Chapter 5:

1.5K 27 6
                                    

Althea's POV

First day, unang araw palang, bugbog na ang katawan ko sa trabaho, idagdag mo pang hindi ako nasanay sa dapat kong gawin at wala pa si Chase na magtuturo sa'kin. Kakatapos lang ng four hours na meeting at halos makatulog na ako sa conference room dahil sa pinaghalong pagod, gutom, at puyat, 'buti nalang kinaya ko.

Kasalukuyan akong nasa canteen area ng building na kumakain ng napaka-late ng lunch, kanina pa tunog ng tunog 'yong tiyan ko sa gutom, 'buti nalang hinayaan na ako ng boss ko na magbreak. Mag-isa lang akong kumakain kaya enjoy na enjoy ako sa pagkain, pero naisip ko nanaman 'yong narinig kong pangalan ng ng boss ko kanina.

'Haton Kestel  Lincoln' 'yan ang full name niya, pero ba't ang nakatattoo sakaniyang dibdib ay 'Austin' lang? Nakakapagtaka lang dahil ang pinangalan ko sa anak namin ay Austin Kayferson dahil 'yon lang ang naalala ko sa daddy niya no'n.

"I see you're hungry," a cold voice came interrupting my deep thoughts. It was him, Haton with Chase at his back.

"U-uhm yes sir," pilit kong ngiti at ibinaba yung hawak kong sandwich sa plato.

"Are you that tired miss Gertrude?" Tanong niya sa akin ng napakseryoso sabay upo sa harapan ko at pinagkrus ang mg hita.

Napalunok at napayuko nalang ako dahil sa hiya, nakita niya ata ang paraan kung paano ko kainin 'yung sandwich kanina, nakakahiya! "Uh uhm, no sir," ngiti ko ng alanganin sabay iling.

"Chase, get me something to eat," utos niya kay Chase, si Chase pala ang unang secretary niya bago ako. Kaagad namang siyang umalis at bumalik na may hawak na plato ng grilled pork.

Napahiya ako, ang sosyal niya samantalang ako sandwich lang. Nakakahiya kumain sa harap ng boss ko, lalo na't kakaiba ang mga tingin niya sa mata ko, para bang kilala niya na ako pero hindi niya lang maalala kung saan. Parati niya akong tinititigan at nakakailang 'yon ng sobra.

"Eat," saad niya at inilapit sa akin ang plato.

"Ah ahm... hindi na pos sir, tapos na po ako," tanggi ko sakaniya. Hindi ko kaya 'to, ayokong nakikipagtitigan sakaniya, nababaliw and tahimik kong puso.

Tatayo na sana ako at hahakbang papalayo habang hawak ko ang plato kong may laman na sandwich at juice, nang bigla nanamang sumabit ang takong ko sa di ko malaman kung saan at natapon lahat ng hawak ko, mismo sa mukha ng boss ko.

"Fuck?!" Gulat at nangagalaiti niyang  sigaw. Halatang galit na galit siya dahil 'yong juice naipaligo niya at yung sandwich nasa ulo, samantalang ako, nakahawak sakaniya at napasandal paharap.

Saktong ang hinaharap ko nasa dibdib niya. Lupa kainin mo na ako! Nakakahiya! Alam ko naramdaman niya
'yong hinanarap ko.

Napalunok ako ng malalim kasabay ng marahas na pagkabog ng aking puso, nanlamig ang aking mga kamay nang makita ko ang kaniyang mukha. Dali-dali akong napatayo sa gulat.

"I-I'm sorry sir, 'di ko po sinasadya," nginig ko at tinggal ang sandwich sa ulo niya, naiwan naman lahat ng itlog na palaman sa maayos na buhok niyang lalong nakapagpangiwi sa akin.

Tumingin lang siya sa sarili niya with a growl on his face and averted his gaze on me, nandidiri siya dahil sa hitsura niya, tumutulo pa yung juice sa buhok niya at nasa lap niya yung tray.

"S-sorry po talaga," pagpapaumanhin ko at inilabas ang aking panyo, pinunasan ko ang buhok para matanggal lahat ng itlog.

He glared at me and catched my hands to stop. Hindi siya nagsalita bagkus, kinuha niya ang panyo sa akin, lumaki naman ang aking mga mata nang pxxbunasan niya ang dibdib ko, natapos din pala ang yung palaman sa akin pagkabunggo ko sakaniya. "Ahmm... ahh okay lang ako sir," nahihiyang sagot ko.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon