Gertrude's POV
Pilit kong iminulat ang aking mga mata kahit puyat na puyat pa ako dahil sa mga nangyari. Dahil kanina pa tunog nang tunog ang door bell, parang masisira ata ang switch dahil sa bilis ng pagpindot.
Lupaypay at nanghihina akong tumayo mula sa aking kama, at nagmumulat-mulat pang naglakad papalabas nang kuwarto. Wala akong ibang maisip, gusto ko lang matulog maghapon pero hindi puwede. Kinukusot ko ang aking mga mata habang patuloy na naglalakad pababa ng hagdan papunta sa may pinto para buksan. Humikab muna ako bago ko tinanggal ang lock ng pinto at hilahin 'yon.
"What's up br... Miss?" Malakas na bati ng isang lalaking malapad ang ngiti.
Napapitlag ako dahil sa nakita at narinig ko, isang guwapo, maputi, matangkad, machong lalaki ang nakatayo sa harapan ko. Nakasuot siya ng blue shirt, tattered jeans at shades kaya ang astig niyang tignan. Ang kulay brown pa niyang buhok ay naka-ayos palikod na nakadagdag sa kaguwapuhan niya.
Napatanga na lang ako, at mabilis na napahawi sa mga magulong buhok na nakatabon sa mukha ko. "S-sir?" Utal kong tanong.
"Miss?" Kunot noong tingin niya sa akin. Pero bago 'yon, pinasadahan muna niya ako nang tinging mula ulo hanggang paa at parang kinikilatis ako. Napansin ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya pagkaabot ng mata niya sa dibdib ko.
Parang sinampal ako ng katotohanan at bigla akong nagising dahil sa matinding kahihiyan no'ng marealize ko ang pagmumukha ko. Hindi pa nasusuklay ang mahaba kong buhok na nagmukhang pugad ng ibon, at nakasuot lang ako ng itim na pajama na may pares na malaking t-shirt na kulay puti. Napalunok ako at biglang tinakpan ang hinaharap ko, dahil wala pala akong bra at may bumabakat. Madali akong tumalikod mula sa kaniya dahil sa hiyang biglang lumukob sa pagkatao ko, kasabay ng pagrinig ko nang malakas na halakhak.
"May I come in?" Natatawang saad niya mula sa likod ko.
Napapikit akong napahawak sa sarili ko. Humakbang ako pagilid para bigyan siya ng daan pero nanatili akong nakatalikod. Napakagat labi ako, wala akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa hiya. "A-ahmm…" Dahil wala na akong masabi, pagkapasok niya sa bahay, isinara ko ang pinto at madaling tumakbo papunta sa taas para ayusin ang sarili ko. Narinig ko na lang ang tawa niya pagkasara ko sa pinto.
~~
Wala pang 30 minuto pero naayos ko na ang sarili ko. Nawala na ang puyat ko dahil sa nangyari kanina sa baba. Ngayon, nakasuot na ako ng isang jeans at damit kaya handa na akong humarap bisitang 'yon, ni boss dahil tulog pa siya. Responsibilidad kong harapin ang lalaking 'yon, kahit sobra-sobra akong nahihiya.
Bumaba na ako sa baba, at naabutan ko yung gwapong lalaki sa living room na patuloy sa pagtipa ng kaniyang cellphone. Napapangiwi ako sa bawat hakbang ko sa ibabang parte ng hagdan, pero mas lalo akong napahiya no'ng naramdaman niya at ang presensya ko kaya tumingin siya sa akin sabay baba nang kaniyang shades.
"Don't be shy, lady. Come here," paanyaya niya sa akin at malapad aking nginitian bago niya ilagay ang cellphone niya sa bulsa niya.
Naglakad ako papalapit sa kaniya nang nakayuko at iniiwasan ang mata niya. "S-Sir?"
"Zeryx." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at hinintay na tanggapin ko 'yon. Napa-angat naman ako ng tingin, at nagtatanong na tumingin sa kaniya. "Come on don't be shy, I'm Zeryx, Haton's cousin," offer niya pa at mas lalong inilapit ang kaniyang kamay.
"Gertrude," balik na sagot ko at alanganing ngumiti sa kaniya pero tinanggap ko naman ang kamay niya. Kung sabagay, parang okay naman siya, hindi awkward na tao.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...