Chapter 2: Challenge

1.8K 34 0
                                    

Gertrude's POV

Kakauwi ko lang sa bahay at naabutan ko yung anak at si Bams na nanonood ng TV. Nanonood ata sila ng love story ni Jhon Loyd at Sarah Geronimo dahil kita naman ang kilig sa mata ni August.

"Kumusta ang interview?" Tanong ni August pagka-upo ko sa sofa sa harap niya.

"Hindi pa ako nakuha, hindi pa official, may challenge pa bukas," sagot ko habang tinatanggal yung sandals ko.

"Challenge? 'wag mo sabihing sa Austin's ka nag-apply?" Gulat na gulat niyang sabi.

Napangiwi nalang ako. "Don lang yung hiring na maayos eh," paliwanag ko. I had the chance, kung pinalampas ko pa 'yon baka wala na akong makukuhang trabaho.

"Bams, alam mo namang napakahirap ng trabaho don kahit mataas ang pasuweldo, isa 'yon sa international companies. Hindi ko ba nasabi sa'yo yon?" Untag pa niya, bakas ang pag-aalala s kaniyang mukha.

"Hindi, Bams. Pero kilala mo naman ako eh, kakayanin ko 'yon kahit anong mangyari, basta para sa pamilya," sagot ko pabalik. Hindi naman ako susuko eh, basta kaya ko gagawin ko, titiisin ko, pero aalis ako kapag hindi ko na mahandle.

"Oo, Bams. Pero..."

Biglang may kumatok sa pinto na kinalingon namin ni August. Baka si Hezekiah na 'yan, siya lang naman ang bisita namin eh. "Ako na, Bams." Tumayo ako at binuksan ang pinto, siya nga, si Heze.

"Hello ate Gertrude!" Bati niya sa akin sabay yakap ng mahihpit na ikinatawa ko.

"Namiss kita Heze," ngiti ko at hinagkan siya pabalik. "Pasok ka na." Binuhat ko yung gamit niya at pinasok sa loob sabay sara ng pinto.

"Heze, kumusta ka na?" Tumayo si August at hinagkan din si Heze.

"Okay lang din ako ate August. Asan na ba yung aalagaan ko?" Excited na tanong ni Heze. Kakagraduate niya lang din kaya pumunta siya rito sa amin, mag-aadjust daw muna siya bago maghanap ng trabaho na papasukan niya.

"Nakatulog siya eh, nandon sa sofa. Hindi makarelate sa pinapanood ko eh," tawa ni Rhoa at bumalik sa sofa.

Dali-dali namang pumunta si Heze sa sofa at tinitigan si AK. "Ang guwapo ng anak mo ate, mana ata ito sa ama. Sino nga ba ang ama ate?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

Napayuko nalang ako dahil wala akong maisagot sa kaniya. Anak ko si AK sa isang lalaking naka-one night stand ko sa Boracay three years ago. I was drunk back then when someone came and brought me to a hotel room and we did that 'thing'. He was my first, nakita ko ang mukha niya at ang tattoo sa batok niya.

Tumalikod nalang ako at uminom ng tubig, kahit pa ganon ang nangyari, mahal ko si AK, hindi ko siya itinuring na malas o kung ano pa. Mas mahal ko siya higit pa sa buhay ko, kahit ano pa'ng sabihin ng iba.

"Ahh... 'wag mo ng tanungin Heze. Halika, magpahinga ka muna sa kuwarto ko baka pagod ka sa biyahe. Dalawa nalang tayo 'don, dalawa lang kase nag kuwarto rito sa bahay eh," basag ni Bams sa katahimikan. Alam niya, kasama ko siya no'n sa Boracay. Naiintindihan niya ako, ang sitwasyon ko.

"Ah... sige... sige ate August," ngiting alanganin ni Heze tapos pumasok na sa kuwarto.

Lumapit naman sa akin si August. "Hayaan mo na, Bams. Huwag mo ng isipin 'yon, ang importante, nandito 'yang anak mo," untag ni Rhoa habang hinahagod 'yong likod ko.

"Okay ka lang, Bams. Alam ko namang hindi pa alam ni Heze 'yon," hinga ko ng malalim at ibinaba ang hawak ko'ng baso. Nilapitan ko ang anak ko at binuhat siya papasok sa kuwarto namin para do'n siya matulog.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon