Chapter 14

1.3K 22 0
                                    

Gertrude's POV

Bigla akong nagising dahil nakaramdam ako ng kung anong humahaplos sa pisngi ko, at mga mata tinititigan ako.

"Wake up, honey," malalam ang boses na iyon, ngunit sa tono palang nito ay alam ko na kung sino. Si boss!

"Hmmm..." ungol ko, at bumalikwas para makabangon ako, sa kung saan man ako nakahiga. Pagka-upo ko, inayos ko ang aking mukha, pero napatigil ako dahil nahagip ng aking mata si boss na naka-upo sa gilid ng kaman. "B-Boss?"

"We already landed. Get up." Tumayo siya mula sa kama at binulsa niya ang kamay.

"Ah ahmmm, okay sir," alanganing sagot ko at pilit na inaayos ang sarili ko. Nakahiga ako sa isang maliit na bed kanina, at sa side ko bintana. Kaya lang, wala akong makita dahil gabi na sa labas. Nasaan ba kami? "W-Where are we?" Utal kong tanong kay boss.

"We're in, Paris. We'll be staying here and then we'll move to New York later," simpleng sagot niya at sinuot muli ang sunglass niya sabay lakad papalabas.

'Paris?!' Madali akong tumingin sa binatana, at nakita ko ang makukulay, at kumikinang na mga ilaw sa mga building. Kasama narin ang airport kung saan kami lumapag. Napakaganda, kung titignan, para itong kalawakan na puno ng kumikinang na bituin dahil sa liwanag ng bawat ilaw dahil na rin gabi at madilim na ang kalangitan.

"Miss, Mister Lincoln is waiting for you outside. Please hurry," wika ng kararating lang na flight attendant.

"Ah sige." Tumayo ako mula sa kama at tinanggap ang puting kumot na bumabalot sa akin. Lumabas ako sa parang maliit na cabin, at nakita ko ang inupuan namin ni boss kanina. 'Paano nga ba ako nakatulog? Sino ang nagdala sa akin doon?' Naglalaro ang sari-saring tanong sa isip ko.

Ang huli kong naalala ay no'ng pinainom ako ni boss ng juice dahil naninigas ako sa upuan ko. 'Pangpatulog pala yung juice! Bakit 'di ko naisip 'yon?' Napatampal ako sa noo ko at naglakad na papalabas ng eroplano nang nakangiwi.

Doon, nakatayo si boss sa baba ng hagdan na parang hinihintay ako kaya't napa-ayos ako sa sarili ko at napaiwas ng tingin. Kahit pa sa likod ng itim niyang sunglass, ramdam ko parin ang init ng asul niyang mga mata.

Habang nakatingin sa makululay na buildings, dahan-dahan at maingat akong bumaba mula sa itaas ng hagdan dahil naka heels parin ako kaya lang naka-jeans at white rounded sunburst neckline na blouse.

Hindi ko na tinignan ang bawat hakbang ko pababa, basta humawak ako sa side na hawakan. Damang-dama ko ang lakas ng tibok ng puso ko bawat lapag ng paa ko sa hagdan, kinakabahan nanaman ako. Every time!

Habang papalapit ako, nahagilap ng aking mga mata ang paglapit ng kaniyang kamay para sana gabayan ako, pero dahil pinaghalong mga emosyon. Natapilok ako sa huling hagdan, dahil mediyo mataas. Nanlaki ang aking mga mata, at inihanda ang aking sarili s a pagbagsak ko sa red carpet. Ngunit hindi nangyari, may dalawang kamay na humawak sa bewang ko, at sinalo ako.

"Ah!" Nasambit ko, dahil sumalpok ang ulo ko sa kung ano.

"You could've accepted my hand, honey," he said in a playful voice as he looke down to me and I raised my head to meet his.

I gasped. Ang mga kamay ko, nakahawak sa dibdib niya, at ang hinaharap ko, nasa dibdib niya. Napakibilis ng tibok ng puso ko, bolta-bolataheng kuryente ang umagos sa mga ugat ko, kaya nanlamig ako.

Nanatili lang ako, at tumitig sakaniya. "H-honey?" I stammered.

Ngumisi lang siya at itinulak ako, para makatayo ako. Pero bago pa man ako makatayo ng tuwid, sumakit ang paa ko kaya't muntik nanaman akong matumba. Salamat nalang dahil ang mga kamay ni boss, humawak nanaman sa bewang ko at nagkalapit ang aming mga mukha.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon