Gertrude's POV
Three days, mabuti na lang okay na ako. Dalawang araw din na wala akong trabaho, hindi ako pinagtrabaho ni boss kahit anong pilit ko sa kaniya. Sabi ko kahit sa bahay lang, pero kahit isang papeles wala siyang pinahawak sa akin.
Nanatili lang ako sa bahay, at pinagsilbihan siya, na parang asawa. Kase hindi niya ako pinagtrabaho sa mga papeles, pero sa pagluluto ng pagkain at pagprepare ng mga damit niya oo, syempre ang paglalagay ng necktie niya tuwing umaga. At ang pagkuha ko sa coat niya pagkauwi niya mula sa trabaho.
Okay lang naman sa akin, kaso minsan talaga ang awkward lalo kapag nagkakatitigan kami bigla. Walang nagbago, malamig siya minsan, mabait naman minsan, at hindi ko 'yon maintindihan. Ang pakiramdam at puso ko, wala ring mintis, nababaliw pa rin basta magkalapit kami.
Ngayong ikatatlong araw, hindi ako nagpapigil. Kaya heto ako ngayon sa labaa ng opisina niya, at busy sa pago-organize ng schedulea niya para sa week na 'to. Napatigil lang ako dahil lumabas na si boss sa opisina, siguro dahil hapon na at uwian na rin.
"Sir?" Tumayo ako sa upuan at lumapit sa kaniya sakaling may utos siya sa akin.
"Gather your things and let's go home. We still have a party to attend," seryosong saad niya sa akin at niluwagan ang kaniyang necktie.
Tumango ako kaagad at ini-off ang desktop ko sabay hablot ng bag ko mula sa baba ng table. Sumunod kaagad ako sa elevator at tumayo sa likod ni boss.
"We'll be going to the bar at 8 o'clock, prepare yourself." Sinuot ni boss ang sunglass niya para matakpan ang mga mata niya, pagkatapos, lumabas na kami sa elevator para maka-uwi na.
~~
Tumingin ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Okay na siguro 'tong suot ko para sa bar, isang red off shoulder dress na may ribbon sa likod at umaabot hanggang sa tuhod ko. Plain red dress lang, pero may mga bulaklak sa may bandang bewang kaya mas enhanced ang shape ng katawan ko.
Parang mas pumayat pa ako no'ng pinanganak ko si AK base itsura ko ngayon. Mediyo pandak na nga ako, ang payat ko pa, tapos maputi pa.
Ang mahabang bukok ko, nakalugay lang sa likod ko at nakacurls sa dulo, tapos naglagay ako ng konting make up at cologne para 'di naman ako kawawang tignan kahit papaano. Dala ko rin ang kaisa-isa kong itim na clutch na laman ang ang mga importanteng bagay. Suot ko rin ang itim kong heels.
Okay na, puwede na 'to para sa isang bar. Nakakahiya naman kung nagmumukha akong pangit habang kasama ko si boss, lalo't ayaw niya sabihin kung ano ba ang gagawin namin sa bar. Basta ang sabi niya, pupunta raw kami sa isa sa mga bar ng kaibigan niya rito s New York.
Ngumiti ako sa salamin at napakagat labi. Sana kayanin ko ulit tong gabing 'to. Huminga ako ng malalim at lumabas na kuwarto ko. Asana kaya si boss? 7:30 na eh. Bumaba ako ng hagdan at tumingin sa baba para tignan siya pero wala siya ro'n, tahimik ang living room.
Bumaba na lang ako at umupo sa may couch para hintayin si boss. Ang tagal niga magpalit, mas matagal pa kaysa aa akin. Anong kayang gagawin namin sa bar? At ano ang purpose ng isang gaya ni boss, na isang billionare, CEO na pumunta sa bar sa ganitong oras. At kailangan pang isama niya ako, na secretary niya.
Nilalaro ko ang kamay ko at tinitignan ang mga kuko ko nang napansin kong pababa ni boss mula taas ng hagdan. Nakahawak siya sa railings ng hagdan at nakasuot ng sunglass habang nakatingin sa akin pababa.
Ang guwapo niya, ibang-iba nanaman ang aura niya, parang badboy na ikakasal. Kase nakasuot siya ng blue na suit, at polo sa loob pero walang necktie, hinayaan lang niya na nakabukas ang tatlong butones ng polo niya kaya mediyo exposed ang dibdib niya. Ang ganda ng pagkaka-ayos ng buhol niya pataas, perfect na perfect, tapos napansin ko din na merong kumikinang sa dibdib niya. Kwintas, naka-kwintas siya ng silver chains at may pendant na cross.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...