August 12, 2021 at exactly 12:00
"Maam isang push pa, nakikita ko na yung ulo," sabi ni doctra sa akin habang hirap na hirap akong ipinapanganak ang una kong sanggol na anak.
"Ahhhh...," hiyaw ko ng napakalakas kasabay ng isang malakas na ire na talaga namang napaksakit.
"Isang healthy baby boy ang anak niyo maam," ngiti ni doctora sa akin habang itinaraas ang aking malusog at umiiyak na anak.
Abot langit ang aking saya sapagkat and siyam na buwan kong paghihirap ay hindi nasayang, it was all worth it, the sickness, the pain and the sacrifices I made para sa aming mag ina.
Ngunit sa lagay ko'ng ito, hindi ko ata kaya, ang sakit ng aking panganganak ang lumulukob sa aking katawan, kasabay nito ang pagdilim at pagsara ng aking mg mata. Ang anak ko, siya ang lakas ko at siya ang rason para gumising ako ulit, ngunit sa ngayon hindi ko pa kaya.
~~
Dahan dahan ko'ng idinilat ang aking mata at sinalubong ako ng napakaputing kisame.
"Okay ka lang ba, Bams?" Rinig ko ang pagaalala ng aking kaibigan habang hinahaplos niya ang aking kamay.
"Bams, ang anak ko. Gusto ko'ng makita ang anak ko?" Hiling ko at pilit na itinataas ang kamay ko para sana hawakan siya. Gusto ko siyang makita, mahaplos, mahawakan, ang aking lakas, ang aking buhay, anak ko.
"Sandali lang, Bams." Tumalikod si Bams at kinarga ang aking anak mula sa crib nito. Nakasuot siya ng puting damit at mahimbing ang tulog. "Ito na siya, Bams." Pinatong niya ang anak ko sa aking dibdib.
"Ang guwapo niya, Bams," naiiyak kong sabi at hinaplos ang mamula mulang pisngi ng napaka inosente ko'ng ana. Tumulo ang luha ko, hindi ko akalain na magiging ganito ang kalalabasan ng aking pagkakamali.
"Anong ipapangalan mo sa kaniya, Bams?" Ngiti sa akin ng best friend saka siya sumampa sa kama, katabi ko.
Napaisip ako, ano nga ba? "Austin Kayferson, 'yon ang magiging pangalan niya Bams," sagot ko. Ang pangalang 'yon ay mula sa isang bagay na memorable para sa akin.
"Ang ganda, Bams. Bagay sa isang guwapong lalake katulad ng anak mo," tawa niya.
"Aalagaan ko siya, mamahalin, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang mabigyan siya ng buhay, kahit wala ang kalahati niya."
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...