Gertrude's POV
Gabing-gabi at naglalakad na ako pauwi na parang timang. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-absorb yung sinabi ni bams, mahal ko na nga ang boss ko. Sa mga sagot ko raw, positive lahat. Ang mga sagot ko ay mga gawain ng taong naiinlove o nagmamahal.
Sabi ni bams, hindi ko pa raw 'yon alam dahil kinokontra ng isip ko ang sinasabi ng puso puso ko. Pinipilit ng isip ko na sabihin hindi ko pa mahal ang boss ko, pero ang totoo, mahal na mahal ko na siya. Nahulog na nga ang loob ko sa kaniya, at siguradong hinding-hindi na ako makakaahon dahil sa sobrang lalim.
'Paano? Anong paraan? Kailan nangyari? Saan? Paano ako nahulog ng 'di ko namamalayan?' Kahit anong gawin kong pag-alala o pag-iisp kung paano wala akong mahagilap na tamang sagot. It happened, and it happened for a reason. Siguro, dahil sa mga nangyaryari sa pagitan namin, kaya siguro isang araw nagising na lang ako na mahal ko na siya pero 'di ko lang alam.
Ngayong nangyari na, wala na akong magagawa kun'di ang itago ito dahil alam kong ikasisira ko lang 'to. Alam kong hindi ako makaka-move on or makakalimot kung sobrang lapit namin, lalo na sa mga ginagawa ni boss. Kaya mabuti lang na huwag niyang malaman, dahil alam kong masisira ang lahat kapag nangyari 'yon. Hinding-hindi ko hahayaan na malaman niyang mahal ko sya.
Napayuko na lang ako napahinga ng malalim sabay pikit ng aking mga mata para damhin ang puso ko. 'Sana kaya ko pang itago 'to.' Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi hanggang sa marating ko ang mediyo madilim na parte ng daan at walang katao-tao.
Tahimik na ang lugar at halos nakasara lahat ng mga buildings, tanging mga ilaw sa labas ang naka-on. Siguro dahil na rin gabing-gabi na kaya mag-isa na lang akong naglalakad dito papauwi. Hindi ko rin naman alam kung paano gumamit ng grab dito sa New York, at hindi rin ako sinasagot ni Ssixt kahit tinawagan ko siya kani-kanina lang. Si boss naman, nahiya akong bulabugin siya.
Kaya wala na akong choice kun'di maglakad kahit madilim, ginusto ko naman 'to eh. Huminga na lang ako ng malalim at nagsimula na ulit maglakad papunta sa mediyo mas madilim na part. Nakakaramdam ako ng konting takot dahil sa katahimikan na bumabalot sa lugar at dahil na rin mag-isa ako. Napapalunok na lang ako at lumilingon-lingon sa kung saan para tignan kung may panganib bang malapit sa akin.
Lumalakas ang tibok ng puso ko kasabay ng pagyapak ng aking mga paa. Natatakot na ako, iba na ang pakiramdama ko sa mga oras na 'to. Hindi ko mapigilan ang sarili kong manginig sa takot at maging aligaga. Basta nanlalamig ang mga kamay at paa kp sa takot. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Hanggang sa nakarinig ako ng mga napakalakad na tawa mula sa harapan ko.
At dahil nakatalikod ako, nanginginig akong lumingon. Halos malunok ko lahat ng laway sa bunganga ko no'ng makita ko kung sino ang mga 'yon. 'Mga l-lasing.' Tatlong lalaking siga ang gumegewang gewang papalapit sa kinatatayuan ko, at halos malagutan ako ng hininga dahil sa takot.
Dahan-dahan akong humarap sa kanila habang ang aking kamay ay mahigpit na naka-hawak sa sling bag ko dahil sa takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, basta nanginginig ako sa takot.
Habang papalapit sila , napadako ang mga mata nila sa akin kasabay ng paglabas ng mapaglarong ngisi sa kanilang mga labi na parang handa silang mga leon. At handa silang lapain ako naumang oras. Kapansin-pansin ang masamang intensiyon sa kanilang mga mukha, mula sa labi at mga mata. Sa pananamit at pagmumukha pa lang ako tattooan at siga, alam kong adik sila.
Ang lakas ng pintig ng puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Pero isa lang ang alam kong paraan para matakasan sila. Wala na akong inaksyang oras at nagsimula na akong tumakbo papalayo habang lingon ng lingon sa likod ko. Wala akong makitang kahit na anong bulto ng tao, pero patuloy lang ako sa pagtakbo dahil talagang takot na takot ako.
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...