Getrude's POV
Puyat pero sige lang ng trabaho si boss, patuloy lang siya sa pagtipa sa keyboard niya na tila wala na siyang pake sa ibang bagay kundi ang ginagawa niya. Simula no'ng sabihin ni Ssixt na hinahanap siya ng mama niya, nilunod na niya ang sarili niya. Alas dose na at nasa loob kami ng eroplano papunta sa New York pero nagtratrabaho parin siya, kahit wala pa kaming kain pang-dinner.
Ako naman, nanatili lang ako sa tabi niya para kapag may utos siya na dapat gawin ko, ginagawa ko kaagad. Kahit pa antok na antok na ako, pinipigilan ko dahil hindi puwedeng makatulog nang nagtratrabaho si boss. Nakakahiya 'yon.
Sa ngayon, tinititigan ko lang 'yong picture namin nina AK at ni boss bago kami pumunta rito. Ang saya namin sa mga oras na 'to, lalo na si AK. Isang totoo at buong pamilya kung titignan. Sana nga lang, totoo.
Nakatulala na lang ako sa picture, masiyado na akong pagod at inaantok, gutom na rin ako. Mediyo ayaw ng mag-function ng utak ko, kaya sumandal na lang ako ako sa parang sofa na kinauupuan namin ni boss at nirelax ang sarili ko ng konti.
Napapapikit ako dahil sa sakit ng mga paa, kamay, bewang ko, gustong-gusto ko nang matulog. Dahil sa pagod, imbis na labanan ko ang antok, mas pinili ng katawan ko na matulog at mamahinga kahit gising pa si boss sa tabi ko.
~~
Nagising ako dahil parang may gumagalaw sa hita ko. Binuksan ko ang aking mga mata at tinignan kung ano 'yon. "B-b-boss?!" Mahinang sigaw ko.
Nakahiga siya sa sofa at naka-unan sa mga hita ko na mahimbing ang tulog. Napalunok ako, paano siya napunta rito? Jusko naman, puwede namang sa iba na siya nag-unan ba't aa hita ko pa.
"This your captain speaking. It's already 5am. We've arrived New York, and in less that ten minutes, we'll land. Please go back to your seats for safety," paalala ng baritonong boses ng pilot.
Paano ba 'to? Ang himbing ng tulog ni boss, ayoko siyang gisingin dahil siguradong pagod na pagod siya. Pero kailangan eh, kaysa naman mahulog siya rito pagkalapag ng eroplano.
"Boss?" Marahan ko siyang ginising at nagpapasalamat ako dahil unti-unting bumukas ang mga mata niya. Bumalikwas siya at agad na bumangon sabay tingin sa akin.
"Sorry, I was tired." Inayos niya ang kaniyang suit at mukha. Bagong gising siya, pero ang guwapo niya pa rin. Kaya lang, bakas pa rin ang pagod niya sa trabaho dahil sa eyebags niyang malalaki.
"O-Okay lang. Lalapag na raw tayo," mahinang wika ko at tumayo para ayusin ang nagusot kong damit. Bumalik na ako sa upuan ko ng 'di na tumitingin kay boss, at sinuot na lang yung seatbelt. Nakalimutan ko, kailangan ko nang magpalit ng napkin, kahapon pa ng gabi yung huli kong palit. Ligo ang kailangan ko sa oras na 'to.
Bumalik naman si boss sa upuan niya sa harap ko, at sinuot ang kaniyang belt saktong naramdaman ko ang pagbaba ng eroplano. Kumapit ulit ako sa arm rest ng upuan sabay pikit ng aking mga mata, natatakot pa rin ako kahit pangalawang beses na.
Iba nanaman ang tibok ng aking puso, nanlalamig ang mga kamay ko, hanggang sa makalapag na ang eroplano ng maayos, 'saka lang nawala ang kaba ko.
"Come on Gertrude, we still have to take a bath at the house before heading to the company."
~~
Kakatapos ko lang ayusin ang sarili ko at kakatapos lang din namin kumain ni boss ng agahan. Gutom na gutom kaming dalawa, walang ni isang piraso ng karneng adobo ang natira sa kaldero dahil sa lakas naming kumain.
Nasa bahay kami ni boss dito sa New York, na nasa isang village na pagmamay-ari pa rin nila, kagaya ng Psycho's own town. Nasa mediyo labas lang 'to ng New York. Maganda pa rin ang bahay, kagaya rin ng bahay ni boss sa Pilipinas, ang piangkaiba lang, mas malaki 'to at mas elegante dahil nasa New York.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...