Chapter 15

1.5K 29 0
                                        

Gertrude's POV

Nagising ako dahil sa isang bagay na nakadantay sa hita ko at sobra akong nabibigatan do'n. Hindi ko alam kung bakit biglang lumambot yung sofa na tinulugan ko.

Hirap kong tinanggal ang kung ano man na nakapatong sa akin at iminulat ko aking mga mata. "B-b-boss?!" Nanlalaki ang mga mata na sambit ko dahil nakahiga ako sa bed katabi boss na topless at mahimbing ang tulog. 'Pa'no ako napunta dito?! Sleep walking?!

Napalunok ang at madaling itinaas ang kumot para tignan ang sarili ko, kung~kung may nangyari ba habang tulog ako. Pero pagkaramdam at pagkakita ko, na wala namang kakaiba ay napahinga ako. Tinitigan ko ang mukha ni boss, ang guwapo at para siyang isang anghel na napakabait lalo't mediyo magulo ang buhok niya.

Nakakalinlang yung mukha niya, akala mo napaka-amo, pero ang totoo, para siyang tahimik na leon na may kakaibang asul at gray na mata. Ang beard niya, halatang madalas naa-ahitan at naalagaan. Parang mahihiya ang kutis ko dahil sa kinis ng mukha niya, pero kakaiba parin ang balat ko, dahil para itong snow white sa puti na minsan nagiging pula.

Hita pala niya ang nakadantay sa akin kanina kaya masiyadong mabigat. Marahan kong inalis yung kumot na nakatakip sa akin at inayos ang damit kong pantulog sabay tingin sa orasan. Six o'clock na nang umaga, kailangan ko nang magluto ng agahan namin ni boss.

Lumabas ako ng kuwarto nang hindi gumagawa ng anumang ingay na puwedeng makagising kay boss, at nahagip ng mata ko yung cellphone ko na ginamit ko sa pagkuha ng picture kahapon. 'Bams, okay kang si AK, kaya lang, halos isang oras din siya umiyang no'ng hindi ka niya mahanap. Mabuti na lang at naintindihan niya ako no'ng inexplain ko sa kaniya ang pag-alis mo,' text ni bams.

'Sige, bams. Paki bantayan si AK. Salamat talaga, tatawag ako 'pag nakaluwag ako sa schedule,' text ko pabalik at pumunta na sa kusina. Nagmumog muna ako konti at nagmouth wash, bago ko sinimulang magluto.

Sa una, naguguluhan pa ako kung anong iluluto ko, pero manok lang naman at karne ang nasa red ng hotel. Kaya tinolang manok na lang dahil 'yon lang ang alam ko, ayoko naman na itlog at bacon lang ang ipapakain ko kay boss.

Ingat na ingat ako sa pagluluto, sinisigurado ko na tama ang lahat ng bawat aksyon. Mula sa hiwa ng karne, sa sabaw, sa asin, at sa guisa. Hindi ako magaling magluto, pero puwede na.

"And I, will always love you~" kanta ko sa hangin habang hinuhugasan ang mga gamit na utensils. Ang ganda kase ng mga kanta ni Whitney kaya halos lahat ng 'yon, kinakanta ko lalo na kapag ganitong umaga o kaya mag-isa ako. Sinabayan ko ng pagtaas ng kamay na parang isang totoong singer, 'di ko mapigilan.

Tuloy-tuloy kang ako hanggang sa mediyo tumaas ang boses ko pero bigla akong napatigil at napalingon kasabay ng pagkahulog ng sponge sa kamay ko.

"You sing?" Kunot ang noo ni boss na nakasandal sa may pinto ng kuwarto.

Napalunok ako sa gulat at napaharap ulit sa hinuhugasan no'ng marealize ko na naka topless si boss at kita ko ang walong kumikinang niyang abs. "Ah ahmmm n-no sir." Napapikit ako sa hiya, nanlaki ang mga mata ko kanina no'ng matignan ko ang katawan niya.

"You sing smoothly, continue."

Narinig ko ang yabag ng kaniyang mga paa papalapit sa lababo kung nasaan ako. Kaya inayos ko kaagad ang mga gamit at tumalikod papunta sa niluluto ko. Ayokong tingnan siya, mapapanganga nanaman ako at ayokong mangyari 'yon.

"I said, continue singing," pilit niya sa akin at sumandal sa harap ko malapit sa akin sabay inom ng tubig.

Umiling ako, ayokong kumanta lalo na kung siya ang makikinig. Hindi ako umimik at hinalo ang malapit nang maluto na ulam. Aalis na sana ako dahil naiilang nanamn ako sa mga mata niya.

The BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon