Gertrude's POV
"Gertrude?" Tawag sa akin ni boss gamit ang intercom. Kasalukuyan kaming nasa opisina at maghahapon na pero marami pa rin kaming ginagawang trabaho.
"Yes, boss?" Magalang na sagot ko sa kaniya. Lumipat ako ng pwesto, sa labas na ang table ko dahil 'yon ang utos ng mama ni boss no'ng bumisita siya rito si opisina. Hindi ko rin alam, pero pinilit niyang gawin 'yon kahit ayaw naman ni boss.
Yung isa namang secretary ni boss, nagleave raw muna dahil nabuntis siya at kailangan niyang mag-resign. Kaya 'yon ang dahilan kung bakit sinasalo ko lahat ng trabaho rito ngayon, mapa New York files o Philippine Files ng kumpanya ay ako ang gumagawa. Hindi ko naman ugaling mag-complain, basta ginagawa ko lang ang trabaho ko sa abot ng aking makakaya.
"Take you hands off the computer and put it on the table open wide," maamong saad niya sa akin. Hindi na rin siya cold na tao 'pag ako ang kausap niya.
"B-bakit?" Takang tanong ko naman pero 'di ko pa rin sinunod ang sinasabi niya. Marami pa akong kailangan gawin eh. Tinuloy ko lang ang pagtipa sa keyboard at ang telepono inipit ko sa balikat at leeg ko.
"Close your eyes and do as I say. Don't make this too hard for me, honey," masayang wika niya. Ramdam kong nakangiti siya mula sa kabilang linya kahit 'di ko siya nakikita. Mababakas kasi 'yon sa tono ng kaniyang boses.
"Bu~"
"Come on, honey. Do it, I'm watching you. Close your eyes and don't open it until I say so," pamimilit niya sa akin kaya wala na akong nagawa kun'di itigil ang ginagawa ko at gawin ang sinabi niya.
May mga CCTV kase na nakatutok sa akin, at pinagmamasdan ni boss lahat ng ginagawa ko. Kaya nga minsan naco-conscious din ako eh. Nakatulog pa ako no'n kahit ng trabaho.
Isinara ko ang aking mga mata at inihanda ang aking kamay sa table. "And then?"
"Shhh…" saad niya lang at bigla niyang iniwan ang telepono kaya ibinaba ko na rin ang nasa leeg ko.
Nanatili lang akong nakapikit at naghintay sa kung anong mangyayari. Basta nakalagay lang ang kamay ko sa table. Ilang segundo pa, narinig kong bumukas ang pinto ng opisina ni boss nagpapahiwatig lang na lumabas siya. Rinig na rinig ko ang yapak ng kaniyang paa papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang na may isang bagay siyang iniligay sa kamay ko, hindi ko alam kung ano 'yon pero matigas na bagay.
"What's this?" Tanong ko sa kaniya at napangiti na lang nang kusa. Dinaramdam ko kung ano 'yon, pero 'di ko talaga alam.
"Shhh…" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinaharap sa kaniya. Hindi ko naman siya nakikita dahil nanatiling akong nakapikit.
Ilang sandali pa, hinahaplos niya ang aking pisngi at inaayos niya ang aking buhok. Bigla na lang, dumampi ang kaniyang malalambot na labi sa aking noo kaya't napamulat ako bigla para tignan siya. Hinalikan niya ako sa noo.
Ramdam ko ang kilig sa puso ko dahil sa ginawa niya 'yon. Palihim akong ngumiti at dinamdam ang halik niya. Isang halik lang pero, parang sasabog na ang puso ko.
Humila siya s pagkakahalik sa akin at deretsong tinitigan ako sa aking mga mata. "Eat, honey." Nginitian niya ako minsan pang hinaplos ang aking mukha, bago siya naglakad papalayo at iniwan akong nakatulala sa kaniya.
Umangat na lang ang aking kamay sa pisngi kong hinaplos niya. Ang soft ng kamay niya. Naalala ko yung nilagay niya sa kamay ko, pagtingin ko ron. Isang hugis heart na plastic at may laman na hugis heart ding chocolate sa gitnang kulay brown and white. Tapis may malaking ribbon sa gitna.

BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...