Gertrude's POV
Napabalik ako sa huwisyo nang tawagin ako ni boss. "Sir?" Tumingin ako sa center mirror para magtama ang aming mga paningin.
"Answer my question. Where are your parents?"
"They're in Palawan, sir," sagot ko, dahil parang hindi niya ako titigilan hanggat sagutin ko yung tanong niya.
Tumango siya ng ilang beses. "Tell me. Have you seen me before?"
My heart beat spiked when his next question resonated inside my ears. Heto nanaman, ang pagtataka niya sa akin, na tila ba naalala niya ako. Sana lang hindi, dahil hindi talaga puwede. "I told you, sir. I never saw you before." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
"You angry?" Mediyo pissed ang pagkakasabi niya kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya.
"No, sir." Napalunok nalang ako at nagkunwaring wala akong paki sa tanong niya, alam kong kayang-kaya niyang mabasa ang katotohanan sa mga mata ko. Hindi ko kayang itago ang katotohanan, lalo na kung ang taong kaharap ko, kagaya niya.
"We're here."
Tumingin ako sa labas, dinala niya kami sa isa sa mga pinaka-sikat at pinaka-malaking mall dito. Ano namang gagawin ko diyan? Wala naman akong pera para pumasok pa sa loob ng mall na 'yan, mapapahiya lang ako. 'Di pa ako nakasahod dahil wala pa naman akong isang buwan sa trabaho.
"Let's go." Lumabas siya mula sasakyan at hinintay kami ni AK na makalabas.
Pinauna ko si AK na lumabas 'saka ako sumunod, at isinira ang sasakyan. Pagtingin ko kay boss, suot nanaman niya ang sunglass niya kagaya ng dati. Basta lalabas siya, naka-eye glass siya. Siguro dahil sa odd na style ng kaniyang mata. Asul na may halong green, samahan pa ng kaniyang mahahabang pilik mata.
"Mr?" Tawag ni AK kay boss ng nakatingala.
"Yes, young man?" Bumaba si boss para magkalebel sila at ngumiti ng marahan. Tila magkakilala silang dalawa dahil sa ngiti ni boss na kakaiba at ang minsang pagtitig ni AK kay boss sa 'di malamang dahilan. Parang ine-examine ni AK ang bawat parte ng mukha ni boss.
"Can you carry me?" Tanong ni AK.
Suminag ang ngiti sa mga labi ni boss at napa-ayos ng kaniyang sunglass. "Of course, young man." Tango-tango niya.
Kakaiba ang kilos ni boss sa anak ko, sadyang pangkaraniwan ang kaniyang pag-akto, pero 'di ko alam kung bakit sa harap ng anak ko. Kapag nasa office kami, malamig ang aura niya, ngayon lang siya nag-iba.
"Lift me up Mr." Hinawakan ni boss ang magkabilang braso ni AK at itinaas siya sa mga bisig nito.
"Let's go inside, Gertrude. It's getting hot," tawag niya sa akin at nauna nang naglakad papunta sa loob ng mall kaya sumunod nalamang ako. Hindi masiyadong mainit ngayong araw na ito, dahil natatakpan ng mga ulap ang kalangitan kaya lang maimit ang ihip nh hangin.
Sumunod ako sa loob. Ang gandang mall, halatang mayaman ang may-ari. Organisado lahat ng mga stalls, may chandeliers at very elegant sa loob. Halos lahat ng nasa-first floor kainan. May pagka-vintage rin ang ibang mga designs nakahalo sa modern design na mas lalong nakapag-paganda sa ambiance ng lugar.
"I prefer the second floor, come on."
Naramdaman ko nalang ang isang malamig na bagay na pumulupot sa pulsuhan ko, at hinila ako kung saan. Nang makita ko, si boss pala. Hinihila niya ako papunta sa may left elevator, pero binitiwan niya ako no'ng nasa harap na kami.
"Do you have your card?" Lumingon siya sa akin.
"I-I didn't bring it," tanggi ko at napailing-iling.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...