin.

"Is there anything else sir?" Tanong ko, para magawa ko na agad-agad.

"Where's my necktie?" Balik na tanong niya.

Naalala ko, inilagay ko pala sa loob ng bag ko yung necktie na binigay niya. "Just a second sir." Tumakbo ako papalabas papunta sa table ko. Sinumulan kong kalkalin yung bag ko para mahanao yung blue necktie na binigay niya sa akin, pero 'di ko mahanap. Wala na akong choice kun'di ilabas lahat ng laman ng bag ko para lang mahanao ko. At sa wakas, nakita ko na, napasama pala sa mga panyo at pouch ko.

Mabilis akong tumankbo pabalik sa loob dahil ayokong malintikan nanaman. "Here it is sir," ani ko habang hawak ang necktie.

"Come in front of me," mando niya sa akin kaya't pumunta ako sa tabi ng upuan niya kung sa'n kita ko ang blanko ngunit guwapo niyang pagmumukha.

"Sir?"

"I said, in front of me," mariing pagbigkas niya sa bawat salita sabay tapon sa akin ng matalas na tingin. Ang mga mata niyang matalim, 'yon ang kinakatakuta ko na hindi ko alam kung anong rason.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon